Nagpoprotekta sa gawa ng may-ari nito at pinipigilan ang iba na gamitin ito nang walang pahintulot
Creative Commons (CC)
Pandaigdigang organisasyong hindi pangkalakalan na nagkakaloob ng malalayang lisensiya na maaaring gamitin ng mga manlilikha o awtor upang payagan ang publiko na gamitin ang kanilang mga gawa
Lisensiyang Creative Commons
Nagbibigay ng pahintulot sa manlilikha na mamili kung paano nila ipagagamit sa iba ang kanilang gawa
Nagpapahintulot sa publiko na kopyahin, magbahagi, at minsan pa'y makapagbago ng isang gawa nang hindi na nagpapaalam pa sa manlilikha nito
Mga elemento ng lisensiyang Creative Commons
Attribution (BY)
ShareAlike (SA)
Non-Commercial (NC)
NoDerivatives (ND)
Attribution (BY)
Kailangan mong kilalanin ang manlilikha, ang pamagat ng gawa, at ang lisensiya nito
ShareAlike (SA)
Anumang bagong gawa na malilikha mula sa orihinal na gawa ay dapat magkaroon ng lisensiya na katulad ng sa orihinal
Non-Commercial (NC)
Hindi maaaring gamitin ang gawa sa mga komersiyal na layunin o upang pagkakitaan
NoDerivatives (ND)
Hindi mo maaaring baguhin o i-edit ang gawa na gagamitin o kokopyahin