MISYONERO - Ito ang pangkat ng mga tao na unang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Imperyong Romano.
CONSTANTINOPLE - Ito ang lungsod na itinatag ni Constantine sa pampang ng Kipot Bosphorus.
IMPERYONG BYZANTINE - Ito ang imperyong tinawag na Bagong Roma.
POPE - Ito ang tawag sa pangunahing pinuno ng simbahang Katolika.
GRIYEGO - Maliban sa mga lokal na wika, ang wikang ito ay ginamit sa seremonya sa simbahan sa Imperyong Byzantine.
KRISTIYANO - Ang salitang ito ay nangangahulugang “mga tagasunod ni Hesukristo.”
MOSAIKO - Ito ay isang sining ng pagsasama-sama ng maliliit at makukulay na materyales upang makabuo ng isang larawan.
ISTANBUL - Sa kasalukuyang panahon, ang Constantinople na bahagi ng Turkey ay kilala sa pangalang ito.
KRISTIYANISMO - Ito ang relihiyon na may pinakamalaking bilang ng mga tagasunod sa buong daigdig.
IKAAPAT NA KRUSADA - Ito ang tuluyang nagpahina sa Imperyong Byzantine.
KODIGONG JUSTINIAN - Ito ay isang kodigo na naglalaman ng mga sinaunang batas ng Roma.
SILANGANG BAHAGI NG ROMA - Sa bahaging ito ng Roma matatagpuan ang Imperyong Byzantine.
DAKILANG PALASYO NG CONSTANTINOPLE - Ito ang nagsilbing opisyal na tirahan ng mga naging pinuno Imperyong Byzantine.
KRUSADA - Ito ay isinagawa upang bawiin ang mga lupaing nakuha ng mga Muslim mula sa mga Kristiyano.
JUSTINIAN - Siya ang nagtatalaga ng Partiyarka ng Constantinople.
CHARLEMAGNE - Ang emperador ng imperyo noong 800 C.E.
HOLY ROMAN EMPIRE - Sinasabing bumuhay sa Imperyong Romano.
GITNANG PANAHON - Ang tawag sa sumunod na milenyo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Roman.
Pagbagsak ng Imperyong Roman ang naghudyat sa pagtatapos ng sinaunang panahon sa kasaysayan ng Europa.
KRISTYANISMO - Relihiyon ang lumaganap sa Kanlurang Europa noong Panahong Medieval.
MONGHE - Binubuo ng mga pangkat ng pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina.
SIMBAHAN SA EUROPA - Naging takbuhan ito ng mga hukbong nais nang magpalit ng pinuno naging takbuhan ito ng mga taong nais magsisi sa kanilang kasalanan.
OBISPO - Kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahan noong Gitnang Panahon.
LEO THE GREAT - Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine.
CONSTANTINE THE GREAT - Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong Imperyo ng Roma at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.
OBISPO - Ang tawag sa pinunong pansimbahan noon na sa isang lungsod.
SIMBAHAN - Sa pagsalakay ng mga barbaro sa sa Imperyong Romano noon, ito ang tanging institusyon na hindi nila pinakilaman.
PRESBYTER - Sila ay mga karaniwang tao lamang noon sa Europa na pinili upang maging pinuno ng simbahan.
PEPIN THE SHORT - Siya ang unang hinirang na hari ng France.
CHARLEMAGNE - Noong ika-25 ng Disyembre taong 800 ay kinoronahan siya bilang Emperador ng Banal na Imperyong Romano.
Bunga ng Holy Roman Empire ay binuhay muli nito ang Imperyong Romano.
Ang pinakamahalagang tungkulin ng mga monghe noong Gitnang Panahon ay sila ang tagapagpalaganap ng relihiyon sa utos ng Papa.
Ang siyung politikal na nakaapekto sa panahon na ang Imperyong Romano ay unti-unting humina at tuluyang bumagsak ay kakulangan ng mga tapat at may kakayahang pinuno.
PAPACY - Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
ABBOT - Pinamumunuhan nila ang mga Monghe.
PAPA GREGORY VII - Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihang sekular at eklesyastikal.
SIMBAHANG KATOLIKO - Ito ang makapangyarihang institusyong espiritwal noong Gitnang Panahon.
HOLY ROMAN EMPIRE - Sa ilalim nito ay nagsama ang kulturang Romano, Kristiyano at Germaic na nagpasimula sa kabihasnang Medieval.
INVESTITURE - Isang seremonyakung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa Obispong kaniyang hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan.
CRUSADE - Nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang cross.