reviewer

Cards (42)

  • Sino ang may akda ng kartilya ng katipunan at Ningning at liwanag?
     Emilio Jacinto
  • Naglalahad ng kaisipan hinggil sa paraan ng pag-iisip at kamalayan ng Pilipino.
    Sikolohiyang Pilipino
  • Sa perspektiba ng politika at sosyolohiya, mayroong tatlong paradigm upang maunawaan ang      pinagmulan at batayan ng nasyonalismo. Alin ito sa mga sumusunod?
    Primordialism, ethnosymbolism, at modernism
  •  Ito ay isang metodo ng sosyo-ekonomikong pagsusuri na kung saan ay tinitingnan ang    ugnayan ng  klase at tunggaliang panlipunan gamit ang materyalistang interpretasyon ng pag-unlad ng kasaysayan at  ginagamitan din ng dyalektal na pananaw ng transpormasyong panlipunan o social transformation.
    Marxismo
  • Sa teorya ng Banga, inilalarawan na ang mahihirap na estado ay pinagkaitan at ang mayayaman ay pinagkalooban. T O M
    Mali
  • Ang salitang teorya ay maaaring itumbas sa mga salitang prinsipyo, batas,  at doktrina. T O M
    Tama
  • Kung ang Sikolohiya sa Pilipinas ay "bisita sa bahay", ang Sikolohiya ng mga Pilipino ay "tao sa bahay, ano naman ang Sikolohiyang Pilipino?
    ang maybahay
  • Ayon kay Maaranan, 2018, may tatlong mahahalagang sangkap ang Pantayong Pananaw. Alin sa mga sumusunod ang mga ito?
    Dulog etic at emic, Pag-unawa at Pagpapaliwanag, Suliranin ng ideya
  • Ang pakikibaka ng Tanggol Wika laban sa banta ng pagsira sa wikang  Filipino ay maaaring binabalutan ng konteksto ng Marxismong Pananaw.T O M
    Mali
  • Hindi lamang masasabing isang genre o anyo ng panitikan ang pantawang pananaw, sapagkat nakabukas ito sa iba’t ibang anyo at daluyan sa karanasang Pilipino. T O M
    Tama
  • Ilang elemento mayroon ang pantawang pananaw?
    5
  • Ang teoryang banga ay mula naman sa ideya niya na masasalamin sa kaniyang akdang “Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino
    Prospero Covar 1993
  • Anong metodolohiya ang gumagamit ng ekonomiko at sosyo-pulitikal na pag-uusisa na ginagamit sa analisis at kritika ng pag-unlad ng kapitalismo at ang ginagampanan ng tunggalian ng uri sa sistematikong pagbabagong pang-ekonomiya?
    Marxista
  • Sino ang kinikilalang awtor ng pantayong pananaw?
    Zeus Salazar
  • Ang feminismo na maituturing na malapit na malapit sa Marxismo ay isa rin batayang teoretikal. T O M
    Tama
  • Ito ay tumutukoy sa mga kahulugang nakasentro sa mga saloobin, pang-unawa, at sentimyento ng mga mamamayan.
    Subjective factors
  • Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-politikal na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista na siyang ginagamit sa analisis at kritika na pag-unlad ng kapitalismo. T O M
    Tama
  • Sa batayang teoretikal nakasaad kung paano nabuo ang isang pananaliksik T O M
    Tama
  • Konektado rin sa Marxismo ang perspektibang “Mga Tinig mula sa ibaba” na isinulat ni _______
    Teresita Gimenez Maceda
  • Ang Teoryang Dependensiya ay kilala rin sa tawag na _______________.
     Teoria de la Independencia
  • Ang mananaliksik sa pag-aaral na ito ay nangangalap lamang ng datos upang patunayan ang isang teorya samantalang sa ibang pag-aaral, ang mananaliksik ay nagsasagawa ng pag-aaral batay sa umiiral na teorya o mga pag-aaral.
    Grounded Theory
  • Tumutukoy ito sa palarawang paglalahad ng mga katangian ng isang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa na sinusuri/pinag-aaralan.
    Deskriptibong pananaliksik
  • Obserbasyon na pagkukunwari ang tawag kapag ang indibidwal na paksa ng pag-aaral ay walang ideya na siya ay bahagi o ang paksa ng pag-aaral. T O M
    Tama
  • Tumutukoy sa pag-iimbestiga para makita kung nakakaimpluwensya ba ang isang phenomenon sa isa  pa
    Paglalahad o Pagpapakita ng Ugnayan o Relasyon o Korelasyon
  • Isa itong uri ng pananaliksik na kadalasang ginagamit sa larangan ng agham panlipunan, partikular sa antropolohiya at ilang sangay ng pag-aaral sa sosyolohiya, at nakatuon sa isang malalimang pag-aaral sa isang kultura.
    Etnograpiya
  • Ayon sa kanila, ang Cultural Mapping ay proseso ng pagtukoy at paglalarawan sa lahat ng mga yamang pangkultura na nasa isang tiyak na lugar o rehiyong heograpiko, sa paraang pasulat o biswal na imbentaryo.
    Moore at Borrup (2008)
  • Ang _______ ay madalas isulat bilang mga dokumento sa pagbebenta at pamimili na ginamit upang maakit o mahikayat ang mga potensyal na mamimili.
    white paper
  • Ang isang _____ ay inilaan upang magbigay ng mapang-akit at makatotohanang katibayan na ang isang partikular na alay ay isang mahusay na pamamaraan ng paglapit o paglutas ng isang problema o hamon.
    white paper
  • Layunin ng isang ______ na maitaguyod ang isang tiyak na produkto, serbisyo, teknolohiya o pamamaraan, at maimpluwensyahan ang kasalukuyang desisyon ng mga mamimili.
    white paper
  • Ayon sa modyul ng University of California, Davis (c. 2003), ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng partisipasyon ng mananaliksik sa mga aktibidad sa komunidad na kaniyang pinag-aaralan, kaya ang mananaliksik ay hindi lamang isang simpleng taga- masid o observer, kundi isang aktibong kalahok o participant.

    Participant Observation
  • Ang Layunin nitong maitaguyod ang isang tiyak na produkto, serbisyo, teknolohiya o pamamaraan, at maimpluwensyahan ang kasalukuyang at mga desisyon ng mga mamimili.
    White Paper o Panukala
  • Ang interpretatibong pangkat ng metodo ay nakatuon sa pag-unawa sa penomena gamit ang komprehensibo at holistikong pamamaraan. T O M
    Tama
  • Klasipikasyon ito ng obserbasyon na hinahayaang makita ng mananaliksik ang natural na  kilos ng paksa (subject) na hindi naaapektuhan ng kanyang presensya.
    Naturalistikong Obserbasyon
  • Ito ay isang metodo ng pangangalap ng impormasyon na kung saan ang tagapamagitan ay malayang nakapagbibigay ng desisyon na palitan ang proseso ng pagtalakay upang higit na mapaganda ang daloy ng pagtalakay.
    Focus Group Discussion
  • Maaaring maging paksa ng ganitong metodo ng pananaliksik ang mga lumad, manggagawang kontraktwal, mga babaeng mangagawa, mga kasambahay, buhay ng mga anak ng mga OFW, o kaya’y ang buhay ng mga bahagi ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, at Transexuals) sa bansa, at iba pa
    Kwentong-buhay
  • Ito ay isang metodo sa pangangalap ng datos ma kung saan ang mananaliksik ay bumubuo ng isang maliit na pangkat na kinabibilangan ng magkakaibang tao na ang tugon ay siyang pinag-aralan sa market research at political analysis sa pamamagitan ng ginagabayn at bukas na talakayan. 
    Focus Group Discussion
  • Ang pakikipamuhay ay karaniwang mas madali kaysa pagmamasid sapagkat ito ay nangangailangan lamang ng maikling panahon ng pagsasagawa. T O M
    Mali
  • Nakapokus ang ganitong pananaliksik sa pagtalakay sa mga obserbasyon, natutuhan,          praktikalnaaral,at iba pa na nakuha o nakalap ng mananaliksik habang nagsasalin ng isang akda. 
    Translation Process Study
  • Ang mga panayam o interbyu ay maaaring hindi istrukturado, malaya at bukas na pag-uusap nang walang paunang natukoy na plano o mga paunang natukoy na mga katanungan. T O M
    TAMA
  • Ayon sa kanya, ang Action Research ay angkop para sa mga nagnanais ng pagbabago sa kanilang organisasyon bilang resulta ng pag-aaral na isinagawa ng isa o ng pangkat.
    Stephen Corey (1953)