Cards (24)

  • Telebisyon
    Pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naabot nito
  • Dumami ang manonood ng telebisyon saanmang sulok ng bansa dahil sa paglaganap ng cable o satellite connection
  • Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa
  • Mga programa sa telebisyon na gumagamit ng wikang Filipino
    • Teleserye
    • Pantanghaliang palabas
    • Magazine shows
    • News and public affairs
    • Komentaryo
    • Dokumentaryo
    • Reality T.V
    • Mga programang pang-showbiz
    • Mga programang pang edukasyon
  • Malakas ang impluwensiya ng mga programang ito na gumagamit ng wikang Filipino sa mga manonood
  • Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga mamamyanan sa Pilipinas ang nakakapagsalita ng Filipino
  • Mga pahayag sa telebisyon
    • "Bawal pumarada rito"
    • "Bawal magtapon ng basura rito"
    • Pagtatanong ng direksiyon sa wikang Filipino
  • Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nagungunang wika sa radyo
  • Sa mga diyaryo, wikang Ingles ang ginagamit ng mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid maliban sa People's Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles
  • Tabloid
    Hindi pormal ang wikang karaniwang ginagamit, nagtataglay ng malalaki at nagsususmigaw na headline na naglalayong makaakitagad ng mambabasa, ang nilalaman ay karaniwan ding sensyonal at litaw sa mga ito ang mga barayti ng wika kaysa sa pormal na Filipino
  • Mas pinipili ng maraming manonood ang mga pelikulang banyaga na madalas ay gumagamit ng wikang Ingles bilang midyum
  • Sa dalawangpung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita lima sa mga ito ay lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga lamang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino
  • Ayon kay Tiongson, 2012, Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mag-aliw, manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng kasayahan
  • Wika
    Isa sa mga katangian nito ay pagiging malikhain, sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba't-ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng impluwensiya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media
  • Mga paraan ng malikhaing paggamit ng wika
    • Fliptop battle
    • Pick-up lines
    • Hugot lines
  • Text
    Mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa, higit itong popular kaysa pagtawag sa telepono
  • Social media o internet
    Ang taong gumagamit nito ay tinatawag na netizen, pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago i-post, Ingles ang panunahing wika rito
  • Kalakalan
    Madalas sa wikang Ingles ang ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kompanya, malimit kasing banyaga ang mga may-ari ng mga ito, ang kanilang memo., websites at pres release ay pawang nakasulat sa wikang Ingles
  • Pamahalaan
    Ayon sa batas na pinirmahan ni dating Pangulong Corazon Aquino, gagamitin ang wikang Filipino sa mga sangay ng ahensiya ng pamahalaan
  • Edukasyon
    Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ang unang wika ang gagamiting wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang wikang Ingles at Filipino naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika, sa mataas na antas ay mananatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles at Filipino bilang mga wikang panturo
  • AM - Amplitude Modulation
    FM - Frequency Modulation
  • Walang malinaw na paksang pinagtatalunan.
    Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap
    Fliptop
    • Ito ay makabagong bugtong “boladas”
    • Nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig.
    Pick-up lines
    • Isang patunay na ang wika ay malikhain at karaniwa’y nagmumula sa pelikula.
    • Depende sa damdamin o pinagdaraanan.
    Hugot lines