Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre 1972
Tungkol sa ikauunlad ng bayan ang naging karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), pagpaplano ng pamilya, wastong pagkain (Nutrition), "drug addiction", polusyon at iba pa
Pinagsikapan ng Bagong Lipunan na maputol ang mga malalaswang babasahin gayundin ang mga akdang nagbibigay ng masasamang impluwensiya sa moral ng mga mamamayan
Ang lahat ng mga pahayagang pampaaralan ay pansamantalang pinahinto at maging ang mga samahang pampaaralan
Nagtatag ang pamahalaang militar ng bagong kagawaran na tinawag na "Ministri ng Kabatirang Pangmadla" upang mamahala at sumubaybay sa mga pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan
Muling naibalik ng dating Unang Ginang Imelda Marcos sa pagpapanibagong-buhay ang ating mga sinaunang dula tulad ng senakulo, sarsuela, embayoka ng mga Muslim at iba pa
Ipinatayo niya ang ''Culture Center of the Philippines'', Folk Arts Theater at maging ang Metropolitan Theater ay muli niyang ipinagawa upang mapagtanghalan ng mga dulang Pilipino
Naging laganap din ang pag-awit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga ipinadadala sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin ang inaawit
Ang mga lingguhang babasahin tulad ng Kislap, Liwayway at iba pa ay malaki ang naitulong sa pagpapaunlad ng panitikan
Naging lagusan ito ng manunulat upang mailathala ang kanilang mga akda
Tahasang masasabi na nagningning din ang Panitikang Filipino sa panahong ito
Mga ''slogan'' na nabasa at naririnig sa mamamayan
Sa ikauunlad ng bayan, Disiplina ang kailangan
Tayo'y kumain ng gulay, Upang humaba ang buhay
Magplano ng pamilya, Nang ang buhay ay lumigaya
Ang pagsunod sa magulang, Tanda ng anak na magalang
Tayo'y magtanim, Upang mabuhay
Tayo'y magbigayan, At huwag magsiksikan
Mga nagsisulat ng tula nang panahong ito
Ponciano Pineda
Aniceto Silvestre
Jose Garcia Relevo
Bienvenido Ramos
Vicente Dimasalang
Cir Lopez Francisco
Pelagio Sulit Cruz
Mga awit na lumitaw nang mga unang taon ng Bagong Lipunan
Bagong Lipunan
Tayo'y Magtanim
TL Ako Sa Iyo
The Way We Were
Anak
Ako'y Pinoy
Nanguna sa pagpapanibagong-buhay ng ating mga sinaunang dula ang Unang Ginang Imelda Marcos
Binuhay niya ang sarsuela ng mga Tagalog, senakulo at embayoka ng mga Muslim na pawang itinatanghal sa ipinakumpuni niyang Metropolitan Theater at ipinatayong Folk Arts Theater at Cultural Center of the Philippines
Marami ring mga paaralan at samahan ang nagtanghal ng naiibang dula
Ang Mindanao State University ay nagtanghal sa Cultural Center of the Philippines ng isang dulang may pamagat na ''Sining Kambayoka"
Ang "Tales of Manuvu" na isang makabago o istilong rock na opera ng ballet ay nakadagdag din sa dulaang Pilipino noong 1977
Si Ime Marcos na anak ng naging Pangulo ng bansa ay isa ring artista ng dulaan sa kanyang pagganap bilang pangunahing papel sa ''Santa Juana ang Koral'' at ''The Diary of Anne Frank''
Mga samahang pandulaan na nakapagpasigla sa dula sa panahong iyon at maging sa kasalukuyan
PETA - nina Cecille Guidote at Lino Brocka
Repertory Philippines - nina Rebecca Godines at Zenaida Amador
UP Repertory – ni Behn Cervantes
Teatro Filipino - ni Rolando Tinio
Ang radyo ay patuloy pa ring tinatangkilik sa panahong ito
Ang mga dugtungang dula tulad ng ''Si Matar'', ''Dahlia'', ''Ito Ang Palad Ko'', ''Mr.Lonely'', at iba pa ay ang naging pampalipas oras o libangang pakinggan ng mga wala pang telebisyon
Maging ang mga awitin ay dito unang napakinggan ng ating mga kabataan
Maraming artista sa radio ang lumipat sa telebisyon sa dahilang mas malaki ang bayad sa pagganap sa telebisyon kaysa sa radyo
Mga artista na lumipat mula radyo patungong telebisyon
Augusto Victa
Gene Palomo
Mely Tagasa
Lina Pusing
Ester Chavez
Luz Fernandez
Mga dula sa telebisyon ng panahong ito na labis na tinangkilik ng maraming tao
Gulong ng Palad
Florde Luna
Anna Liza
Ang "Superman" at "Tarzan" ay kinagiliwan din ng mga bata sa panahong ito
Nagkaroon ng taunang pista ng mga Pelikulang Pilipino sa panahong ito
Mga pelikulang Pilipino na nagsilabas sa panahong ito ng Bagong Lipunan hanggang sa 1979
Maynila … Sa Mga Kuko ng Liwanag
Minsa'y Isang Gamu-gamo
Ganito Kami Noon … Paano Kayo Ngayon
Insiang
Aguila
Hindi pa rin napahindian nang panahon ito ang mga pelikulang nahihingil sa seks na kinagiliwan ng mga tao
Mga pahayagan sa panahong ito
Bulletin Today
Times Journal
People's Journal
Balita
Pilipino Express
Phil. Daily Express
Evening Express
Evening Post
Mga magasing mababasa sa panahong ito
Liwayway
Kislap
Bulaklak
Extra Hot
Jingle Sensation
Mga komiks na kinagiliwang basahin ng marami
Pilipino
Extra
Lovelife
Hiwaga
Klasik
Espesyal
Walang pinag-iba ang mga maikling kuwento sa panahong ito sa mga naisulat noong bago magkaroon ng aktibismo gayundin ang mga nobela at dula