MODULE 10 PANITIKAN

Cards (24)

  • Makaraan ang sampung taong pagkakasailalim ng Pilipinas sa Batas Militar, ang bansa ay inalis mula sa ilalim ng nasabing batas noong ika-2 ng Enero, 1981
  • Nang panahong ito, di-mapapasubaliang maraming mamamayan ang tumututol at nagpupuyos ang kalooban dahil sa patuloy na paghihirap ng bansa at di-pagdama sa tunay na kalayaan
  • Lalo pang nag-alab ang ganitong damdamin nang patayin noong Agosto 21, 1983 ang dating senador ng bansa na si Benigno Aquino, Jr.
  • Maraming mga manunulat ang nangagsisulat ng mga paksang nadarama sa buhay tulad ng pakikisama, paggawa, pagdadalamhati, kahirapan, politika at imperyalismo
  • Masasabing maningning pa rin ang panitikang Filipino sa panahong ito
  • Panulaang Tagalog sa Panahon ng Ikatlong Republika
    • May pagkaromantiko at rebolusyonaryo
    • Lantaran kung ito ay tumuligsa sa mga nagaganap noon sa ating pamahalaan
    • Ang hinaing ng mga mamamayan ay nakatambad sa wikang maapoy, marahas, makulay at tila mapagtungayaw
  • Francisco 'Soc' Rodrigo: 'Pilipinas, sawi kong Bayan<|>Ngunit ngayon, O Bayan kong kulang palad, Anak mong sarili ang sa iyo'y bumihag; Ginapos ka, tinakot ka at hinamak, Sa lupa mong sarili, dangal mo't laya ay umiiyak.<|>Bayan, kumilos ka! Ang kalayaan ay ipaglaban! O Pilipinas, dahil sa iyo, kami'y laban hanggang kamatayan.'
  • Awiting Filipino sa Panahon ng Ikatlong Republika

    • Mga paksang madarama sa buhay ang nilalaman
    • Kalungkutan o pagdadalamhati, kahirapan, paghahangad ng tunay na kalayaan, pag-ibig sa Diyos, sa bayan at sa kapwa ang mga damdamin
  • Maraming kompositor ang nalungkot nang paslangin si Ninoy Aquino Jr.
  • Sina Coritha at Eric ay bumuo ng isang awiting pinamagatang "Laban Na" at unang inawit ito ni Coritha sa isinagawang Unification Conference ng oposisyon noong Marso 1985
  • Muling binuhay naman ni Freddie Aguilar ang awiting "Bayan Ko" na sinulat naman nina Jose Corazon de Jesus at C. de Guzman noong panahon ng Amerikano
  • Lumikha rin si Freddie Aguilar ng awiting pinamagatan niyang "Pilipino"
  • Nagpatuloy pa rin ang pagdiriwang ng taunang Pista ng mga Pelikulang Filipino sa panahong ito
  • Lalong hindi napigil ang pagkagiliw ng mga tao sa mga pelikulang nahihinggil sa seks
  • Tila pulitikang biglang nahati sa dalawang Partido ang mga pahayagan sa panahong ito
  • Mga pahayagang binansagang "crony newspapers"

    • Bulletin Today
    • Peoples Journal
    • Peoples Tonight
  • Mga pahayagang tinangkilik at pinaniniwalaang nagpapahayag ng mga totoong pangyayari

    • Forum
    • Daily Inquirer
    • Manila Times
    • Malaya
  • Patuloy pa ring tinangkilik ng maraming kabataang Pilipino ang mga komiks at magasin
  • Mga komiks at magasin

    • Kislap
    • Modern Magasin
    • Bulaklak
    • Liwayway
    • Extra Hot
    • Jingle Sensation
    • Lovelife
    • Extra
    • Aliwan
    • Hiwaga
    • Holiday
  • Ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, pinakaprestihiyosong gawad pampanitikan ng bansa ay nagpatuloy pa rin sa pagbibigay-gantimpala taon-taon
  • Mga nagkamit ng unang gantimpala sa Tula
    • 1981 - "Taga Sa Bato" - Romulo A. Sandoval
    • 1982 - "Odyssey Ng Siglo" - Cresenciano C. Marquez Jr.
    • 1983 - "Sa Panahon ng Ligalig" - Jose F. Lacaba
    • 1984 - "Bakasyunista" - Tomas F. Agulto
    • 1985 - "Punta Blangko" - Mike L. Bigornia
  • Mga nagkamit ng unang gantimpala sa Maikling Kuwento

    • 1981 - "Di Mo Masilip Ang Langit" - Benjamin P. Pascual
    • 1982 - "Tatlong Kuwento Ng Buhay Ni Julian Candelabra" - Lualhati Bautista de la Cruz
    • 1983 - "Pinagdugtung-dugtong Na Hininga Mula Sa Iskinitang Pinagpiyestahan Ng Mga Bangaw" - Agapito M. Lugay
    • 1984 - "Sa Kaduwagan ng Pilikmata" - Fidel D. Rillo Jr.
    • 1985 - "Unang Binyag" - Ernie Yang
  • Mga nagkamit ng unang gantimpala sa Sanaysay
    • 1981 - "Sa Sariling Panunuring Pampanitikan; mga hamon at pananagutan" - Pedro L. Ricarte
    • 1982 - "Isang Liham sa Baul ng Manunulat" - Fanny A. Garcia
    • 1983 - "Ang Kontemporaryong Nobelang Tagalog" - Rosario Torres Yu
    • 1984 - "Mga Tinik Sa Dambuhalang Bato" - Lilia Q. Santiago
    • 1985 - Walang nagkamit ng unang gantimpala, subalit isang espesyal na gantimpala ang natanggap ni Fidel Rillo Jr. sa kaniyang sanaysay na "Now For The Fun Of The Flowering Gutter"
  • Sa panahong ito, masasabing nangunguna sa sangay ng panitikan Filipino ay ang mga tula, mga awit, mga maikling kuwento at mga sanaysay