Filipino

Subdecks (1)

Cards (68)

  • Layunin: Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa at nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay, at simbolo
  • Matatalinghagang Ekspresyon

    Mga pahayag na may natatago o malalim na kahulugan
  • Tayutay
    Hindi tuwirang gamit ng salita upang maging mas malikhain ang pagkakabuo ng isang akda
  • Pagtutulad o Simili
    • Naghahambing ito ng dalawang magkaibang bagay sa di-tuwirang paraan. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng, mistula, tila, kamukha ng, kawangis, anaki'y, kaparis at iba pa.
  • Pagwawangis o Metapora

    • Naghahambing ito ng dalawang magkaibang bagay sa tuwirang paraan
  • Pagmamalabis o Hayperbole
    • Nagmamalabis ito o gumagamit ng mga pahayag na lagpas sa katotohanan upang mailarawan ang mga bagay
  • Pagsasatao o Personipikasyon
    • Nagsasalin ito ng katangian ng tao sa mga bagay na hindi buhay o hindi tao
  • Apostrope o Pagtawag

    • Isa itong madamdaming pakikipag-usap o pagtawag sa isang bagay, ideya at katauhang hindi kaharap
  • Ekslamasyon
    • Isang paglabas ng masidhing damdamin na karaniwang ginagamitan ng tandang padamdam
  • Simbolo
    Maaaring bagay, panahon, lugar, hayop at tao na ginamit ng manunulat sa akda upang kumatawan sa isang ideya o kaisipan. Ito rin ay mga salitang paulit-ulit na nabanggit sa akda na nag-iiwan ng pakahulugan sa mga mambabasa.
  • Salamat sa iyo, O nanasang irog malabo, kung halagahan mo itong aking pagod; ang tula ma'y bukal ng bait na kapos, pakikinabangan ng ibig tumarok.
  • Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap, palibhasa'y hilaw at mura ang balat; nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap, masasarapan din ang babasang pantas.
  • Di ko hinihinging pakamahalin mo, tawana't dustain ang abang tula ko; gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo ay huwag mo lamang baguhin ang berso
  • Kung sa pagbasa mo'y may tulang bago mo hatulang katkatin at liko, pasuriin muna ang luwasa't hulo, at makikilalang malinaw at wasto.
  • Ang may tandang letra alinmang talata, di mo mawatasa't malalim na wika ang mata'y itingin sa dakong ibaba, Buong kahuluga'y mapag-uunawa
  • Hanggang dito ako, O nanasang pantas, sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad; Sa gayong katamis wikang masasarap ay sa kababago ng tula'y umalat.
  • Sa isang madilim, gubat na mapanglaw, dawag na matinik ay walang pagitan, halos naghihirap ang kay Pebong silang dumalaw sa loob na lubhang masukal.
  • Malalaking kahoy — ang inihahandog, pawang dalamhati, kahapisa't lungkot; huni pa ng ibon ay nakakalunos sa lalong matimpi't nagsasayang loob.
  • Tanang mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik; may bulo ang bunga't nagbibigay-sakit sa kanino pa mang sumagi't malapit.
  • Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy, pinakapamuting nag-ungos sa dahon; pawang kulay luksa at nakikiayon sa nakaliliyong masangsang na amoy
  • Karamiha'y Sipres at Higerang kutad na ang lihim niyon ay nakakasindak. ito'y walang bunga't daho'y malalapad na nakadidilim sa loob ng gubat.
  • Ang mga hayop pang dito'y gumagala, karamiha'y S'yerpe't Basilisko'y madla Hayena't Tigreng ganid na nagsisila ng buhay ng tao't daiging kapuwa.
  • Ito'y gubat manding sa pinto'y malapit ng Avernong Reyno ni Plutong masungit; ang nasasakupang lupa'y dinidilig ng Ilog Kositong kamandag ang tubig.
  • Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat, may punong Higerang daho'y kulay-pupas; dito nagagapos ang kahabag-habag, isang pinag-usig ng masamang palad.
  • Baguntaong basal na ang anyo'y tindig, kahit natatali — kamay, paa't liig, kundi si Narsiso'y tunay na Adonis, mukha'y sumisilang sa gitna ng sakit
  • Makinis ang balat at anaki burok, pilikmata't kilay — mistulang balantok; bagong sapong ginto ang kulay ng buhok, sangkap ng katawa'y pawang magkaayos
  • nis, mukha'y
    sumisilang sa gitna ng sakit
  • Panuto A: Sagutin ang mga tanong mula sa binasang mga saknong sa itaas. Isulat ito sa hiwalay na papel.
  • Mga tanong

    • Ilahad ang mga naging bilin o payo ni Balagtas sa babasa ng kaniyang tula.
    • Isa-isahin ang mga bagay na makikita sa gubat batay sa araling 'Gubat na Mapanglaw'.
    • Ano-anong damdamin ang naidudulot ng mga bagay na ito?
    • Batay sa lalaking nakagapos na si Florante, ano-ano raw ang mga bagay na naghahari o nagaganap sa Albanya?
    • Ibigay ang dalawang bagay na hinahangad ni Adolfo kaya't nagawa niyang pagtaksilan ang kanyang bayan?
  • Panuto B: Batay sa araling 'Sa Babasa Nito', Piliin kung anong saknong ang tinutukoy ng mga paliwanag sa ibaba.

    • Maaari mong gawin ang lahat ng ibig mo sa kaniyang tula basta't huwag mo lamang babaguhin ang berso.
    • Kapag pilit na pinapalitan o binabago ang isang tula, sa halip na gumanda ay lalo itong pumapangit.
    • Nagpapasalamat si Balagtas sa pagpapahalaga sa kaniyang tula at kahit na ito'y kulang sa nilalaman, makatutulong din ito sa iyo.
    • Malalaman mo ang kahulugan ng malalalim na salita kung titingin ka ilalim na bahagi ng libro.
    • Kapag sa unang basa mo ng tula at pakiramdam mo ito ay di maganda, unawaing mabuti at ikaw ay matutuwa.
  • Panuto C: Piliin ang kahulugan ng mga matatalinghagang ekspresyon mula sa mga saknong ng Florante at Laura.

    • 12
    • 13
    • 14
    • 16
    • 17
    • 19
    • 20
    • 21
    • 24
    • 26
  • Panuto A: Iguhit mo ang larawan ng gubat na kinalalagyan ni Florante. Sikaping maipakita sa iyong guhit ang mga bagay na matatagpuan dito. Iguhit ito sa short bondpaper.
  • Mga tanong

    • Ano-anong mga bagay ang mayroon sa gubat na nagpapasidhi ng kalungkutan?
    • Isa-isahin ang mga bagay na naghahari sa Reynong Albanya.
  • Mga Tauhang Kristiyanirmok
    Menandro
  • Menandro is a mabuting kaibigan ni Florante
  • Alenor is a Guro nina Florante, Adolf at Menandro
  • Mga Tauhan

    • Prinsesa Floresca
    • Ine
    • Anak ni Florante at asawa ni Duke Brise
    • Hari ng Brotona
    • Duke Briseo
    • Haring Lince
    • Laura
    • Florante
    • Konde Adolfo
    • Menalipe
  • Haring Lince is the Ama ni Laura at Haring Albany
  • Florante is a Magiting na Heneral
  • Konde Adolfo is a taksit at Karibal ni Florante