AP 4TH QUARTER

Subdecks (3)

Cards (134)

  • Nasyonalismo
    Pagpapahayang ng labis na pagmamahal at pagkamakabayan sa Inang-bayan
  • Uri ng nasyonalismo
    • Passive nationalism (mapagtanggol na nasyonalismo)
    • Aggressive nationalism (pangpanakop na nasyonalismo)
  • Silangang Asya ang tanging rehiyon sa Asya na hindi nakaranas ng sapilitang pananakop</b>
  • Silangang Asya ang nagbukas ng kanilang mga bansa sa mga bansang kanluranin
  • Ang imperyalismong Kanluranin sa Silangang Asya ay nagdulot ng malaking epekto sa ekonomiya, pamahalaan, lipunan, at kultura
  • Ang epekto ng imperyalismong Kanluranin ay naging dahilan para mas lalong lumalakas at namamayagpag ang nasyonalismo sa China at Japan
  • Nasyonalismo sa China

    1. Rebelyong Taiping
    2. Rebelyong Boxer
    3. Pag-usbong ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    4. Pagtatag ng mga Bagong Republika
  • Rebelyong Taiping

    Layunin na mapatalsik ang Qing para matigil ang pamumuno ng mga dayuhang Manchu
  • Ang Rebelyong Taiping ay isa sa mga madugong rebelyon sa kasaysayan ng China kung saan mahigit 20 milyong Tsino ang namatay
  • Rebelyong Boxer

    Naghimagsik ang mga miyembro ng samahang I-ho Chu'an o Righteous and Harmonious Fist, na may kasanayan sa gymnastic exercise at martial arts na kung fu
  • Layunin ng mga Boxer ang pagpatay sa mga misyonerong Kristiyano at mga Tsino na naging deboto ng Kristiyanismo
  • Nang maipatalsik ang dinastiyang Qing, nahati ang China sa dalawang pangkat ng pamahalaan
  • Naitatag ang Nasyonalistang Partido ng China o "Koumintang", at ang Partidong Komunista ng China
  • Ang Koumintang at mga Komunista ay may magkatunggaling pananaw ng pamamahala ng isang bansa sa pamamagitan ng pulitika, ekonomiya, at kulturang Tsino
  • Ang di pagkaunawaan ng Koumintang at mga Komunista ay nauwi sa Chinese Civil War noong 1936
  • Nang sinakop ng Japan ang China noong 1937, panandalian nagtigil putukan ang dalawang pangkat, at nag sanib pwersa ang Koumintang at mga Komunista para talunin ang mga Hapon noong World War II hanggang 1945
  • Matapos ang World War II, muling nagpatuloy ang labanan ng Koumintang at mga Komunista mula 1946 hanggang 1949
  • Ang mga Koumintang ay umalis patungong Formosa upang maitatag ang "Republic of China" o tinatawag ngayon na Taiwan, habang ang Mainland China ay napasakamay ng mga Komunista at kanilang itinatag ang "People's Republic of China" noong October 01, 1949
  • Ang Mainland China ay nananatiling Komunistang Sosyalismong Bansa, habang ang Taiwan ay nagpatuloy na naging Demokratikong Republikang bansa
  • Nasyonalismo ng Japan

    Napaunlad ng Japan ang kanilang ekonomiya, kultura at pagpapahalaga, dahil sa pagsara ng kanilang bansa mula sa mga dayuhan
  • Nagpadala ng kanilang mga kinatawan ang bansang England, France, Russia, at United states, subalit lahat sila ay tinanggihan ng Japan
  • Ipinadala ni US President Milliard Filmore si Commodore Matthew Perry upang hilingin sa emperador ng Japan na buksan ang mga daungan sa Japan para sa barko ng Amerika
  • Ang pagpunta ni Perry sa Japan ay isang senyales na ipinagbabala ng Amerika ang Japan na may malubhang mangyari sa bansa kung hindi sila susunod sa nais ng Amerika
  • Ang Kasunduang Kanagawa noong 1853 ay nagbukas ng bansa ng Japan sa iba pang Kanluranin tulad ng England, France, Germany, Russia at The Netherlands
  • Ang pagbabagong ito sa Japan ay dahil sa bagong naitalaga na Emperador na si Mutsuhito, kung saan nawala ang kapangyarihan ng mga Shogunato ng Tokugawa
  • Modernisasyon ng Japan

    1. Pagpapaunlad ng edukasyon
    2. Pagpapaunlad ng ekonomiya
    3. Pagpapalakas ng sandatahang lakas
  • Ang modernisasyon ng Japan ay bunga ng nasyonalismo ng mga Hapon, na hindi nawawala kahit na nagbukas ang bansa sa mga Kanluranin
  • Meiji Restoration

    Simula ng pamamahala ni Emperador Mutsihito sa Japan mula 1867 hanggang 1912
  • Reporma sa Japan

    1. Pagpapaunlad ng edukasyon
    2. Pagpapaunlad ng ekonomiya
    3. Pagpapalakas ng sandatahang lakas
  • Compulsory (sapilitang) edukasyon

    Ipinatupad sa elementarya
  • Pagpapaunlad ng edukasyon

    1. Paghikayat ng mga dalubhasa at pinakamagaling na guro mula sa ibang bansa
    2. Pagpapadala ng mga iskolar o pinakamatalinong mga Hapones sa ibang bansa para mag-aral
  • Pagpapaunlad ng ekonomiya

    1. Pagpunta ng mga Hapones sa United States at Europa para matutunan ang paraan ng pagnenegosyo at pagpapaunlad ng iba't-ibang industriya
    2. Pagpapagawa ng mga kalsada, tulay, linya ng kuryente na nagpaunlad sa sistema ng komunikasyon at transportasyon
  • Pagpapalakas ng sandatahang lakas

    1. Pagpapagawa ng makabagong barko at kagamitang pandigma
    2. Mas pinagaling at maayos na pagsasanay ng mga sundalong Hapones
  • Sa tulong ng Germany, nagkaroon ang Japan ng sentralisadng pamahalaan, at ginawang model ang konstitusyon nito
  • Ang England naman ang nanguna sa pagsanay at pagpapahusay ng mga sundalong Hapones
  • Ang United States naman ang responsable sa pag-uundlad ng sistema ng edukasyon
  • Nasyonalismo ang susi sa kalayaan ng Timog-Silangang Asya
  • Culture system

    Patakarang ekonomiya na ipinatupad ng mga mananakop na Dutch sa Indonesia
  • Lahat ng mga likas yaman ay napakinabangan lamang ng mga Dutch
  • Napabayaan ng mga Dutch ang sistema ng edukasyon sa Indonesia