ArPan: Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan (Citizenship)

Cards (11)

  • Jus soli - Naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan anuman ang Pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang.
  • Jus sanguinis - Naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.
  • NATURALISADO - Dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon.
  • LIKAS O KATUTUBO - Anak ng Pilipino, parehas mang magulang o isa lang.
  • Republic Act 9225 - Ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino.
    Siya ay magkakaroon ng dalawangpagkamamamayan (dual citizenship).
  • SALIGANG BATAS 1987 - Ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.
  • Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa.
  • Polis - Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
  • Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
  • Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen.
  • Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.