Neokolonyalismo sa tsa at sa

Cards (14)

  • Neokolonyalismo
    Makabagong uri ng pananakop, hindi tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa
  • Patuloy ang impluwensiya sa larangan ng pang-ekonomiya, pampulitika at panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang dati nilang kolonya ngunit wala silang tuwirang militar o pulitikal na kontrol sa mga ito
  • Neokolonyalismo
    Nangyayari sa hindi tuwiran at patagong pamamaraan
  • Neokolonyalismo
    Nagkakaiba lamang sa paraan ng pananakop kung saan direkta/tuwiran at ginagamitan ng dahas ang paraan ng kolonyalismo
  • Mga instrumento ng neokolonyalismo
    • Pang-ekonomiya
    • Pangkultura
    • Pampulitika
    • Pang-militar
  • Pautang ng IMF, WB, o US
    Laging may mga kondisyon
  • Kung hindi masusunod ang mga kondisyon, ay maaaring hindi makautang ang mangungutang
  • Impluwensiya ng neokolonyalismo sa kultura
    Nabago ang ating pananaw sa mga bagay na likas na angkin ng bansa dala ng mga ipinakilala ng mga dayuhan
  • Higit na pinahahalagahan ang musika, palabas, babasahin, teknolohiya ng mga dayuhan at iba pa
  • Pagpasok ng iba't ibang pagkaing dayuhan tulad ng hamburger, hotdog, at mansanas na palasak na sa panlasang Pilipino
  • Paggamit at pagpapairal ng wikang ingles na nakakaapekto sa kalinangan sa paggamit ng sariling wika
  • Pagpapadala ng mga pulis at sundalo sa Estados Unidos upang magsanay at pagpapalaganap ng mga tagapayong militar upang tulungan ang pamahalaan sa pangangalaga ng seguridad ng bansa
  • Ang mga dayuhang tulong ay nagagamit ng mga tumutulong na bansa para sa kanilang kagustuhan
  • Hindi tinangka ng mga Amerikano na iahon ang kabuhayan ng mga Pilipino mula sa sistemang agrikultural patungong industriyal