Ginagamit upang mangalap ng datos mula sa sample ng isang populasyon
Sarbey
Ginagamit sa pagkuha ng opinyon, mga siyentipikong layunin tulad ng kalusugan at medisina, marketing research, sikolohiya, at sosyolohiya
Nakasalalay ang tagumpay nito sa kahusayan ng pagpili sa mga sample ng isang populasyon
Pagsasagawa ng sarbey
1. Pag-aralan at piliing mabuti ang mga aytem o tanong na gagamitin
2. Tukuyin kung sino at saan gagawin ang pagsasarbey
3. Kunin ang resulta ng sarbey at gawan ng interpretasyon ang nalikom na datos
Talatanungan
Ginagamit sa pagpapasarbey, pinasasagutan sa mga kalahok o respondente ng pag-aaral
Layunin ng paggawa o pagdidisenyo ng talatanungan
Makakuha ng feedback o puna sa partikular na grupo ng mga tao upang alamin ang kanilang mga kagustuhan at pangangailangan
Maglarawan ng populasyon
Paghambingin ang dalawa o higit pang uri ng populasyon
Mga bagay na dapat isaalang-alang bago gumawa ng sarbey
Ano ang target na populasyon na gustong makuhanan ng feedback?
Ano ang paraang gagamitin sa pagsasagawa ng sarbey?
Direkta bang makikipag-ugnayan sa mga tao? Irerekord ba ang kanilang puna? O ibibigay na lamang ba sa kanila ang talatanungan?
Mga aytem o tanong sa talatanungan
Magpokus sa mga pangyayari na ipinalalagay na nasaksihan o naranasan na ng mga respondente
Makakuha ng malalim na impormasyon hinggil sa obserbasyon, damdamin, at ebalwasyon sa isang bagay ng mga respondente
Iwasan ang mga komplikadong salita, jargon, at pangungusap na mahirap maunawaan
Kung pipiliin ang saradong uri ng mga tanong, madali itong maintindihan at mabilis itong masusuri ng mga respondente
Kung pipiliin ang nakabukas na uri ng mga tanong, bigyan ng sapat na panahon ang mga respondente na magsagot batay sa sarili nilang kaalaman o palagay
Mga bentaha ng pagpapasagot ng talatanungan
Madaling gawin ang talatanugan
Madaling i-tabulate ang mga sagot ng mga respondente
Malaya ang mga sagot ng mga respondente
Maaaring magbigay ng kumpidensiyal na impormasyon ang mga respondente
Maaaring sagutan ng mga respondente ang talatanungan sa oras na gusto nila
Higit na wasto o accurate ang mga sagot ng respondente
Mga desbentaha ng pagpapasagot ng talatanungan
Hindi ito maaaring sagutan ng mga hindi marunong bumasa at sumulat o iyong mga illiterate
Maaaring makalimutang sagutan o sadyang hindi sagutan ng ilang respondente ang talatanungan, kaya't nangangailangan pa ito ng pagpapaalala o follow-up ng mananaliksik
Maaaring hindi sagutan o masagutan ng respondente ang ilang aytem sa talatanungan
Maaaring hindi maunawaan ng respondente ang ilang katanungan sa talatanungan
Maaaring maging napakalimitado ng mga pagpipilian kaya't ang tunay na sagot ng mga respondente ay wala sa pagpipilian