Kaligirang Kasaysayan

Cards (12)

  • Ilang saknong ang bumubuo sa Florante at Laura?
    399
  • 1838
    Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco Balagtas noong ____, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa panahong ito, mahigpit na ipinatupad na sensura kaya't ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng Espanyol.
  • Komedya o moro-moro
    Ang mga aklat ng panahong ito ay karaniwang tungkol sa relihiyo o kaya paglalaban ng mga Moro at Kristiyano
  • Alegorya
    Ang ginamit upang itago ang mensahe ng pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng Espanyol.
  • Gumamit din ng simbolismong kakikitaan ng pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan ng kaharian ng Albanya na kasasalaminan ng mga naganap na kaliluan, kalupitan, at kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.
  • Lope K. Santos
    Ang tumukoy sa apat na himagsik ni Balagtas
  • APAT NA HIMAGSIK NI BALAGTAS:
    1. Ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan
    2. Ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
    3. Ang himagsik laban sa mga maling kaugalian
    4. Ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
  • Florante at Laura
    Ang awit ay inialay ni Balagtas kay Maria Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya ng labis at pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan. Sinasabing isinulat niya ito sa loob ng selda kung saan nakulong dahil sa maling paratang na pakana ng kanyang karibal na si Nanong Kapule.
  • Ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik at kawalang katarungan na naranasan ni Kiko ay ang nagtulak sa kanya na likhain ang Florante at Laura.
  • MGA TINURO NG FLORANTE AT LAURA:
    • Wastong pagpapalaki sa anak
    • Pagiging mabuting magulang
    • Pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan
    • Pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at makasarili
    • Maging maingat sa pagpili ng pinuno
  • Dr. Jose Rizal

    Ang sinasabing nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya'y naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli me Tangere.
  • Apolinario Mabini

    Ang sinasabing sumipi sa pamamagitan ng kanyang sulat-kamay ng kopya ng awit habang siya ay nasa Guam noong 1901