Sinasabing sumulat at namatnugot ng marami sa mga klasikong teksto ng Tsina kabílang ang lahat ng Five Classics, ang prinsipiyo ni Confucius ay nakabase sa mga paniniwala at tradisyon ng mga Tsino, pinalaganap niya ang matatag na katapatan sa pamilya, paggalang sa mga sumakabilang-buhay, paggalang ng mga bata sa mga matatanda at ng mga bána sa kanilang asawa, pinapayo niya rin na gawing basehan ang pamilya para sa isang ulirang pamahalaan, siya ang yumakap sa tanyag na Ginintuang Patakaran o Aral: "Huwag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin din nila sa iyo"