elfili

Cards (359)

  • kubyerta
    Deck ng barko
  • Disyembre, ang Bapor Tabo ay papunta sa lalawigan ng Laguna upang maghatid ng mga manlalakbay
  • Bapor Tabo
    • Mabagal ang paglayag; dahil maputik ang tubig
    • Kumakapal ang putik sa ilalim ng ilog Pasig, kaya sumasadsad na ang Bapor Tabo sa ilog
    • Kulay puti; pininturahan ng puti para itago ang kalumaan, kabulukan, at karumihan ng bapor; maganda sa malayo pero kapag malapitan ay makikita na luma, bulok, at marumi
    • Mukhang maharlika
    • Tinatawag na Bapor Tabo dahil hugis siyang tabo/dipper at pabilog ang itsura
    • Nahahati sa 2: kubyerta at ilalim ng kubyerta
  • Mga nasa kubyerta
    • Mayayaman, prominente/maimpluwensiyang tao, prayle, Espanyol
  • Mga nasa ilalim ng kubyerta
    • Indio, Tsino, mahihirap
  • Nahihirapan gumalaw/kumilos ang mga nasa ilalim ng kubyerta kasi siksikan sila kasama ng mga bagahe
  • Kapitan
    • May anyong mabait at may edad na
    • Dati ay marinero na naglakbay na lulan nang matutuling sasakyang-dagat (minamaneho ay mabibilis na sasakyang-dagat)
  • Donya Victorina
    • Patuloy pa rin pinapakita ang pagka-Espanyol
    • Nerbiyosa
    • Bawat pagkakataon na maaalog ang bapor ay nagagalit siya sa Kapitan at sa mga Pilipino/Indio na nakikita niyang naglalaba at naliligo sa ilog
    • Pinipintasan ang mga Indio dahil, para sa kanya, sila ay mababang uri
    • Nahambalos ni Don Tiburcio gamit ang kanyang saklay, tapos tumakas
    • Tiyahin ni Paulita Gomez
  • Don Custodio
    • Opisyal na tagapayo ng pamahalaan
    • Walang kapaguran/pagod sa pagmumungkahi kung ano ang mga nararapat na protekto (sa tingin niya) na makakatulong sa bayan
    • Tahimik na nasisiyahan sa kanyang mga balak at programa
    • Espanyol kaya di mahirap ang pagkuha ng posisyon at impluwensiya sa pamahalaan
  • Ben Zayb
    • Batikan (kilala/popular)
    • Malikhaing manunulat
    • Binabago ang balita (pro-govt)
    • Nagpapalagay sa sarili na siya lang ang nag-iisip
  • Simoun
    • Mayamang mag-aalahas
    • Tagapagpayo ng Kapitan-Heneral
    • Misteryoso para sa mga Pilipino kung saan nanggaling si Simoun sapagkat bigla na lang siya dumating sa PH
    • Laging gumagamit ng salaming asul
  • Padre Camorra
    • Mukhang artilyero (gunner)
    • Mahilig sa babae at pag-inom
  • Padre Salvi
    • Kura-paroko sa San Diego
    • Naging sakitin at may mahininang pangangatawan
    • Laging tahimik at tila palaging may iniisip
  • Padre Irene
    • Matalik na kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiago
    • Kanonigong pari
    • May mga batas sa simbahang Katoliko o sa pagiging pari na matibay na sinusunod
  • Padre Sibyla
    • Bise-rector (vice rector) ng UST/Pamantasan ng Santo Tomas
    • Kahit matanda ay may magandang tindig
  • Napansin ng mga lulan ng Bapor Tabo ang kabagalan ng paglalakbay
  • Nag-aaway sina Ben-Zayb at P. Camorra
    Tungkol sa suliranin ng Ilog Pasig
  • Suliranin ng ilog Pasig
    Kumakapal na volume ng putik sa ilalim ng ilog Pasig kaya nagiging mababaw ang katubigan na nagpapabagal ng paglalayag ng Bapor Tabo at ng ilan pang sasakyang-dagat na dumaraan sa ilog
  • Simoun
    Itusan ang mga nabilanggo na gumawa ng bagong kanal (na walang sahod)
  • Don Custodio
    Magrerebelde ang mga Pilipino
  • Simoun
    Nagawa ito ng mga Ehipto; nabuo ang mga piramide dahil sa sapilitang pagpapatrabaho kaya bakit hindi gayahin
  • Don Custodio
    Di maaari dahil ang ganitong bagay ay magpapasimula ng himagsikan
  • Simoun
    Imposible dahil walang kakayahan ang mga Pinoy na lumaban sa mga Espanyol
  • Panukala ni Don Custodio
    1. Pag-alagain ng pato (duck) ang lahat ng mga naninirahan malapit sa ilog
    2. Mga pato ay kumakain ng suso/snail na nagdadala ng buhangin sa ilalim ng ilog
    3. Kung mag-aalaga ng itik/pato ang mga komunidad malapit sa ilog, dadami ang mga itik na huhuli at kakain sa mga suso at magdudulot ng muling paglalim ng ilog Pasig
  • Donya Victorina
    Kinaayawan ang panukala dahil kapag dumami ang itik/pato ay dadami ang balut; mas mabuti pa rin ang sapilitang pagtratrabaho sa mga Pilino para makagawa ng bagong kanal
  • Kinasusuklaman ng Donya ang lahat ng bagay na may kinalaman sa pagiging Pilipino
  • Balut
    Sumisimbolo sa pagiging Pilipino
  • Basilio
    • Nag-aaral ng medisina
    • May nagpapagamot na dahil sa kahusayan niya rito
  • Isagani
    • Matangkad at matipuno ang pangangatawan
    • Makata galing Ateneo
    • Pamangkin ni Padre Florentino
    • Kasintahan ni Paulita Gomez
  • Kapitan Basilio
    • Mayamang kapitan sa San Diego
    • Ama ni Sinang (kaibigan ni Maria) at asawa ni Kapitana Tika
    • Karibal ni Don Rafael Ibarra
    • Inilalarawan bilang mayabang na tao (yinayabang ang kanyang kayamanan)
  • Nasa kubyerta talaga si Kapitan Basilio pero kapag nasa kubyerta, pwedeng umikot kaya bumaba lang siya para makipag-usap
  • Pagkalulong ni Kapitan Tiago sa apyan/opyo
    1. Nagsimula nang kinamusta ni Kapitan Basilio ang kalagayan ni Kapitan Tiago kay Basilio
    2. Pumasok si Basilio bilang katulong ni Tiago bilang kapalit ng pag-aaral sa kanya
    3. Inaalagaan at ginagamot ni Basilio si Tiago ngunit pagkatapos din gamutin ay nag-oopyo ulit (dahil dinadalhan ni Padre Irene)
    4. Naging malungkot pagkatapos piliin ni Maria maging mongha
  • Kapitan Basilio
    Kinumusta ang plano ng mga estudyante na magtayo ng Akademya ng Wikang Kastila (Academia de Castellano)
  • Isagani
    Isa sa mga lider ng akademya
  • Basilio
    Isa sa mga sumusuporta sa akademya
  • Kapitan Basilio
    Di daw makakamit ang planong iyon dahil hindi sang-ayon si Padre Sibyla, na may malaking impluwensya sa mga prayle
  • Isagani
    Magagawa ito dahil nasa panig nila si Padre Irene na kakausapin ang ibang prayle at kapitan heneral, na nasa Laguna, tungkol sa plano nila
  • Kapitan Basilio
    Handa na ba raw ang akademya?
    • Oo, magbabayad daw ang mga estudyante para rito
    • May guro na rin; kalahati ay mga Espanyol at kalahati ay Pilipinong marunong magsalita ng Espanyol
    • Para sa paaralan, si Macaraig, kaibigan nila, nagpanukala na gamitin ang isang bahay niya bilang paaralan
  • Padre Florentino
    Nagduda nang malaman ang kasintahan ni Isagani ay si Paulita, pamangkin ni Donya Victorina