finals

Cards (41)

  • Pakikilahok na pampolitika
    Aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa pamamalakad ng pamahalaan at ng kapakanan ng buong bayan
  • Uri ng pakikilahok sa gawaing pampolitika
    • Tuwirang pakikilahok
    • Di-tuwirang pakikilahok
  • Tuwirang pakikilahok
    Ang kagustuhan ng mga mamamayan ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pagpupulong ng bayan (primary assembly). Ang kanilang kagustuhan ay direkta nilang naipararating sa mga kinauukulan.
  • Di-tuwirang pakikilahok
    Ang kagustuhan ng mga mamamayan ay ipinararating sa kanilang piniling kinatawan.
  • Paraan ng pakikilahok sa mga gawaing pampolitika
    • Malayang pamamahayag
    • Pagboto
    • Pagsali at pagsuporta sa mga organisasyong pampolitika
    • Pagbabayad ng buwis
  • Malayang pamamahayag

    Ang ating Kalayaan sa pamamahayag ay nakatala sa ating Saligang Batas 1987, Artikulo III, Katipunan ng mga Karapatan
  • Tungkulin ng media sa pampublikong pamamahala
    • Civic forum
    • Mobilizing agent
    • Watch dog
  • Pagboto
    Isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mga karaniwang mamamayan ang makilahok sa paghalal ng mga pinuno ng pamahalaan
  • Batayan ng mga Pilipino sa pagboto
    • Benepisyo sa botante
    • Educational background
    • Pamamaraan ng partido
    • Popularidad
    • Pag-endorso
  • Mga maaaring bumoto
    • Mamamayan ng Pilipinas
    • Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
    • 18 taon gulang pataas
    • Tumira sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar na gusto niyang bumoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon
  • Mga diskwalipikadong bumoto
    • Mga taong nasentensiyahan na makulong ng hindi bababa sa isang taon
    • Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa
    • Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw
  • Mga probisyon na itinatanong sa mga botante bilang kamalayan sa panahon ng eleksyon
    • Pagbabawal sa paglalagay o pagdidikit ng mga campaign poster sa mga lugar na hindi itinalaga ng COMELEC
    • Pagbabawal na bumoto ng higit sa isang beses
    • Pagbabawal na bumoto para sa ibang tao
    • Pagbabawal na tumanggap ng kabayaran kapalit ng boto
    • Pagbabawal na gumamit ng terorismo, karahasan, at iba pang mga gawain upang makuha ang mga boto
    • Pagbabawal na magsuhol at pilitin ang opisyal ng halalan
    • Pagbabawal sa mga militar at pulis na pumasok at manatili sa loob ng presinto at mga sentro ng botohan, maliban sa pagboto
  • Commission on Elections (COMELEC)
    Ang punong ahensya ng pamahalaan na responsable sa pagsasagawa ng regular at espesyal na halalan sa bansa. Isang independiyente at nagsasariling ahensya ang COMELEC, malayo sa impluwensya o pangingialam ng tatlong sangay, na nagbibigay-daan sa pagsasagawa ng malaya, patas, at tapat na halalan.
  • Partido Politikal
    Organisadong grupo ng mga tao na nagkakaisa ng ideolohiya, pampolitikang ideya, o mga plataporma ng pamahalaan
  • Mga halimbawa ng partido politikal
    • Liberal Party
    • Nacionalista Party
    • Lakas-Christian Muslim Democrats
    • Laban ng Demokratikong Pilipino
    • Puwersa ng Masang Pilipino
    • National Unity Party
    • United Nationalist Alliance
    • Nationalist People's Coalition
  • Party List

    Listahan ng mga rehistradong mga partido o organisasyong pambansa, panrehiyon, o pansektor na binibigyan ng pagkakataon na marinig ang kanilang tinig sa Kongreso
  • Mga halimbawa ng pansektor na kinatawan o party list
    • Akbayan
    • Ako Bicol
    • Abono
    • Anakpawis
    • Bayan Muna
    • Ang Ladlad
    • Kabataan
    • 1-Care
    • Cibac
    • Gabriela
    • ACT Teachers
    • Pasang Masda
  • Non-government Organization (NGO)

    Anumang non-profit na grupong lokal na boluntaryong mamamayan, pambansa o pandaigdig na nagbibigay ng iba't-ibang libreng serbisyo at tulong sa mga tao upang maiparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing
  • Mga halimbawa ng organisasyong di-pampamahalaan (NGO)
    • Ayala Foundation
    • Caritas Manila
    • GMA Foundation
    • ABS-CBN Foundation
    • Philippine Red Cross
    • Rotary Club of Manila
  • Pagbabayad ng buwis
    Pinakamalaking tulong ng mamamayan sa pamahalaan at pinaggagalingan ng pinakamahalagang bahagi ng pondo na ipinaggagastos ng pamahalaan sa iba't-ibang gawain at sebisyong ibinibigay ng mga tao
  • Mga iba't-ibang uri ng buwis
    • Buwis pampamayanan o sedula
    • Buwis na galing sa kita
    • Buwis ng di-natitinag na pag-aari
    • Buwis mula sa donasyon at ari-arian
    • Buwis sa iba pang ari-arian
    • Buwis sa mga negosyo at iba pang kalakal
    • Value-added Tax (VAT)
  • Bureau of Internal Revenue (BIR)

    Ahensiya ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng Kagawaran ng pananalapi na naglilikom ng mga iba't ibang uri ng buwis sa bansa. Ito ay naglilikom ng mahigit sa kalahati ng kabuuang kita ng pamahalaan.
  • Graft
    Pagkuha ng pera o posisyon sa paraang taliwas sa batas, madaya, at kuwestiyonable
  • Corruption
    Intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kanyang kawalan ng integridad o pagkakasala
  • Uri ng Buwis
    • Buwis ng di-natitinag na pag-aari (Real Estate Tax)
    • Buwis Buwis mula sa donasyon at ari-arian (Inheritance Tax)
    • Buwis sa iba pang ari-arian
    • Buwis sa mga negosyo at iba pang kalakal
    • Value-added Tax (VAT)
  • BIR
    Kawanihan ng Rentas Internas, isang ahensiya ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng Kagawaran ng pananalapi na naglilikom ng mga iba't ibang uri ng buwis sa bansa. Ito ay naglilikom ng mahigit sa kalahati ngkabuuang kita ng pamahalaan.
  • Corruption
    Intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kanyang kawalan ng integridad o prinsipyo
  • Graft and Corruption
    • Karaniwang paratang sa mga opisyal o nanunungkulan sa pamahalaan na ginagamit ang pampublikong pondo para sa kanilang pansariling interes
    • Nagagawa sapagkat kasama ng kanilang posisyon , may malawak silang impluwensiya at kapangyarihan
  • Uri ng Graft and Corruption
    • Pork Barrel Scam
    • Bribery
    • Nepotismo
    • Plunder
    • Extortion
    • Embezzlement
    • Fraud o Pamemeke
  • Pork Barrel
    Pondo na inilalaan ng National Government para sa mga mambabatas ng Pilipinas tulad ng Kongreso at Senado. Tinatawag ding PDAP O PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND
  • Bribery
    Suhol o panunuhol, isang ng korupsiyon ang gawain ng pagbibigay ng salapi o regalo na nagbabago sa pag-aasal ng tumatanggap nito
  • Nepotismo
    Anyo ng paboritismong ibinibigay sa mga kamag-anak o mga kaibigan, na hindi tinitingnan o sinusukat ang kanilang pagiging karapat-dapat
  • Plunder
    Pandarambong, krimen ng pagnanakaw. Sinumang opiser na publiko na humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kinuha sa masamang kayamanan (ill-gotten wealth) sa pamamagitan ng pinagsama o tinipong halaga
  • Extortion
    Pangingikil, ilegal na paggamit ng kapangyartihan. Paghuthot, panghihingi, o sapilitang pagkuha ng salapi gamit ang blackmailing o pangunguwalta sa pamamagitan ng pananakot
  • Embezzlement
    Paglustay, pagnanakaw ng pera ng isang taonh pinagkatiwalaan nito. Karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng paglustay o maling paggamit (misappropriation) ng pondo ng pamahalaan
  • Fraud o Pamemeke
    Pandaraya o panlilinlang sa layuning makalamang o makakuha ng salapi o iba pang benepisyo, halimbawa ay paggamit ng mga palsipikadong dokumento o paglikha ng scam
  • Epekto ng Graft and Corruption
    • Tumitinding kahirapan
    • Nawawala ang pagtitiwala at nawawalan ng gana ang mga mamamayan na makilahok sa pagdedesisyon o sa mga polisiya ng pamahalaan
    • Tutungo sa hindi magandang resulta ng mga programa at tuluyang pagkagalit ng sambayanan
  • Anti-Graft and Corrupt Practices Act of 1960
    Batas na nagbabawal sa sinumang nanunungkulan sa pamahalaan na masangkot sa katiwalian at nagbibigay ng mga kaukulang parusa ng pagkabilanggo (sa pagitan ng 6 hanggang 15 taon), diskwalipikasyon mula sa pagtakbo sa opisinang pampubliko, at pagsamsam ng hindi maipaliwanag na kayamanan
  • Paraan upang masolusyonan ang Graft and Corruption
    • Magbigay ng mas mataas na sahod at mas magagandang benepisyo para sa mga ahensiya ng pamahalaan
    • Dagdagan ang mga kawani sa mga sector ng pamahalaan
    • Magpasa ng batas na magtatanggal sa serbisyo sa mga napatunayang tiwaling opisyal
    • Subukang gawing online ang lahat ng mga transaksiyon
    • Magbigay ng resibo para sa bawat transaksiyon sa pamahalaan
    • Maglagay ng CCTV camera sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan
    • Pabilisin ang pagtatrabaho sa mga ahensiya ng pamahalaan
    • Pabilisin ang paglilitis ng mga kaso sa mga hukuman
    • Ganyakin ang media na maging responsable at patas sa pag-uulat at magpasa ng batas na magsisiguro nito
    • Isaayos at gawing transparent ang Sistema ng pagtatalaga sa mga posisyon sa pamahalaan
    • Panatilihing mababa nag presyo ng mga bilihin
  • Tax Evasion
    Ilegal at sadyang pag-iwas sa pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng paggawa ng maling ulat tungkol sa tunay na halaga ng sahod o kabuuang kita ng isang tao para hindi ka patawan ng malaking buwis