Pilipino ka dahil ipinanganak ka dito sa Pilipinas
Ang 1987 Philippine Constitution ay naglalaman ng Artikulo IV na tungkol sa Pagkamamamayan
Seksiyon 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
Yaong mamamayan na Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-bats na ito
Yaong ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas
Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 naang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
Ang mga katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinadhanan ng batas
Ang Republic Act No. 9139 ay kilala rin bilang The Administrative Naturalization Act
Mga Kwalipikasyon para sa Naturalisasyon
Ipinanganak sa Pilipinas at naninirahan dito mula pagsilang
Hindi bababa sa 18 taong gulang sa panahon ng pagpapasok ng petisyon
May mabuting moral character at naniniwala sa mga batayan ng Konstitusyon, at nagpakita ng maayos at walang kapintasan na pag-uugali sa buong panahon ng kanyang paninirahan sa Pilipinas
Nakatanggap ng primarya at sekundaryang edukasyon sa pampublikong paaralan o pribadong paaralang kinikilala ng DepEd, kung saan itinuturo ang kasaysayan, pamahalaan at sibika ng Pilipinas
May kilalang hanapbuhay, negosyo, propesyon o legal na okupasyon na nagbibigay-kita para sa kanyang sarili at pamilya
Marunong magbasa, sumulat at magsalita ng Filipino o anumang wika ng Pilipinas
Nakisalamuha sa mga Pilipino at nagpakita ng taimtim na hangarin na matutuhan at tanggapin ang mga kaugalian, tradisyon at ideyal ng mga Pilipino
Mga Disqualipikasyon para sa Naturalisasyon
Tumatanggi sa organisadong pamahalaan o kasapi ng asosasyon o grupo na sumusuporta at nagtuturo ng mga doktrina na tumatanggi sa lahat ng organisadong pamahalaan
Nagtatanggol o nagtuturo ng pangangailangan o kaangkupan ng karahasan, personal na pag-atake o pagpatay para sa tagumpay o paghahari ng kanilang mga ideya
Mga poligamo o naniniwala sa pagsasagawa ng poligamya
Mga may kasalanan na may kinalaman sa moral turpitude
Mga may sakit na mental o nakakahawang sakit na hindi gumagaling
Mga hindi nakisalamuha sa mga Pilipino o hindi nagpakita ng taimtim na hangarin na matutuhan at tanggapin ang mga kaugalian, tradisyon at ideyal ng mga Pilipino
Mga mamamayan o mga subiyang kasama ng Pilipinas sa digmaan, sa panahon ng digmaan
Mga mamamayan o mga subiyang bansa na hindi nagbibigay-karapatan sa mga Pilipino na maging mamamayan o subiya nila
Mga Dahilan kung Paano Mawala ang Pagkamamamayan
Kapag sumumpa ka sa Saligang Batas ng ibang bansa
Kapag tumakas ka sa hukbong sandatahan ng bansa sa oras ng digmaan
Kapag nawala ang bias ng naturalisasyon
Ang mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan ay mananatiling Angkin ang kanilang pagkamamamayan, maliban kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito
Aktibong Pagkamamamayan
Hindi lamang tumutukoy sa katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing din bilang pakikiisa sa kapwa para sa ikakabubuti ng kanilang lipunan
Nakabatay sa pagtugon ng mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kanyang karapatan para sa kabutihang panlahat
Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan, inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagbubuti sa kalagayan nito
Mga Katangian ng Isang Mabuting Mamamayan
Makabayan
May pagmamahal sa kapuwa
May respeto sa karapatang pantao
May pagpupunyagi sa mga bayani
Gagampanan ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan
May disiplina sa sarili
May kritikal at malikhaing pag-iisip
12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country
Sumunod sa batas- trapiko
Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili
Huwag bumili ng mga bagay na smuggled at peke
Positibong magpahayag ng tungkol sa sariling bansa at mga gawang Pilipino
Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingcod- bayan
Paghiwa-hiwalayin at itapon ang basura sa tamang tapunan
Suportahan ang inyong simbahan
Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon