Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay.
Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan. Ang sinumang sumusunod dito ay nagkakamit ng kaluwagan sa buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.
Ang katotohanan din ay ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo.
Tatlong uri ng kasinungalingan:
Jocose lies
Officious lies
Pernicious lies
Jocose lies
sinasabi para maghatid ng kasiyahan lamang
ipinapahayag para mang-aliw ngunit hindi sinasadya ang pagsisinungaling
Officious lies
nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya'y paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling ang usapan
tunay na kasinungalingan, kahit gaano pa ang ibigay na mabigat na dahilan
Pernicious lies
nagaganap kapag ito'y sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba
Kahulugan ng lihim, mental reservation at prinsipyo ng confidentiality
Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat
Natural secrets
mga sikretong nakaugat mula sa Likas na Batas Moral
ang mga katotohanan na nakasulat dito ay magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at sakit sa isat-isa
ang bigat ng ginawang kamalian (guilt) ay nakasalalay kung ano ang bigat ng kapabayaang ginawa
Primised secrets
mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito
nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga lihim ay nabunyag na
Committed o entrusted secrets
ito ay naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ayb nabunyag
ang mga kasunduan upang ito ay mailihim ay maaring hayag o di-hayag
Hayag - ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat
Di-hayag - nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inililihim ng taong may alam dahil sa kanyang posisyon sa isang kompanya o institusyon
Prinsipyo ng confidentiality
ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa isip, ito rin ayb maipahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan
Plagiarism
isang paglabag sa intellectual Honesty (Artikulo, A. et al, 2023)
Ito ay may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos at mga ideya ngunit hindi kilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa illlegal na pangongopya
Intellectual Piracy
ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) ay naipakikita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Property Code of the Philippines 1987
Piracy - Ayon sa Dictionary.com website ay isang uri ng pagnanakaw
Theft - Hindi lamang pagkuha nang walang pakundangan kundi lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba na walang paggalang sa karapatang nakapaloob dito
Karapatang-ari at ang prinsipyo ng Fair Use
kinikilala ng ating batas ang prinsipyo ng fair use na magkaroon ng limitasyon na pagkuha ng anumang bahagi ng likha o kabuuang gawa ng awtor o manunulat sa kaniyang pag-aari upang mapanatili ang kaniyang karapatan at tamasahin ito
Whistleblowing
isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon