Neokolonyalismo

Cards (9)

  • Neokolonyalismo
    Bagong pananakop na lumitaw pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may kaugnayan sa relasyon ng dating kolonya sa bansang sumakop dito, tumutukoy sa patuloy na impluwensya ng mga mananakop sa bansang dati nilang sakop
  • Mga bansa sa Asya at Africa ang madaling mabiktima ng neokolonyalismo dahil matatagpuan sa mga kontinenteng ito ang mga Underdeveloped na bansa
  • Neokolonyalismong Politikal
    • Dating kolonya ay may kalayaang politikal, pinamumunuan ng mga sariling lider, at may sariling pamahalaan na nagpapatupad ng sarili nitong batas, subalit makikita parin ang impluwensya ng mananakop na bansa sa dati nitong nasakop
  • Halimbawa ng Neokolonyalismong Politikal
    • Pagdikta ng United States sa patakarang ng Pilipinas laban sa komunismo na sinunod naman ng ating bansa
  • Neokolonyalismong Pangmilitar
    • Isa sa mga kondisyon bago kilalanin ng bansang kolonyalista ang kalayaan ng dati nilang sakop ay ang pagkakaroon ng unhampered access, ang walang tigil na paggamit sa isang pasilidad o pook tulad pagtatayo ng base militar
    • Maari ring maglagak o magtalagang mga armas nukleyar sa mga itinayo nitong base militar
    • Nagiging kalaban na rin ng dating kolonya ang mga kalaban ng dating mananakop na maaring magdulot ng panganib at masangkot sa gulo ang dating kolonyang bansa
  • Halimbawa ng Neokolonyalismong Pangmilitar
    • Base Militar na itinayong United States sa Clark, Pampanga
  • Neokolonyalismong Pangkabuhayan
    • Bago palayain ng mananakop ang mga bansa ay nagpataw muna ito ng mga kondisyon na may kinalaman sa ekonomiya
    • Pagpapahintulot sa mga mamamayan ng dating mananakop na magpatuloy pa rin sa kanilang negosyo sa pinalayang bansa lalo na sa sektor ng agrikultura at pagmimina
    • Pagpapahintulot na magkaroon ng pag-aaring lupain ang mga dayuhan
    • Kondisyon sa pangangalakal tulad ng hindi pagpataw ng buwis sa mga produkto ng dating mananakop
    • Pagpapahintulot ng malayang kalakalan o free trade
    • Dayuhang pautang o Foreign Debt, dahil sa pagkawasak ng imprastaktura at pagbagsak ng ekonomiya matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, kadalasan ay napipilitang mangutang ang mga ito sa dating kolonyalista, at dahil sa pagpapautang, ay nagkakaroon ng pagkakataong magdikta ang dating bansa ng mananakop sa patakarang pang-ekonomiya ng mga dating kolonya nito
  • Iba pang pinagmulan ng Neokolonyalismo
    • International Monetary Fund (IMF)
    • World Bank (WB)
    • Asian Development Bank (ADB)
  • Nagpapautang ng pera para sa programang kaunlaran ng mga bagong layang bansa ang mga institusyong ito, kadalasan may mga pinapairal na kondisyon upang masiguro na magbabayad silang buwis