Sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa tiyak na paksa o suliranin
Manuel at Medel
Proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan
Simbulan
Sistematikong pamamaraan upang makahanap ng kaalaman. Isang uri ng pag-aaral at pag-iimbestiga na may layuning makakalap ng mga bagong ideya at kaalaman ukol sa mga bagay sa lipunan at kapaligiran
Clarke
Maingat, sistematiko, at obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng mga balidong katotohanan, makabuo ng konklusyon, at makalikha ng mga simulaing kaugnay ng tinutukoy na suliranin sa ilang larang ng katarungan
John Best
Sistematiko at obhetibong pag-aanalisa at pagtatala ng mga kontroladong obserbasyon na maaaring tumungo sa paglalahat, simulain, teorya, at mga konsepto na magbubunga ng prediksiyon sa pagkilala at posibleng kontrol ng pangyayari
Mouley
Proseso ng pagkakaroon ng mapanghawakang solusyon sa problema sa pamamagitan ng planado at sistematikong pangangalap, pag-analisa, at interpretasyon ng mga datos
Nuncio et al.
Lohikal na proseso ng paghahanap ng sagot sa mga tanong ng mananaliksik na nakabatay sa problema at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon sa pangangailangan ng tao at lipunan
Tanong sa pananaliksik
Tumutukoy sa paksa, usapin o pangyayari na nais siyasatin, at kailangang alamin; mga kondisyong dapat baguhin; o mga hamon na dapat bigyan ng solusyon ng isang mananaliksik
Kuro-kuro
Hinuha o pagbibigay ideya sa posibilidad na kalalabasan ng isang pag-aaral o pangyayari
Pamamaraan sa pananaliksik
1. Pasaklaw
2. Pabuod
Pasaklaw na pamamaraan
Sinusuri ang mga detalye at obserbasyon upang matukoy at mapatunayan ang pangkalahatang kaisipan at prinsipyo
Pabuod na pamamaraan
Unang nilalahad ang pangkalahatang kaisipan na pinatutunayan sa pamamagitan ng mga detalye at obserbasyon
Katangian ng pananaliksik ayon kay John Best
Maingat na pagtitipon at pagpili ng mga datos na kinikilala sa larang na pinagkunan
Matiyaga, maingat, at hindi minamadaling pagsasakatuparan
Nangangailangan ng kaalamang higit sa karaniwan
Nangangailangan ng tamang obserbasyon at interpretasyon
Maingat na pagtatala at pagsulat ng ulat
Gamit ng pananaliksik
Upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao
Upang bigyan ng bagong interpretasyon ang lumang impormasyon
Upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu
Upang patunayan ang bisa at katotohanan ng isang datos o ideya
Iwasan sa pananaliksik
Paggamit ng teksto ng ibang manunulat o mananaliksik (plagiarism)
Pagreresiklo ng mga materyal (recycling)
Agarang pagbibigay ng konklusyon nang walang sapat na batayan
Plagiarism
Paggamit ng mga salitang hinango mula sa ibang teksto at inangkin nang buong-buo nang hindi binabanggit ang orihinal na pinagkunan
Pagreresiklo ng mga materyal
Muling paggamit ng mga nailathalang materyal o mga papel na naipasa na sa ibang kurso
Agarang pagbibigay ng kongklusyon nang walang sapat na batayan
Pagbuo ng akademikong papel nang hindi pinagtuunan ng masusing pag-aaral ang mga datos at mabilisang nagbigay ng kongklusyon o rekomendasyon para matapos lamang ang sulatin