Adyenda - Isang plano o gawain na kailangan mangyari bago, habang, at pagkatapos ng isang pulong o pagpupulong.
Adyenda- Listahan, plano, o balangkas ng mga pag-uusapan o gagawin sa isang pulong.
Karaniwan na ang nagpapatawag ng pagpupulong (Presidente, CEO, Direktor, Tagapamahala, Pinuno ng Unyon, at iba pa).
Madalas silang nakikipagtulungan sa kanilang mga kalihim sa paghahanda nito dahil ang mga kalihim din ang siyang responsable sa pamamahagi ng mga adyenda sa lahat ng kalahok sa pulong.
MGA LAYUNIN NG ADYENDA:
Bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensyon. Nakasaad din dito ang mga aksyon o rekomendasyong inaasahang pag-usapan sa pulong.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Adyenda:
Alamin ang layunin ng pagpupulong.
Sulatin ang adyenda tatlo o higit pang araw bago ang pagpupulong.
Simulan sa mga simpleng detalye.
Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa adyenda.
Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa.
NILALAMAN NG ADYENDA
Saan at kailan idaraos ang pagpupulong?
Anong oras ito magsisimula at matatapos?
Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong?