Posisyong papel- sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa partikular na paksa o usapin.
Posisyong papel - naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao.
MGA KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL
naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu
nakabatay sa katotohanan
hindi gumagamit ng mga personal na banat
gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan
sinusuri ang mga kalakasan at kahinaan sa sariling posisyon maging ang sa kabilang panig
pinaglilimian ang lahat ng maaaring solusyon
gumagamit ng akademikong lengguwahe
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG POSISYONG PAPEL
Pumili ng paksa batay sa interes
Magsagawa ng pananaliksik
Hamunin ang iyong sariling paksa
Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong posisyon