Araling Panlipunan

Cards (46)

  • Pagsulong
    Ito ay itinuturing na bunga ng isang proseso na nagpapakita ng pagbabago sa isang ekonomiya.
  • unfavorable balance of trade
    Ayon sa ulat ng Economy Watch noong 2010, ang total value ng ating export ay US$50.72 billion, samantalang ang total value ng ating import ay US$59.9 billion. Ano ang ibig sabihin nito? Ang bansa ay nakakaranas ng
  • pag-unlad
    Ito ay sumasaklaw sa dignidad ng tao, seguridad, katarungan, at pagkakapantay-pantay ng tao.
  • Corazon Aquino
    Sinong Pangulo ng Pilipinas ang nag-aproba sa Batas Republika Blg.6657 na kilala rin sa Comprehensive Agrarian Reform Law?
  • Pangalawang nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
    Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura, MALIBAN sa ______?
  • Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan.
    Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
  • Magkaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.
    Sa pagnanais na matulungan ang mga magsasakang Pilipino, ang pamahalaan ay ipinatupad ang reporma sa lupa. Ano ang pangunahing layunin ng reporma?
  • Industriya
    Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?
  • konstruksiyon, pagmamanupaktura, pagmimina, at utilities
    Ang sektor ng industriya ay nahahati sa sumusunod na sekondaryang sektor:
  • DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA)
    Anong sangay ng gobyerno ang punong nangangasiwa at tumutulong sa Sektor ng Agrikultura?
  • Tumataas ang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan.
    Ano ang walang kaugnayan sa naidudulot ng industriyalisasyon?
  • Pagmimina (ito ay sa bahagi ng sektor ng Industriya)

    Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
  • Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of 1987
    Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa patakaran upang mapaunlad ang sektor ng industriya at pangangalakal?
  • Kakulangan ng pondo o kapital ng mga namumuhunan.
    Alin sa sumusunod ang suliranin sa sektor ng industriya?
  • Ang patuloy na motibasyon ng maraming bansa na mapataas ang produksiyon ng sektor ng ekonomiya.
    Ano ang kaugnayan ng industriyalisasyon sa kaunlaran?
  • mahirap gawin ang pagpapalawak ng industriya
    Ang kakulangan ng kapital ay isa sa mga suliranin ng sektor ng industriya. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng nasabing suliranin?
  • Absolute Advantage Theory
    Sa paggawa ng isang bagay o serbisyo ang isang bansa kapag kaya niyang gawin ang produkto o serbisyo nang mas efficient kompara sa ibang uri ng produkto o serbisyo sa larangan ng kanyang paghahambing sa ibang bansa.
  • Inadequate Investment
    Halimbawa nito ay ang inaasam nating libreng edukasyon. Hindi ito naisasagawa sa lahat ng paaralan dahil kulang ang perang nakalaan para sa edukasyon kung kaya't hindi makapagpagawa ng maraming paaralan, silid o hindi makabili ng libro.
  • Teknolohiya: Industriyalisasyon
    Alin sa sumusunod na pares ng pangyayari ang nagpapakita ng konsepto ng sanhi-bunga?
  • luwagan ng pamahalaan ang proseso sa pagkuha ng mga dokumento na kakailanganin sa pagpaparehistro ng negosyo
    Tumataas ang bilang ng mga negosyanteng hindi nagparehistro ng kanilang negosyo sa pamahalaan. Ito ay malaking kawalan, dahil kakapusin ang pamahalaan sa pondo na gagamitin sana sa mga programa at proyekto. Ikaw bilang konsehal ng iyong lungsod, paano mo hihikayatin ang mga negosyante na magparehistro at magbayad ng tamang buwis?
  • impormal na sektor
    Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
  • pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa ilegal na pamamaraan
    Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap ng mga ilegal na gawain gaya ng pamimirata ng musika, mga palabas sa sine at telebisyon, at computer software. Laganap ang pamimirata sa halos lahat ng puwesto ng palengke sa buong kapuluan. Ang patuloy na paglaganap ng pamimirata sa bansa ay maaaring ibunga ng sumusunod MALIBAN SA ISA.
  • Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.

    Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa "isang kahig, isang tuka". Ano naman ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
  • Pagtaas ng mga nalilikom na buwis
    Ano ang HINDI epekto sa ekonomiya ng impormal na sektor?
  • PRESIDENTIAL DECREE 1151
    Ang sumusunod ay mga batas at programang pang-ekonomiya kaugnay sa impormal na sektor, maliban sa______.
  • Keith Hart
    Sino ang pormal na nagpasimula ng paggamit ng terminong "impormal na sektor"?
  • Hindi nagbabayad ng buwis.
    Alin sa sumusunod ang karaniwang katangian ng impormal na sektor?
  • kakulangan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na laban sa pamimirata
    Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng mga bunga ng pamimirata sa bansa maliban sa:
  • Ipinapakita nito ang pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.
    Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
  • espesyalisasyon at kalakalan

    Ang mga bansa ay makikinabang sa isa't isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila makikinabang?
  • Carlos Garcia
    Sinong Pangulo ng Pilipinas ang nagpatupad ng Filipino First Policy na naglalayong paigtingin ang pagka-Pilipino ng mga mamamayan ng bansa sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sarili nitong produkto?
  • Madaragdagan ang pantugon ng mga panustos para sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya.

    Alin sa sumusunod ang pinakaakmang dahilan ng pakikipagkalakalan ng mga bansa sa daigdig?
  • patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal

    Alin sa sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng globalisasyon?
  • Fidel V. Ramos
    Sino ang nagpatupad ng programang Medium Term Philippine Development Plan?
  • Dahil pinabibilis ng APEC ang pag-unlad ng ekonomiya, pagtutulungan, kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon ng Asya-Pasipiko.
    Bakit mahalaga sa Pilipinas ang pagiging kasapi nito sa APEC?
  • Ang import ay higit na malaki kaysa export
    Ang bawat bansa ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa upang matugunan ang pangangailangan ng ekonomiya. Paano nagkakaroon ng deficit sa kalakalan?
  • Balance of Trade
    Isinasaad ng teoryang ito na ang isang bansa ay dapat na magpakadalubhasa sa paglikha ng mga produkto.
  • WTO (World Trade Organization)
    Alin sa mga sumusunod ang pandaigdigang samahan na may pormal na estrukturang institusyonal at ang pinakamataas na lupon?
  • UNDP
    Sangay ng United Nations na naglalabas ng ulat ukol sa estado ng human development sa mga kasaping bansa nito.
  • Tao
    Ang itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa.