Sistema ng isang maayos na paghahati-hati ng mga kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal na pagkasunud-sunod bago ganapin ang paunlad napagsulat
Tentatibong Balangkas
Karaniwan itong binubuo ng tatlong-pahinang papel na naglalaman ng mga plano at tunguhin ukol sa pananaliksik ng isang tiyak na paksa
Ito rin ang pinakapundasyon ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang porma ng isang katha
Mga bahagi ng Tentatibong Balangkas
Rasyunal
Pangkalahatang Layunin
Mga tiyak na Layunin
Mga Suliranin sa Pag-aaral
Mga Haypotesis
Uri ng Haypotesis
Katangian ng Mahusay na Haypotesis
Saklaw at delimitasyon
Kahalagahan ng Pag-aaral
Katutunan ng mga Terminong Ginamit
Rasyunal
Siyentipiko at malinaw na paglalahad ng batayang saligan kung bakit kailangang pag-aralan ang nasabing paksa
Pangkalahatang Layunin
Malawak na pambungad na paglalatag ng nais na tunguhin ng pag-aaral kaugnay ng rasyunal na pananaliksik
Mga tiyak na Layunin
Mga tiyak at iba-ibang aspekto ng dahilan sa pag-aaral ng paksa ng pananaliksik
Mga Suliranin sa Pag-aaral
Mga batayang suliranin, Isyu, mga pangyayari, haka-haka at kasalukuyang kalagayang paksa na siyang nagbibigay-saysay upang ito ay bigyan ng pansin at paglaanan ng pananaliksik
Uri ng Haypotesis
Haypotesis na Deklaratibo
Haypotesis na Prediktibo
Haypotesis na patanong
Haypotesis na Null
Katangian ng Mahusay na Haypotesis
Makatwiran
Ipahayag ang relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol
Pwedeng subukin at suriin
Batay sa datihang mga resulta
Saklaw at delimitasyon
Tinitiyak ang magiging tunguhin ng pag-aaral at ang pangunahing pokus ng paksa
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mga tiyak na kahalagahan ng pananaliksik sa iba't ibang mambabasa
Katutunan ng mga Terminong Ginamit
Kalipunan ng mga terminong ginamit sa pananaliksik, binibigyang-kahulugan ang termino batay sa kung paano ito ginamit sa pananaliksik
Bibliograpi
Listahan ng mga ginamit na sanggunian bilang batayan sa pananaliksik
Mga sangguniang maaaring isama sa Bibliograpi
Aklat
Diksyunaryo
Ensayklopedia
Pananaliksik at tesis
Pahayagan
Magasin
Journal
Dokumento
Bulletin
Artikulo
Internet pages
Pelikula
Programa sa telebisyon
Radyo
Mga impormasyong kailangang itala sa Tentatibong Bibliograpi
Buong pangalan ng may-akda o awtor
Buong pamagat ng aklat o koleksyon ng mga sanggunian
Lugar (lungsod) kung saan ang pananaliksik ay inilathala at ang tagapaglathala o tagalimbag
APA na Pormat
Estilo na madalas ginagamit sa mga pag-aaral tungkol sa Agham-Panlipunan gaya ng Sikolohiya, Sosyolohiya at iba pang kaugnay na larangan. Binuo at pinaunlad ito ng American Psychological Association o APA. Binibigyang-diin ang petsa.
MLA na Pormat
Estilo na karaniwang ginamit sa mga pag-aaral na nauukol sa mga Wika at Humanidades gaya ng mga pananaliksik tungkol sa Filipino o Ingles, at Sining.
Konseptong Papel
Tinatawag din itong Panukalang Papel. Isa sa mga pangunahing kailangan bago ang aktwal na pagsulat ng isang Papel-Pananaliksik. Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik. Unang hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat. Maikling akademikong papel na nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa isang panukalang saliksik. Naging gabay sa mga hakbanging naisisagawa mula sa simula hanggang sa katapusan ng pagsisiyasat. Nagsisilbing outline o istruktura ng kabuuang pag-aaral. Tinitiyak ng konseptong Papel ang pagkakaroon ng isang komprehensibong plano at awtput ng pananaliksik ukol sa isang paksa, isang kabuuuang ideya na nabuo mula sa isang balangkas ng paksang bubuuin.
Bahagi ng Konseptong Papel
Rasyunal
Metodolohiya
Layunin
Inaasahang bunga/ atwput
Balangkas Konseptwal
Balangkas Teoretikal
Datos Empirikal
Rasyunal
Ang saysay ng pag-aaral at pananaliksik?
Pangkalahatang Layunin
Ano ang mayroon sa pananaliksik na ito?
Mga tiyak na Layunin
Ano-ano ang mga gustong matuklasan ng pananaliksik na ito?
Mga Suliranin sa Pag-aaral
Ano-ano ang mga isyu at suliraning lulutasin ng pannanaliksik na ito?
Mga Haypotesis
Ano-ano ang makatwirang pagpapalagay ng mananaliksik ukol sa kanyang paksa?
Saklaw at delimitasyon
mula saan, hanggang kalian at sino-sino ang kabahagi ang pananaliksik na ito?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ano ang saysay ng pananaliksik nito sa kasalukuyan at hinaharap?
BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL
Rasyunal
Metodolohiya
Layunin
Inaasahang bunga/ atwput
Balangkas Konseptwal
Balangkas Teoretikal
Datos Empirikal
Rasyunal
– Unang bahagi ng papel. Nakatala ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa. Tinatalakay dito ang kabuuang kaisipan ng paksa. Kakikitaan din ng pagpapaliwanag sa dahilan ng gagawing pananaliksik
Metodolohiya
– Pangkalahatang istratehiya nais gamitin upang maisakatuparan ang mga proyekto. Kasama din ang pagtatakda ng panahon/iskedyul. Gumagamit ng sarbey, case study, obserbasyon, interbyu, o talatanungan
Layunin
– Inilalahad at inilalarawan ang suliraning nais tutukan. Nagkakaroon ng direksyon na nagsisilbing gabay sa daloy ng pagtalakay ng isang pananaliksik
Inaasahang bunga/ atwput
– pangkalahatang anyo ng konseptong papel. Tatto hanggang limang pangungusap na nagpapaliwanag ng resulta sa pagtatapos ng pananaliksik
Balangkas Konseptwal
– Naglalaman ng mga konsepto ng mananaliksik ukol sa isinasagawang pag-aaral
Balangkas Teoretikal
– Tumutukoy naman sa pangkalahatang paglalarawan ng mga konseptong susuriin sa isang pananaliksik
Datos Empirikal
– Naglalaman ng mga mahahalagang nakalap na mga impormasyon mula sa mga pamamaraan o metodo ng pananaliksik tulad panayam, eksperimento, sarbey at obserbasyon na masusing sinuri para mapatunayang makatotohanan o hindi o di kaya makabuluhan o hindi ang isang datos