FILIPINO

Cards (60)

  • Ang El Filibusterismo ay karugtong ng nobelang Noli Me Tangere na parehong isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal
  • Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere
  • Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay.
  • El Filibusterismo
    Ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora
  • Pagsulat ng El Filibusterismo
    1. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba
    2. Gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya angilang mga kabanata sa London noong 1888
    3. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel
    4. Nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz
    5. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent
  • Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891
  • Simoun
    Ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway
  • Isagani
    Ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino
  • Basilio
    Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
  • Kabesang Tales
    Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle
  • Tandang Selo
    Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kaniyang sariling apo
  • Ginoong Pasta
    Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
  • Ben Zayb
    Ang mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez
  • Placido Penitente
    Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
  • Padre Camorra
    Ang mukhang artilyerong pari
  • Padre Fernandez
    Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
  • Padre Salvi
    Ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego
  • Padre Florentino
    Ang amain ni Isagani
  • Don Custodio
    Ang kilalá sa tawag na Buena Tinta
  • Padre Irene
    Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
  • Juanito Pelaez
    Ang mag-aarál na kinagigiliwan ng mga propesor, nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
  • Don Custodio
    Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
  • Macaraig/Makaraig
    Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan
  • Sandoval
    Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
  • Donya Victorina
    Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
  • Paulita Gomez
    Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito
  • Pelaez Quiroga
    Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
  • Juli
    Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio
  • Hermana Bali
    Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
  • Hermana Penchang
    Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
  • Ginoong Leeds
    Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
  • Imuthis
    Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
  • Pepay
    Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio
  • Camaroncocido
    Isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo
  • Tiyo Kiko
    Matalik na kaibigan ni Camaroncocido
  • Gertrude
    Mang-aawit sa palabas
  • Paciano Gomez
    Kapatid ni Paulita
  • Don Tiburcio
    Asawa ni Donya Victorina
  • Kapitan Tiyago
    Ang matandang ama ni Maria Clara. Sa pagkamatay ng anak siya ay nalulong sa bisyo
  • Kapitan Basilio
    Si kapitan Basilio ay isang magiting na kapitan. Siya ay nakipag-isang dibdib at naging asawa ni Uli