Cards (31)

  • Sekswalidad
    Hindi nangangahulugan lamang ng sekswal na relasyon ng babae at lalaki, mahalagang sangkap ng personalidad, hindi isang bagay na taglay ng isang tao, ito ay ating pagkatao at sa kabuuan ang sekswalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae - na ninanais mong maging
  • Mga salik na nakaiimpluwensya sa sekswalidad
    • Pisyolohikal na salik
    • Sikolohikal na aspeto
    • Sosyal na aspeto
  • Ang sekswalidad ay pangunahing batayan ng personalidad
  • Ang paggalang sa sekswalidad ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa isang tao
  • Ang sekswalidad ay dapat maging bahagi ng edukasyon at kaganapan sa gulang
  • Ang pag-ibig na hindi nakatuon sa pisikal na kasiyahan ay kaganapan ng psychological maturity
  • Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata nagkakaroon ng pagkalito sa sekswalidad kaya naman mahalaga na matukoy natin ang ating pagkatao
  • Ang paggalang sa dignidad at sekswalidad ay makakatulong upang maging matibay ang pangangalaga sa kalinisang-puri
  • Pornograpiya
    Pukawin ang sekswal na pagnanasa ng manonood o mambabasa
  • Hindi mabuting epekto ng pornograpiya
    • Maaaring makapagdudulot ng "addiction" dahil sa sobrang pagkahumaling o pagkalantad ay maaaring makapagpabago sa ugali o pakikitungo ng isang tao sa kanyang pamilya o kapuwa
    • Ang maagang pagkahumaling (exposure) dito ay nag-uudyok sa tao na gumawa ng mga hindi normal na gawaing sekswal
    • Maaaring makapagdulot ng pagkawala ng paggalang o respeto sa sarili at kawalan ng pagkilala sa karapatan ng iba
  • Pre-marital sex
    Maaagang namulat at nakaranas ng maagang pakikipagtalik (sexual intercourse) sa murang edad ay may posibilidad na makakuha ng mga sakit na nakahahawa
  • Bulgar at malaswang pag-uusap
    "double meaning" o may nakatagong mensahe mula sa pahayag, ang pagkakaroon ng malisya at maruming salita mula sa pagbibiruan ay daan upang maging sentro ng usapan ang tungkol sa sekswalidad
  • Epekto ng bulgar at malaswang pag-uusap
    • Maaaring makapagdulot ng kawalan ng kasagraduhan ng sekswalidad at mabigyan ito ng di magandang pagtingin
  • Karahasan sa paaralan
    Ito ay tumutukoy sa anumang kilos na lumalabag sa misyong pang-edukasyon ng paaaralan, lumalabag sa ugnayang nag-uugat sa respeto sa kapuwa, sumasalungat sa layunin ng paaralan na maging malaya sa agresyon laban sa kapwa o pag-aari, sa droga o bawal na gamot, armas, pangagambala at kaguluhan
  • Pambubulas
    Agresyon na maituturing na mabigat at malupit sapagkat paulit-ulit na ginagawa sa isang biktimang, pasalitang pambubulas, pisikal na pambubulas at sosyal na pambubulas, iisang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan
  • Mga Gang at Fraternities
    Grupo ng tao na pinag-isa ayon sa magkakaparehong interes, gawain at layunin, para sa pagbubuklod o kapatiran (brotherhood) ang pinaka-puso nito, pagkakaisa, pagkakaibigan, pagtitiwala at pagtanggap anuman ang lahi o kinalalakihan
  • Initiation
    Pagsailalim sa mga sesyon bago maaprubahan sa grupo, susukat sa kakayahan at integridad o katapatan at katatagan sa sinumpaang layunin, kadalasang pisikal at mental na pagsasanay, ito ay mapangahas at nakakababa ng pagkatao at mayroong kalakip na pagsubok at gawaing hindi makatao
  • Hazing
    Intensyong pananakit at pagpaparusa na humahantong sa pamimilit o pangha-harass, sobrang pamamahiya at maling pagtrato sa kamiyembro
  • Napakalaki ng impluwensya ng udyok ng kaibigan (peer pressure) sa mga lumalaking tinedyer. Dahil ito sa pangamba na maging mapag-isa, mapag-iwanan ng kaibigan, natatakot na makaramdam ng hindi maganda kapag nasabihan ng hindi kanais-nais o mabansagan ng hindi maganda
  • Binuo ang Children Against Violence upang magbigay-daan sa mga nakaranas ng pang-aabuso at panghahamak sa paaralan
  • Pinoprotektahan ng Batas Republika blg. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 ang lahat ng mga mag-aaral sa lahat ng antas ng paaralan na gamitin ang mga regulasyon upang masugpo at matugunan ang mga pambubulas sa lahat ng institusyon
  • Tumutuligsa ang Batas Republika blg. 8049 o Anti-Hazing Law sa maling paraan ng pagbuo ng isang organisasyon at pagpapataw ng sobrang parusa sa mga kasapi nito
  • Mga programa sa paaralan na makakatulong upang masugpo ang mga karahasan

    • School-Management Based-Programs
    • Environmental Modification Programs
    • Violence Awareness Education
    • Life-skills Training
  • Agwat Teknolohikal o Technological Gap
    Agwat sa pagitan ng mga sagana sa impormasyon at ang salat dito dahil sa pagkakaroon o kawalan ng access sa teknolohiya
  • Dalawang mahalagang isyu kaugnay ng Agwat Teknolohikal o Technological Gap
    • Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng mga Henerasyon
    • Digital Divide
  • Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng mga Henerasyon
    Agwat o pagkakaiba-iba sa pananaw at paggamit ng teknolohiya ayon sa edad
  • Mga henerasyon
    • Silent Generation o tinatawag ding Builders at War Babies
    • Baby Boomers (1946 - 1964)
    • Generation X (1965-1979) Martial Law Babies (sa Pilipinas)
    • Generation Y (1980 – 1997)
    • Generation Z (1998 - Pataas)
  • Generation gap
    Pagkakaiba sa pagitan ng mga nakababata at nakatatandang henerasyon, sa pag-unlad sa teknolohiya, lalo pang lumawak ang agwat na ito
  • Digital immigrants
    Taong ipinanganak bago pa man naging laganap ang paggamit ng digital technology
  • Digital natives
    Taong ipinanganak at lumaki sa mundo ng digital technology, ginagamit nila ang teknolohiya sa pakikipag-ugnayan, pag-aaral at pagtuturo, at pag-unawa sa lipunan
  • Mga kondisyon upang magkaroon ng access sa impormasyon/teknolohiya
    • Kaalaman na mayroong makukuhang impormasyon o mayroong serbisyong magbibigay ng impormasyon
    • May pag-aari ka o mayroon kang magagamit na kasangkapan o instrumentong (device) kinakailangan upang makakuha ng impormasyon
    • Mayroong kakayahan na magbayad o di kaya'y may libreng serbisyong nagbibigay ng impormasyon
    • May kasanayan sa paggamit ng mga kagamitan o instrumento at software