Ap 9 1st quarter

Cards (48)

  • Ekonomiya
    • Isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral mga indibidwal, pangkat, organisasyon, at bansa sa paggamit ng mga limitadong mapagkukunan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan
    • Layunin nito na maunawaan at masolusyunan ang mga problema kaugnay ng produksyon, distribusyon, at paggamit ng mga kalakal at serbisyo
  • Oikonomiya
    Pamamahala ng sambahayan (household)
  • Mga desisyon ng sambahayan
    • Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain
    • Nagdedesisyon kung paano hahatiin ang limitadong mga yaman sa maraming pangangailangan at kagustuhan
    • Nakatuon sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan, at damit
    • Nagsasagawa rin ng pag-iipon at pag-iinvest
  • Mga desisyon ng pamayanan
    • Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
    • Paano gagawin?
    • Para kanino?
    • Gaano karami ang gagawin?
  • Trade-off
    Proseso ng pagpili kung saan ang pagkakaroon ng isang bagay o paggawa ng isang hakbang ay nagreresulta sa pagiging limitado o pagkakawala ng ibang bagay o hakbang
  • Opportunity cost
    Ang halagang kinakailangan nating isakripisyo o ibuwis sa pagpili ng isang partikular na alternatibong gawain
  • Incentives
    Mga pampukaw na dahilan o motibasyon na nagtutulak sa mga indibidwal o organisasyon na gawin ang isang partikular na aksyon o desisyon
  • Marginal thinking
    Pag-uukit ng desisyon batay sa karagdagang pakinabang na maidudulot ng huling karagdagang yugto ng isang aktibidad
  • Kakapusan
    Bunga ng limitadong likas na yaman at walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao
  • "Rational people think at the margin"
  • Mahahalagang kaisipan sa Ekonomiks
    • Tumutok sa paggamit at pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman upang makalikha ng de-kalidad na mga produkto at serbisyo
    • Layunin na tutukan ang mga suliraning pangkabuhayan, partikular na ang pagpapataas ng antas ng pamumuhay
    • Inaalam ang mga konsepto at suliranin tulad ng kakapusan, paparaming pangangailangan at hilig-pantao, alokasyon, alternatibong desisyon, at pamamahala ng produksiyon at pangkalahatang kaunlaran
    • Makatutulong sa tamang pagpapasiya at pagpili ng mga tao
  • Kahalagahan ng Ekonomiks
    • Nagbibigay malalim na pag-unawa sa pamamahala ng limitadong yaman
    • Tumutulong sa pagpapasiya ng mga tamang hakbang at plano
    • Nagbibigay ng mga kasanayan sa pag-analisa at pag-unawa
    • Nagpapakilos ng mga tao at organisasyon sa wastong paggamit ng pinagkukunang-yaman
    • Nagbibigay ng patnubay at gabay sa paglikha ng mga polisiya at programa
    • Nagsisilbing sandigan at gabay para sa mga negosyo, pamilya, at indibidwal
    • Tumutulong sa pag-unawa sa mga global na usapin at relasyon ng ekonomiya
  • Sistemang Pang-ekonomiya
    • Organisadong paraan ng pagpapasiya at pamamahala ng mga pinagkukunang-yaman ng isang bansa o lipunan
    • Nagtatakda kung paano ginagamit, ina-allocate, at pinamamahalaan ang mga yaman
    • Nagtatakda ng papel ng pamahalaan, mga indibidwal, at mga institusyon sa pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan
    • Alokasyon ay ang proseso ng pagtatakda at pagtugon sa tamang paggamit at pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman
  • Apat na Pangunahing Katanungang Pang-Ekonomiya
    • Ano ang mga produkto at serbisyo na dapat gawin at produksiyunan?
    • Paano gagawin ang mga produkto at serbisyo na napili?
    • Para kanino ang mga produkto at serbisyong ito?
    • Gaano karami ang mga produkto at serbisyo na dapat gawin at distribusyunan?
  • Apat na Uri ng Ekonomiya
    • Tradisyunal na Ekonomiya
    • Komandahang Ekonomiya
    • Laissez-faire o Market Ekonomiya
    • Mixed Ekonomiya
  • Uri ng Ekonomiya
    • Tradisyunal na Ekonomiya
    • Komandahang Ekonomiya
    • Laissez-faire o Market Ekonomiya
    • Mixed Ekonomiya
  • Tradisyunal na Ekonomiya

    Batay sa mga tradisyon, kultura, at pamamana ng mga ninuno. Ang mga tao ay sumusunod sa nakagawian at tradisyon ng kanilang lipunan. Simpleng pamumuhay, karaniwan sa mga rural at tribu.
  • Komandahang Ekonomiya

    Ang pamahalaan ang namamahala at nagdedesisyon kung ano ang gagawin at paano ito gagawin. Kontrolado ng estado ang mga industriya at pangunahing mga pasilidad. Karaniwan sa mga bansang sosyalistiko o komunista.
  • Laissez-faire o Market Ekonomiya

    Ang mga desisyon ng produksiyon, alokasyon, at distribusyon ay nasa kamay ng pribadong sektor. Malaya ang mga tao na pumili, magtayo ng negosyo, at bumili ng produkto o serbisyo na kanilang nais. Karaniwan sa mga bansang may malakas na impluwensiya ng kapitalismo.
  • Mixed Ekonomiya
    Ito ay kombinasyon ng iba't ibang mga sistema tulad ng tradisyonal, komandahang ekonomiya, at malayang merkado ekonomiya. Nangyayari ito sa halos lahat ng mga bansa sa kasalukuyan.
  • Salik ng Produksyon
    • Lupa
    • Paggawa
    • Kapital
    • Entrepreneurship
  • Lupa
    Ito ay tumutukoy sa pisikal na yaman tulad ng lupain, bukirin, at mga likas na yaman. Ginagamit ang lupa sa produksiyon ng mga kalakal at serbisyo. Ang lupang agrikultural ay nagbibigay ng materyales para sa agrikultura at pagpapalago ng mga halaman at hayop. Ito ay takda kaya't kailangang wasto ang gamit nito. Ang lupang mineral ay nagmumula ng mga mineral at enerhiya tulad ng ginto, pilak, langis, at iba pa.
  • Paggawa
    Ito ay ang kontribusyon ng mga manggagawa, teknisyan, at iba pang mga indibidwal sa produksiyon ng mga kalakal at serbisyo. Ang paggawa ay nagreresulta ng paglikha at pagbuo ng mga produkto at serbisyo na tumutugon sa pangangailangan ng tao. Kasama sa salik na paggawa ang kaalaman, kasanayan, at abilidad ng mga manggagawa na nagsisilbing puhunan sa produksiyon.
  • Uri ng Trabaho
    • Blue-collar Jobs
    • White-collar Jobs
  • Blue-collar Jobs
    Ito ay mga trabaho na pangunahing may kinalaman sa pisikal na gawain o kamay. Halimbawa: mga manggagawang konstruksyon, mekaniko, karpintero, at tsuper.
  • White-collar Jobs
    Ito ay mga trabaho na pangunahing may kinalaman sa administratibong gawain, propesyonal na serbisyo o may kakayahang mental. Halimbawa: mga opisyal, guro, doktor, inhinyero, at mangangalakal.
  • Kapital
    Tumutukoy ito sa mga puhunan na ginagamit sa produksiyon ng mga kalakal at serbisyo. Mahalaga sa pagsulong ng ekonomiya. Ang kapital ay nagpapabilis at nagpapadali ng produksiyon sa pamamagitan ng modernong teknolohiya. Kasama sa salik na kapital ang mga gusali, makinarya, sasakyan, at iba pang kagamitan na nagpapataas ng produksiyon. Ang interes ay ang kabayaran o kita na binabayad ng isang indibidwal o negosyo sa paggamit o paghiram ng kapital mula sa iba.
  • Entrepreneurship
    Ito ay ang papel ng mga negosyante, entrepreneur, at mga tagapamahala sa pag-organisa at pagkoordina ng iba't ibang salik ng produksiyon upang makabuo ng mga kalakal at serbisyo. Ang mga entrepreneurs ay mga taong may malasakit sa pagtayo ng negosyo at pagpapaunlad ng mga ideya upang magtagumpay. Sila ang nag-aalok ng mga solusyon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga mamimili sa pamamagitan ng paglikha ng mga produkto at serbisyo. Ang mga entrepreneurs ay kadalasang handang magtanggap ng mga risgo at pagkakataon para makamit ang tagumpay sa kanilang negosyo. Ang tubo o profit ay tumutukoy sa positibong halaga o kita na natatamo ng isang negosyo o entrepreneur matapos bawasan ang mga gastusin sa produksiyon o operasyon. Ang innovation ay ang paglikha at paggamit ng mga bagong ideya, konsepto, o teknolohiya ng mga entrepreneur upang makabuo ng mga bagong produkto o serbisyo na may kakayahang magdala ng pagbabago.
  • Katangian ng Entrepreneur

    • Likas na mahilig mag-isip at magplano ng mga bagong ideya at konsepto para sa kanilang negosyo
    • Handang harapin at lampasan ang mga hamon at pagsubok sa pagtatayo ng negosyo
    • May kakayahang magbuo ng mga bagong kahalagahang produkto o serbisyo na may pagkakaiba sa iba
    • Responsable sa pagpapatakbo at pamamahala ng kanilang negosyo upang makamit ang tagumpay
  • Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
    • Kita o Sahod
    • Presyo
    • Utang
    • Demonstration Effect
    • Inaasahan
  • Kita o Sahod
    Ang halaga ng kita o sahod ng isang tao ay malaki ang impluwensya sa pagkonsumo. Kapag mataas ang kita, mas maraming kalakal at serbisyo ang maaaring mabili, samantalang kapag mababa ang kita, limitado ang kakayahan sa pagkonsumo.
  • Presyo
    Ang pagtaas o pagbaba ng presyo ng mga kalakal at serbisyo ay may epekto sa pagkonsumo ng mga mamimili.
  • Utang
    Ang pagkakautang ay maaaring magbawas o magdagdag sa kakayahan ng isang tao na magkonsumo. Kapag may malaking utang, maaaring mas maraming porsyento ng kita ang napupunta sa pagbabayad ng utang, kaya't mas limitado ang kakayahan nilang bumili ng iba pang kalakal o serbisyo.
  • Demonstration Effect
    Ang demonstration effect ay nagpapakita ng impluwensya ng paggaya o pagkakaroon ng inspirasyon mula sa ibang tao o grupo sa pagkonsumo.
  • Inaasahan
    Ang pagkonsumo sa kasalukuyan ay maaapektuhan ng mga inaasahang pangyayari sa hinaharap. Kapag may positibong pananaw sa hinaharap, maaaring tumaas ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang inaasahang salapi.
  • Ang isang mamimili ay isang indibidwal o tao na bumibili ng mga kalakal o serbisyo upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan at kagustuhan.
  • Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines)

    Batas na naglalayong protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga mamimili sa Pilipinas. Nilagdaan noong Abril 13, 1992
  • Nakapaloob sa Consumer Act ang mga sumusunod na probisyon
    • Pagkakaloob ng Karapatan sa Impormasyon
    • Proteksyon sa Kaligtasan
  • Inaasahan
    Ang pagkonsumo sa kasalukuyan ay maaapektuhan ng mga inaasahang pangyayari sa hinaharap
  • Kapag may positibong pananaw sa hinaharap

    Maaaring tumaas ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang inaasahang salapi