esp

Cards (28)

  • Talento
    Isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin
  • Mga Talento o Talino
    • Visual Spatial
    • Verbal/ Linguistic
    • Mathematical/ Logical
    • Bodily/ Kinesthetic
    • Musical/ Rhythmic
    • Intrapersonal
    • Interpersonal
    • Existential
  • Kasanayan
    Mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling, iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency)
  • Mga Kategorya ng Kasanayan
    • Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) - nakikipagtulungan at nakikisama sa iba
    • Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) - humahawak ng mga dokumento, datos, bilang, naglilista o nag -aayos
    • Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) - inaayos ang mga kagamitan
    • Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) - lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay
  • Hilig
    Mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot
  • Mga Uri ng Hilig
    • Realistic - nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang malikhaing kamay
    • Investigative - Nakatuon sa gawaing pang-agham
    • Artistic - mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon
    • Social - kakakitaan ng pagiging palakaibigan, popular, at responsable
    • Enterprising - pagiging mapanghikayat at mahusay mangumbinsi para makamit ang target goals
    • Conventional - naghahanap ng mga panuntunan at direksyon, Mga gawaing tiyak, at may sistemang sinusunod, maayos ang datos at organisado
  • Pagpapahalaga
    Ang kanilang mga ipinamalas na pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya
  • Katayuang Pinansyal
    Kasalukuyang kalagayan o ang kakayahang pinansyal ng iyong mga magulang
  • Mithiin
    Kalakip ng pagkamit ng mithin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay
  • Mga Layunin ng Pagpili ng Kurso
    • Pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay
    • Pagiging produktibong manggagawa
    • Pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
  • Hindi lamang dapat umiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga materyal na bagay at kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin rin ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat
  • Makabuluhang hanapbuhay
    • Hindi lamang makatutulong na maiangat ang antas ng iyong buhay dahil sa magandang kita/sweldong kalakip nito
  • Produktibong manggagawa
    • Masasabing isang "asset" ng kanyang kompanya o institusyong na kinabibilangan
  • Produktibong manggagawa
    • Naipamamalas ito sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng oras sa pagtapos ng gawain, pagpapasa ng mga proyekto sa takdang-araw, paggamit ng teknolohiya para sa mabilis na produksiyon at maayos na pakikitungo sa iba at naaabot mo ang iyong itinakdang layunin
  • Stephen Covey: '"Begin with the end in mind"'
  • Ayon sa Libro: '"All of us are creators of our own destiny"'
  • Mga bagay na dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya
    • Suriin ang iyong ugali at katangian
    • Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan
    • Tipunin ang mga impormasyon
  • Mga katanungan sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay
    • Ano ang layunin ko sa buhay?
    • Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
    • Ano ang mga nais kong marating?
    • Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?
  • Kapangyarihan ng misyon sa buhay
    • Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao
    • Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang natatanging nilikha
    • Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamily, trabaho, komunidad at sa iba pang dapat gampanan
    • Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba
  • Misyon
    Hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan
  • Bokasyon
    Mula sa misyon, ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon. Ang bokasyon ay galing sa salitang Latin na "vocatio", ibig sabihin ay "calling" o tawag ng Diyos
  • Propesyon
    Trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at naging eksperto na siya dito
  • SMART
    • Tiyak (Specific)
    • Nasusukat (Measurable)
    • Naaabot (Attainable)
    • Angkop (Relevant)
    • Nasusukat ng Panahon (Time Bound)
  • Career Path
    Tumulukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral, posisyon o iba't ibang trabaho, pati ang mga paghahanda na ating pinagdaraanan upang matamo ang ating nais na uri ng pamumuhay o career goal
  • Steady State
    • Nangangailangan ng panghabangbuhay na pananatili sa isang trabaho lamang at patuloy na paglago ng kaalaman at kasaysayan sa karerang ito
  • Linear
    • Patuloy na pag-angat o pagtaas, kung saan mayroon ding patuloy na pagtaas ng posisyon, kapangyarihan, responsibilidad sa gawain ng ibang manggagawa sa kumpanya at kinikita
  • Transitory
    • Madalas na pagbabago. Karaniwang naghahanap ng sari-saring karanasan at hindi nagpapatali sa isang pinapasukan lamang. Hindi rin sila naghahangad ng pag-angat sa posisyon o ng higit na malaking kikitain
  • Spiral
    • Regular na pagbabago, kadalasan ay sa loob ng lima o pitong taon. Ang direksyon ay madalas nagsisimula nang pahalang, lateral, o pababa