Pagsulat ng Piktoryal na Sanaysay
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa
4. Sumulat muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan kung nahihirapan sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan
5. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga larawan
6. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita
7. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw