Ugnayan ng isang indibiduwal sa isang estado, pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado at kabilang siya bilang isang citizen, siya ay gumagawa ng karapatan at tungkulin
Ang katutubong inanak na mamamayan ay ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang na wala nang kinakailangang gampanan ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamayang Pilipino
Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng batas na nagtakwil ito
Ang mga bansang demokratikong republikano tulad ng Pilipinas ay inaasahang mabigyan ng kaganapan ang pagsasabuhay ng mga prinsipyo at mga gawaing nagsusulong ng demokrasya
Tungkulin din ng mamamayan na kilalanin at kilatisin nang mabuti ang mga kandidato na kanyang iboboto kung ang mga ito ba ay nararapat na maluklok sa pwesto o hindi
Ang karapatan na makilahok sa halalan ang nagbibigay sa bawat tao ng karapatan at pagkakataon na panagutin ang sinumang nahalal sa posisyon sa anumang katiwaliang nagawa nito lalo na kung ito'y nakaaapekto sa kapakanang panlahat
Mahalaga ang mga mamamayan na magsagawa ng aktibong pakikilahok politikal katulad ng pagboto at pagsali sa civil society para magkaroon ng kapanagutan ang mga namamahala sa kanilang tungkulin nang sa gayon ay mabawasan ang katiwalian kung hindi man tuluyang mawala ito
Ang pakikilahok na politikal katulad ng eleksyon ay ginagamit din ng iba't ibang organisasyon para bigyang-diin ang isyung kinakaharap ng mga tao gayundin ang mga programa at polisiya na epektibong naipatutupad sa bansa
Ang pagbubulontaryo ng mga mamamayan na sumali sa mga gawaing pansibiko ay nangangahulugan ng pagkilos kung saan ay nakatutulong sila nang malaki sa mga namamahala ng bansa upang malunasan ang ilang mga suliranin na kinakaharap ng bawat komunidad
Ang aktibong pagkilos ng bawat mamamayan ay napakahalaga para mapanatili ang organisadong anyo ng pagkilos para sa kapakapan ng nakararami na isinusulong ng mga namumuno sa ating bansa
Pagiging tapat sa bansa, handang ipagtanggol ang estado, sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas, nakikipagtulungan sa gobyerno, pagtangkilik sa sariling produkto, pagbabayanihan sa panahon ng kalamidad at mga suliranin