kakayahang pangkomunikatibo

Cards (52)

  • Kakayahang Pangkomunikatibo
    Mabisang communicator
  • Ang layunin ng pagtuturo o pag-aaral ng wika ay (1)magamititonangwasto sa mga angkop na sitwasyon, (2)maipahatidang tamangmensahe, at magkaunawaannanglubosang dalawang taong nag-uusap
  • Kakayahang Komunikatibo o Communicative Competence

    • dell hymes :Nagmula sa isang linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa Portland Oregon noong 1966
    • Nilinang nila ni John J. Gumperz ang konseptong ito bilang tugon sa kakayahang lingguwistika
    • Bilang reaksyon sa kakayahang lingguwistika (lingguistic competence) ni Noam Chomsky noong 1965
  • Komponent ng kakayahang komunikatibo
    • Sosyolinggu wistik
    • Gramatikal/Lingguwistik
    • Istratejik
    • Diskorsal
  • Kasanayang lingwistik o gramatikal
    • Ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya
    • Kakayahang kinakailangang may mahusay na paggamit at pagbuo sa wika at gramatika upang maging epektibo ang pakikipagtalastasan
  • Tulad ng alinmang wika sa daigdig, ang filipino ay binubuo din ng tunog
  • Ponolohiya
    • Maagham na pag-aaral ng tunog
    • Pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema
  • Ponema – ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika
  • Ang mga prinsipal na sangkap ng pananalita
    • Enerhiya – presyur o presyon ng papalabas na hanging mula sa baga
    • Dila at Panga
    • Ngipin at Labi
    • Ngalangala
  • Ponemang Segmental
    • Katinig
    • Patinig
    • Klaster
    • Diptonggo
  • Ponemang Suprasegmental
    • Tono o Intonasyon, at Punto
    • Diin at Haba
    • Hinto o antala
  • Ponemang patinig - ayon sa mga linggwista at
    ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng
    Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang
    ponemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila
    at English.
    • Ang mga patinig ay itinuturing na siyang
    pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi
    ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang
    patinig.
  • Ponemang Segmental
    Ponemang katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16 / b/,
    /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/, /ng/,
    /w/,/y/
    • Ang mga katinig ng Filipino ay maiaayos ayon
    sa punto at paraan ng artikulasyon at kung
    ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t)
    o walang tinig (w.t), tulad ng makikita sa tsart.
  • Ang mga katinig ng Filipino ay maiaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t) o walang tinig (w.t)
  • Punto ng Artikulasyon
    • Panlabi
    • Pangngipin
    • Panggilagid
    • Pangngalangala (velar)
    • Glottal
  • Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din ayon sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig – unahan, sentral, likod – at kung ano ang posisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas – mataas, nasa gitna o mababa
  • Klaster o Kambal Katinig
    Magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig
  • Diptonggo/ Malapatinig
    Pinagsamang tunog ng isang patinig /a,e,i,o,u / at tunog ng isang malapatinig /w, y/ sa iisang pantig
  • Kung ang diptonggo ay napasasama na sa susunod na patinig, hindi na ito maituturing na diptonggo
  • Klaster
    • PLANTSA
    • BALSA
    • TRONO
    • SOBRA
    • PLANO
    • ISIDRA
  • Hindi Klaster
    • BALIW
    • NIYOG
    • IYO
  • Patinig
    Unahan, sentral, likod - mataas, nasa gitna, mababa
  • Klaster o Kambal Katinig
    Magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan sa inisyal, sentral, pinal
  • Ang mga klaster o kambal katinig sa Filipino ay parami nang parami dahil sa impluwensyang ingles. Karaniwan sa salitang hiram.
  • Klaster o Kambal Katinig
    • blusa, kwento, traysikel, transportasyon, tren, trak, twalya, kwago, kard, relaks, sopdrink
  • Diptonggo/ Malapatinig
    • araw, ayaw, baboy, aliw, sisiw, kahoy, tuloy, sawsaw, kasuy, wow, bahay, kalay, gulay
  • Kung napasasama na sa susunod na patinig, hindi na ito maituturing na diptonggo
  • Pares Minimal
    Magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang ponema
  • Pares Minimal
    • Pala-bala, hari-pari, tali-bali
  • Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan
    Magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita
  • Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan
    • babae-babai, lalake-lalaki, nuon-noon
  • Mayroon din na nagkokontrast ang dalawang tunog o ponema
  • Mga Ponemang Nagkokontrast
    • mesa-misa, uso-oso, tela-tila
  • Ponemang Suprasegmental
    Isa sa pinakamahalagang pantulong sa pagpapahayag ng mensahe. Walang katumbas na letra. Tinutumbasan ng mga simbolo na nagbibigay ng ideya kung paano ang pagbigkas ng isang salita, pahayag o pangungusap
  • Mga Uri ng Ponemang Suprasegmental
    • Tono o Intonasyon, at Punto
    • Diin at Haba
    • Hinto o antala
  • Punto
    Tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent
  • Tono
    Tumutukoy sa pagbaba o pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng salita o pahayag. Nagpapahayag ng damdamin. Maaaring mababa, katamtaman at mataas
  • Tono
    • Totoo? - Gumagamit ng katamtaman hanggang pataas na tono na nagpapahiwatig ng pagdududa o pag-aalinlangan (nagtatanong)
    Totoo - Gumagamit ng katamtaman hanggang pababang tono na nagpapakita ng pagiging tiyak o sigurado (nagpapahayag)
  • Tono
    • Nasusunogang bahay? - Paggamit ng katamtaman hanggang mababang tono na nagpapakita ng pagtatanong o pag-aalinlangan
    Nasusunogang bahay! - Paggamit ng mababa hanggang pataas na tono na nagpapakita ng pagkabigla o matinding emosyon
  • Haba
    Tumutukoy sa haba o tagal ng bigkas sa patinig sa isang pantig ng salita