PAL QUIZ NO. 1 [FINALS]

Cards (30)

  • Tawag sa payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao anuman ang estado sa buhay
    1. Karapatang pantao
    2. Karapatang sibil
    3. Karapatang pangkapayapaan
    1
  • Ang kumatha ng akdang “si Kian” ?
    1. Renato Gojo Cruz
    2. Weng Cahiles
    3. Lualhati Bautista
    2
  • Nahatulan na ng pagkakakulong at reclusion perpetua ang mga pulis na sangot sa pagpatay kay Kian.
    1. Wasto
    2. Di-wasto
    1
  • Ang salitang “tokhang ay nagmula sa mga salitang “katok” at “hangganan”
    1. Wasto
    2. Di-wasto
    2
  • Ayon sa pinakahuling tala ng PNP at PDEA, humigit-kumulang sa 6,240 ang namatay sa pograma ng dating pangulong Duterte na “War on Drugs”. Ngunit sinasabi ng marami na mas malaki pa ang bilang na ito dahil marami pa ang hindi naitala.
    1. Wasto
    2. Di-wasto
    1
  • Ilan sa mga halimbawa ng karapatang ito ay karapatang mabuhay, pumili ng lugar na kaniyang titirhan, maghanapbuhay, at pumili ng nais na uri ng trabaho.
    1. Karapatang sibil
    2. Karapatang politikal
    3. Karapatang kultural
    1
  • Ito ay karapatan na saklaw ang karapatang mabuhay ang tao sa isang lipunan at isulong ang kaniyang kapakanan.
    1. Karapatang politikal
    2. Karapatang panlupunan
    3. Karapatang kultural
    2
  • Propesor, peace activits, at tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Sia rin ang may akda ng tulang “Sanayan Lang Ang Pagpatay”.
    1. Fr. robert Alejo
    2. Fr. Albert Alejo
    3. Fr. Robert Aleho
    2
  • Ang kinakatawan ni Kian sa kasalukuyang panahon.
    1. Kabataang matapang na ipinaglaban ang karapatan
    2. Kabataang nagsusulong ng kapayapaan
    3. Kabataang biktima ng maling pamamahala
    3
  • “Subalit ang higit na nagbibigay
    Sa akin ng lakas ng loob
    Ay ang malalin nating pagsasamahan:
    Habang ako’y pumapatay, kayo nama’y nanonood”
    Ano ang nais iparating ng huling mga taludtod ng tulang “sanayan Lang Ang Pagpatay”?
    1. Panawagan na kumilos at huwag magbulag-bulagan sa mga pang-aabuso
    2. Panawagan na maging mapagmatiyag
    3. Panawagan na magsulong ng karapatan
    1
  • Ang uri ng tulang “Sanayan Lang Ang Pagpatay” ay malaya ngunit nagtataglay ng tugmang ganap.
    1. Wasto
    2. Di-wasto
    1
  • Ayon sa International Labour Organization, ang mga mangagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa panghihimasok ng pamahalaan ay tagapangasiwa
    1. Tama
    2. Mali
    1
  • Ayon din sa ILO, pinapayagan ang kabataan o ang mga edad na mababa sa 18 na magtrabaho basta mayroong pagpapayag o pahintulot sa magulang.
    1. Tama
    2. Mali
    2
  • Dagdag pa ng ILO, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa trabaho:pantay na suweldo para sa lahat ng trabaho.
    1. Tama
    2. Mali
    2
  • Binanggit pa ng ILO, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganip at ligtas sa mga mangagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
    1. Tama
    2. Mali
    1
  • Bukod dito sinabi pa ng ILO, ang suweldo ng mangagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makatanong pamumuhay.
    1. Tama
    2. Mali
    1
  • Ayon sa balita na inilathala ng Philstar noong Marso 13, naghain ang mga mambabatas ng Makabayan bloc, na pinagunahan ni Rep. Arlene Brosas (Gabriela Women’s Party) ng House Bill 7568 na nagsasaad na magbigay ng 550 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
    1. Tama
    2. Mali
    2
  • Sa kasalukuyang datos ng gobyerno ng Hong Kong mula sa tala ng pahayagang Philstar sa 300,000 na Foreign Domestic Helper (FDH) tinatayang 37% ang bilang ng mga Pilipinong domestic helper na may kabuuang 190,000.
    1. Tama
    2. Mali
    2
  • Ang akdang “Uuwi na Ang Nanay Kong Si Darna” ay isinulat ni Edgar Samar.
    1. Tama
    2. Mali
    1
  • Ang salitang diaspora ay nangangahulugang ‘magkalat sa’ o ‘paghihiwalay. Sa kasalukuyan, tumutukoy ito sa paglisan ng isang mamamayan patungo sa ibang bayan dahil sa iba’t ibang layunin.
    1. Tama
    2. Mali
    1
  • Ang akdang “uuwi Na Ang Nanay Kong Si Darna” ay isang maikling kuwento.
    1. Tama
    2. Mali
    2
  • Paano ka makakatulog
    Iniwan man ng mga palad mo ang pala,
    Martilyo, tubo’t kawad at iba pang kasangkapan,
    alas -singko’y hindi naging hudyat upang
    Umibis ang graba’t semento sa iyong hininga.

    Ano ang ipinapakahulugan ng salitang “umibis”?
    1. Tumayo
    2. Lumisan
    3. Bumaba
    3
  • Paano ka makakatulog
    Iniwan man ng mga palad mo ang pala,
    Martilyo, tubo’t kawad at iba pang kasangkapan,
    alas -singko’y hindi naging hudyat upang
    Umibis ang graba’t semento sa iyong hininga.
    Sa karimlan mo nga lamang maaaring ihabilin
    Ang kirot at silakbo ng iyong himaymay.

    Ano ang ipinapahiwatig ng huling dalawang taludtod?
    1. Nagpapahiwatig ng problema sa trabaho
    2. Nagpapahiwatig ng pagsisikap sa kabila ng hirap na dinaranas
    3. Nagpapahiwatig g pagpupursigi
    2
  • Mag-usisa sa dilim kung bakit di umiibis
    Ang graba’t semento sa iyong hininga…
    Kung nabubuo sa guniguni mo maya’t maya
    Na ikaw ay mistulang bahagi ng iskapold
    Ano ang representsyon o kaugnayan ng isang iskapold sa isang piyon o manggagawa batay sa tula?
    1. Kawalan ng kapanatagan sa trabaho ng isang mangagawa dahil maaaring mawala ito.
    2. Pagsusumikap na abutin ang pangarap
    3. Pundasyon ng isang kompanya
    1
  • Sa buhangin at sementong hinahlo na kalamnang
    Itatapal mo sa bakal na mga tadyang:
    Kalansay na nabubuong dambuhala mula
    Sa pagdurugo mo bawat saglit;
    Kapalit ang kitang di-maipantawid-gutom ng pamilya
    Ano ang suliraning panlipunan na nararanasan pa rin sa kasalukuyyan ang isinasaad ng huling dalawang taludtod?
    1. Kawalan ng pagkalinga ng may-ari sa kanyang mangagawa
    2. Hindi sapat na sahod sa kabila ng hirap ng trabaho
    3. Paghihirap ng pamilya
    2
  • Sa pagsusuring ginawa ni Michael Caroza sa tulang “gabi ng isang Piyon”, Initalag niya ang lumutang na isyu ng isang mangagawa at ipinahayag ang katagang ito, “Ang maliit ang lumilikha ng malaki. Ngunit sa pagkalikha ng malaki, hindi lumalaki ang lumikhang maliit.”
    Ano ang isyung panlipunan ang ipinapahiwatig niya rito?
    1. Kapitalismo
    2. Kahirapan
    3. Pananamantala
    1
  • Anong metapora ang ipinakikita ng pagdaraos at pagsali ng mga domestic helper sa beauty contest tuwing linggo kahit na ito ay ayaw ng kanilang pahinga sa anim na araw na walang humpay na pagtatrabaho na siya ring pinakita sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye”?
    1. Pagkalinga
    2. Pagsusumikap
    3. Pag-eskapo
    3
  • Ang pang-aabuso, paghihirap na makahanap ng trabaho, kawalan ng oportunidad, at kasalatan sa maraming aspekto ng buhay, ang ilan sa lumutang na problema sa pelikula.
    Ano ang pinatutunayan nito?
    1. Paglaban sa buhay
    2. Kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan
    3. Kapabayaan
    2
  • Nangingibabaw ang pagsusumikap ng kababaihan sa docu film na “sunday Beauty Queen” at akdang “uuwi na ang Nanay Kong Si Darna” na ipinamalas ng mga Filipino Domestic Helper. Sa ganitong pagtingin sa pelikula at sa akda, ano ang angkop na teoryang pampanitikan ang maaaring gamiting pagsipat?
    1. Teoryang Queer
    2. Teoryang Feminismo
    3. Teoryang Realismo
    2
  • Ang ilan sa pangunahing karakter sa docu fulm at na “Sunday Beauty Queen” ay mga nakapagtapos ng kolehiyo ngunit piniling mamasukan bilang kasambahay o domestic helper sa Hong Kong.
    Ano ang nakakabit na isyu sa bansa ang sinasalamin nito?
    1. Exploitation
    2. Kahirapan
    3. Brain drain
    3