Ap

Cards (102)

  • ALIN
    Mga Epekto ng Nakaraan sa Kasalukuyang Kultura
  • Paghahandaan Ke Paggawa ng Timeline
    1. Gumawa ng mga guhit na pahalang
    2. Hatin ang mga ginawang guhit sa apat na magkakasinghaba
    3. Ang bawat bahagi ay hatin naman sa labindalawang maliit na bahagi na kumakatawan sa bawat buwan ng taon
  • Sinalakay ng mga Hapones ang Maynila matapos nilang bombahin nang pataksil ang Pearl Harbor sa Hawall
    Disyembre 8, 1941
  • Ang pagbagsak ng Bataan at ang pagsisimula ng malagim na "Death March"
    Abril 9, 1942
  • Itinatag ang Pangalawang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones
    Setyembre 25, 1943
  • Nagbalik si Hen Douglas MacArthur at matagumpay na thalo ng puwersang Amerikano ang puwersang Hapones
    Oktubre 20, 144
  • Bumaba galing sa pinagtataguang bundok si Hen Tomoyuki Yamashita at alla ay pormal na sumuko
    Setyembre 3, 1945
  • Mas nagkakabat ang kasalukuyang kultura sa mga nakaraang pangyayari
  • Magamit ang magagandang natutunan sa mga nakaraang pangyayari sa kasaysayan upang mapaunlad at mapabuti ang kasalukuyang kultura
  • Sa pagdating ng mga Arabe sa Mindanao, tinanggap ng mga tagaroon ang relihiyong Islam
  • Nang sakupin ng mga Español ang Pilipinas, dala nila ang relihiyong Kristiyanismo, ang pundasyon ng Katolisismo
  • Ang Pilipinas ang kaisa-isang Kristiyanong bansa sa buong Asia
  • Ang pananampalatayang ito ay pinatibay ng pag-iral ng iba pang relihiyong maka-Kristiyano noong dumating ang mga Amerikano sa bansa
  • Ang Protestantismo ay isang relihiyong batay rin sa Kristiyarisma
  • Mahalaga sa kanila ang mga kaalamang hango sa Bilbilya
  • Bahagi ng ating kultura ang mga simbahan, imahe ng mga santo, pagdarasal at matibay na paniniwala sa isang makapangyarihang Maykapal
  • Ang kultura ay may kaugnayan sa pamahalaan at mga batas ng bansa
  • Ang barangay ng mga sinaunang Pilipino, ang sentralisadong pamahalaan ng mga Español, at ang pamahalaang demokratiko ng mga Amerikano ay may malaking impluwensiya sa ating kultura
  • Ang pagsunod sa batas at ang paggalang sa mga nanunungkulan sa pamahalaan para sa kapakanan ng bayan ay naimulat ng ating mga ninuno
  • Ang mga batas ng bansa, lalong-lalo na ang Konstitusyon, at ang pamahalaang demokratiko ay mahalagang bahagi ng ating kultura
  • Bahagi na ng ating kultura ang pagmamahal sa kalayaan at ang paghahandog ng buhay
  • Nagdala ng kanilang kaalaman, kasanayan, at kasangkapan sa paghahanap-buhay ang mga dayuhang dumating sa kapuluan na nadagdag sa ating kultura
  • Mula sa pinagsama-samang impluwensiya ng mga dayuhan at ang sariling kulturang Pilipino, nalinang ang isang kulturang kahanga-hanga na nagbigay-buhay sa mga Pilipino bilang maipagmamalaking nilalang
  • Kahit saang bahagi ng mundo naroroon ang isang Pilipino, hinahangaan at kinalulugdan siya dahil sa kanyang katapatan, kasipagan, pagkamatulungin, at pagiging masayahin, makatao, at makakalikasan
  • Ang Pilipinas ay isang estado
  • Estado
    Komunidad ng mga tao na nabubuhay sa isang tiyak na pook at may malaya at nagsasariling pamahalaan
  • Pamahalaan
    Ahensiyang bumubuo, naghahayag, at nagpapatupad sa mga layunin at kautusan ng estado
  • Kung walang pamahalaan, wala ring estado. Magkakaroon ng anarkiya at kaguluhan sa kapaligiran kung walang pamahalaan
  • Kailangan natin ang pamahalaan upang bigyan tayo at ang mga kasapi ng ating lipunan ng proteksiyon
  • Kailangan din natin ito upang mapangalagaan tayo at maging ang ating mga ari-arian
  • Nakasalalay sa pamahalaan ang pangangasiwa ng katarungan at ang kaunlaran ng mga mamamayan
  • Soberanya
    Kapangyarihang mangasiwa sa pamumuhay ng kanyang nasasakupan
  • Unitaryo
    Ang kapangyarihan na mga gawang pambansa at lokal ay nagmumula sa pambansang pamahalaan
  • Pederal
    Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa mga sinasakupan nito
  • Presidensiyal
    Pinamumunuan ng presidente o pangulo na hinalal ng mga mamamayan
  • Parlamentaryo
    Pinamumunuan ng punong ministro na hinhirang ng tagapagbatas
  • Demokratiko
    Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan
  • Awtoritaryan
    Pinamumunuan ng isang malakas na tao o maliit na pangkat ng mga tao
  • Ang pamahalaan ng Pilipinas ay republikang demokratiko
  • Ang konsentrasyon ng kapangyarihan nito ay nasa isang pambansang pamahalaan na may sistemang presidensiyal