L1

Cards (23)

  • Maikling kuwento
    Uri ng panitikang masining na naglalahad ng mga pangyayari, karaniwang nakabatay sa tunay na buhay na pangyayari
  • Pagbubuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid
    • Paghatol - Pag hukom / panghuhusga
    • Pagmamatuwid - Pag tama ng mali
  • Dalawang paraan ng paglalahad ng pagmamatuwid
    • Pabuod - nagsisimula sa pagbanggit ng mga detalye patungo sa isang konklusyon
    • Paraang pasaklaw - nagsisimula sa alituntunin o simulain at patungo sa mga tiyak na detalye o katibayan
  • Mga bahagi ng maikling kuwento: Panimula
    • nagpapakilala sa mga tauhan / mababasa rin dito ang suliranin
  • MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO :Suliranin
    Ito ang problemang haharapin ng tauhan.
  • MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO: Saglit na Kasiglahan
    nilalahad dito ang pananandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
  • MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO: Tunggalian
    May apat na uri: Tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, at tao laban sa kalikasan o kapaligiran.
  • MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO: Kasukdulan
    pinakamasidhi o pinakamataas na yugto ng akda / pinakamatinding pangyayari ng akda.
  • MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO: Wakas
    katapusan ng akda.
  • IBA PANG ELEMENTO NG MK: Tagpuan
    nakasaad ang lugar na pinagyarihan ng mga aksyon o insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
  • IBA PANG ELEMENTO NG MK: Paksang Diwa
    pinakakaluluwa ito ng maikling kuwento.
  • IBA PANG ELEMENTO NG MK: Kaisipan
    mensahe ng akda.
  • IBA PANG ELEMENTO NG MK: Banghay
    pagkakasunod-sunod ito ng mga pangyayari sa kuwento.
  • Kuwento ng Katutubong Kulay
    Binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook
  • Kuwento ng Tauhan o Pagkatao
    inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng mambabasa
  • Kuwento ng Kababalaghan
    pinaguusapang ang mga salaysaying hindi kapani-paniwala
  • Kuwento ng Katatakutan
    nakapananaig ang damdamin ng takot at lagim na nililikha ng mga pangyayari sa katha
  • Kuwento ng Katatawanan
    binibigyang aliw at pinapasaya naman ang mambabasa
  • Kuwento ng Talino
    punong-puno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa na lutasin
  • Kuwento ng Pampagkakataon
    kuwentong isinusulat para sa isang tiyak na pangyayari, gaya ng Pasko, Bagong Taon, at iba pa
  • Kuwento ng Kapaligiran
    Kuwentong ang paksa ay ang mga pangyayari o bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan
  • Kuwentong Makabanghay
    Ang pangyayari sa loob ng kuwento na ang banghay ang siyang nangingibabaw sapagkat dito nasasalig ang maging katayuan o kalagayan ng mga tauhan
  • Kuwento ng Pag-ibig
    Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kaniyang katambal na tauhan