pagsulat pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag
Walang misteryosong taglay ang mabuting panulat, ito ay kasanayang natutuhan
Dalawang pangunahing dahilan sa pagsulat
Upang maipahayag ang niloloob at nadarama
Upang makipagtalastasan
Mga uri ng pagsulat
Akademik
Teknikal
Journalistik
Reperensyal
Propersyonal
Malikhain
Proseso ng pagsulat
1. Bago sumulat
2. Pagsulat ng burador
3. Pag e-edit
4. Parerebisa
5. Pinal na sulatin
Mungkahi para sa mabisang pagsulat
Piliin ang paksa na malapit sa iyong interes
Piliin ang paksangmayalamka
Isaalang alang ang maraming teknik sa paghahanap ng mga ideya bago magsulat
Tiyakin ang target awdyens
Tiyakin ang layunin ng pagsulat
Isaisantabi muna ang mga detalye sa unang draft
Paulitulitbasahin ang mga naisulat
Ipabasasaiba ang iyong naisulat at humingi ng opinyon
Huwag matakotmagdagdag, bawas, o mag lipat ng ideya
Kapag maayos na ang paglalahad ng mga ideya, iwasto ang pagbabalarila, bokabularyo, ispeling at pagbabantas upang makatiyak sa kawastuhan at kadalisayan ng buong sulatin
Elemento ng pagsulat
Ang tagabasa/tagapakinig
Layunin
Ang paksa
Bahagi ng isang sulatin
Simula - introduksyon
Gitna - paglalahad sa pinapaksa ng sulatin
Wakas - konklusyon
Reaksyon
Damdaming nagpapakita ng pagsang ayon, pagsalungat, pagkatuwa, o pagkadismaya sa isang bagay na may halaga sa isang organismo kagaya ng tao
Paano tayo nagsusulat o nagbibigay ng reaksyon
Sa mga bagay na naooberbahan natin sa ating paligid
Sa napapanood natin sa media
Sa mga taong nakakasalamuha natin
Paano tayo nagsusulat o nagbibigay ng reaksyon
Nagiging paksa ito ng ating social media o sa mga kapamilya, kaibigan, at kakilala
Maaring bunga ng mga kaalaman natin sa iba't ibang kaasalan, gawi, at tradisyon
Para rin sa ninanais na panlipunang pagbabago dahil binibigyang diin sa ganitong angle ang mga paksa sa isyu ng society, economy, politics
Reaksyong papel
Bahagi na ng mga gawain ng mga mag-aaral, sapagkat nagiging mabisang gawain sa paglinang ng kanilang kakayahang magsuri ng anumang materyales gaya ng eksto, pelikula, programang pantelebisyon, at dulang pantanghalan
Reaksyong papel
Paglalahad ng makatarungan, patas, o balanseng paghuhusga sa mga sitwasyong may kinalaman sa mga tao, bagay, pook at mga pangyayari
Katanigan ng reaksyong papel
Malinaw
Tiyak
Magkakaugnay
Pagbibigay diin
Kahalagahan ng reaksyong papel
Nakiita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinusuri
Nabibigyang katwiran ang sariling reaksyon
Nakikilala ang sariling pagkatao at sariling kakayahan sa pagbuo ng mga kaisipan
Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan
Bahagi ng reaksyong papel
Introduksyon
Katawan
Konklusyon
Pagsipi ng pinagmulan ng impormasyon
Paraan ng pagsulat ng reaksyong papel
1. Brainstorming
2. Pagsulat ng panimulang pahayag
3. Rebisyon
4. Pinal na pagsulat
Iba't ibang uri ng reaksyon
Personal na pananaw
Nagbibigay ng kahulugan ukol sa paksa
Pakikilahok o pasang ayon
Masusing pagsisiyasat
Gabay sa pagsulat ng reaksyong papel
Maayos ang structure ng panimula na nagtatapos sa tesis na pahayag
Magkaroon ng malinaw na panimula
Isulat ang paksang pangungusap sa bawat talata
Bawat talata ay naglalaman ng mga katibayan
Mag dagdag ng kawili wiling pangugusap
Iugnay ang bawat talata sa sinundang pahayag
Siguradohing makikita ang katotohan ng tesis ng pahayag
Pagsusuri
Nagbibigay daan upang makabuo ng panibagong ideya sa isang paksa
Makabuo ng isang matibay na mga impormasyon na magbibigay linaw sa nais na ipahiwatig
Nagiging batayan o gabay upang mailabas o maibahagi ang taglay na kasiningan
Panunuring pampanitikan
Isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat' ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha
Kahalagahan ng panitikan
Nagbibigay ng isang magandang pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao
Nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang sistema
Nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito
Mga sangay ng pagsusuri
Pormalistiko
Moralistiko
Sikolohikal
Sosyolohikal
Klasisismo
Romantisismo
Realismo
Naturalismo
Sikolohikal
Makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. Mahihinuha sa kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan, etc.
Sosyolohikal
Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan
Klasisismo
Maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaibang estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan
Romantisismo
Nagpapakita ng kahalagahan ng damdamin ng isang tao. Mas pinapahalagahan pa ito kaysa sa mga gamit sa mundo
Realismo
Ipinaglalaban ang katotohanan kaysa kagandahan
Naturalismo
Walang malayang kagustuhan ang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang herediti at kapaligiran
Impresyunalismo
Tumutukoy sa paglikha ng impresyon ng karanasan ng mga tauhan at pagkatapos nito, iniiwan sa mambabasa ang interpretasyon ng mga pangyayari sa istorya
Ekspresyunalismo
Ang proseso ng paggawa ng mga kaisipan o damdamin ng isa. Binibigyang pansin nito ang mga indibidwalna karakter sa positibong paniniwala at makatotohanang paglalahad
Simbolismo
Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit ng mga salita. Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda
Simbolismo
Naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan
Eksistensyalismo
Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at kanyang sariling buhay. Binibigyan ng pansin ang kilos at ang katwiran kaysa sa iba pang kaisipan
Pemenismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan
Katangian ng mahusay na kritiko
Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng akdang pampanitikan bilang isang sining
Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan
Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan
Iginagalang ang desisyon ng mga ibang kritiko
Matapat na kumikilala sa akda bilang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa alituntunin at batas
Mga bahagi ng panunuring pampanitikan
Pamagat
Panimula
Paglalahad ng tesis
Katawan
Konklusyon
Mga kritikong pilipino sa panitikang pilipino
Alejandro G. Abadilla
Teodora A. Agoncillo
Virgilio S. Almario
Lamberto E. Antonio
Isagani R. Cruz
Lope K. Santos
Federico Licsi Jr.
Rogelio G. Mangahas
Fernando B. Monleon
Clodualdo del Mundo
Ponciano B. Pineda
Pananaliksik
Maingat na pagsusuri o pagsisiyasat sa isang suliranin o problema