Piliin ang paksa na malapit sa iyong kawilihan o interes
Piliin ang mga paksang may taglay kang kaalaman o di kaya'y may nais kang alamin
Isaalang-alang ang maraming teknik sa pangangalap ng mga ideya bago isulat ang draft
Tiyakin ang target na awdyens para sa iyong sulatin at lagi itong isaisip habang nagsusulat
Tiyakin din ang layunin sa pagsulat at ano ang gustong matamo sa sulatin
Isaisantabi muna ang mga detalye sa unang draft. Sikaping mailapat muna sa papel ang lahat ng iyong mga ideya
Paulit-ulit na basahin ang mga naisulat. Obhetibo itong basahin na parang hindi ikaw ang sumulat at isaisip na nakita mo lamang ito sa unang pagkakataon
Ipabasa sa iba ang iyong isinulat at humingi ng mga puna o mungkahi
Huwag matakot magdagdag, magbawas o maglipat ng mga ideya sa iba't ibang bahagi ng sulatin
Kapag maayos na ang paglalahad ng mga ideya, iwasto ang pagbabalarila, bokabularyo, ispeling at pagbabantas upang makatiyak sa kawastuhan at kadalisayan ng buong sulatin