APM1

Cards (19)

  • Jus sanguinis
    Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabase sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang magulang
  • Jus soli o jus loci
    Ang pagkamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak
  • SEKSIYON 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: (1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Konstitusyong ito; (2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at (4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
  • ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado
    Citizenship (Pagkamamamayan)
  • pagkakaroon ng dalawang pagkamamamayan sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na naturalisayon
    Dual Citizenship
  • isang ligal na paraan upang ang dayuhan ay magkaroon ng pagkamamamayan sa bansang nais niya.
    naturalisasyon
  • dito nakasulat ang mga mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan
    saligang batas
  • SEKSIYON 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
  • SEKSIYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
  • SEKSIYON 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
  • SEKSIYON 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
  • hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kapakanan ng estado.
    pericles
  • Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibidwal at ng estado.
  • Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin
    Citizenship
  • ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas.
    pagkamamayan
  • ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng mga indibidwal at ng estado, na kung saan ang dalawa ay pinagbigkis ng reciprocal na karapatan at pananagutan.
    Heywood(2004)
  • Likas o katutubo
    Anak ng Pilipino, parehas mang magulang o isa lang.
  • naturalisado
    Dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon.
  • Sa kabilang banda, maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal dahil sa mga sumusunod:
    1. Ang panunumpa ng karapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa.
    2. Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan.
    3. Nawala ang bisa ng naturalisasyon.