Aral pan

Subdecks (1)

Cards (65)

  • ANG EUROPE BAGO ANG PAGSISIMULA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
  • GABAY NA TANONG
    Ano ang papel ng nasyonalismo at imperyalismo sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
  • Nilagdaan ang Congress of Vienna Nagwakas ng pagdomina ng France sa Europe at nagbalik sa balanse ng kapangyarihan sa pagitan ng mga bansa sa Europe
    1815
  • Prinsipyo ng BALANCE OF POWER
    Ang magkakapantay na lakas at kapangyarihan ng mga bansa ay magbibigay-daan upang wala nang bansa ang magiging banta sa iba pang bansa
  • Unang Digmaang Pandaigdig Kilala rin sa tawag na "The Great War" sapagkat ito raw ang isa sa pinaka-mapaminsalang labanan na nangyari sa kasaysayan at nagpakita ng mga pangyayaring naglunsad ng malaking pagbabago sa daigdig
  • Militarismo
    Pinaniniwalaang mahalagang sukatan ng kapangyarihan kung kaya't nagpaparamihan ng mga armas at nagpapalakasan ng hukbong sandatahan ang mga bansa
  • Iba't ibang maka-bagong teknolohiyang pandigma
  • Sistema ng Alyansa
    Ang pakikipag-alyansa ay maituturing na pagkakampi-kampi ng ilang mga bansa dahil sa ilang interes
  • Dalawang alyansa ang nabuo bago sumiklab ang digmaan
  • Dual Alliance
    Unang nagtatatag ng alyansa ang Germany at Austria-Hungary. Layunin nito na ihiwalay (isolate) ang France na itinuturing na pinakamalaking banta sa kapayapaan ng Europe. Otto von Bismarck, Chancellor ng Germany, ang naginstiga nito
  • Nailuklok sa kapangyarihan bilang pinuno ng Germany ang ambisyoso, mayabang at mainiping si Kaiser Wilhelm II. Tinanggal niya si Bismarck bilang chancellor at nais niyang kaagad maipagmalaki sa buong mundo ang lakas military nito. Samantala, ang matinding "shipbuilding program" ng Germany ay lumikha ng isa pa nitong kaaway - ang Great Britain
  • Unang bumuo ng alyansa ang Great Britain sa France, at tuluyan na itong sasali sa nauang alyansa ng France at Russia. Pangamba ng Great Britain na mahigitan ng Germany ang kanyang katayuan sa puwersang pandagat kaya naman kinalimutan nito ang pagtuturing sa Russia bilang kaaway at ang kanyang kawalang malasakit sa France sa mga nakalipas na taon
  • Imperyalismo
    Ang imperyalismo ay pagpapalawak ng kapangyarihan at kayamanan ng isang bansa, kabilang dito ang pananakop at pagkontrol sa gobyerno at ekonomiya ng ibang bansa
  • Nasyonalismo
    Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa masidhing pagmamahal ng mga mamamayan sa sariling bansa na kung minsan ay lumalabis at nagdudulot ng malubhang kompetisyon sa bawat bansa
  • Hunyo 28, 1914 Pinaslang si Archduke Franz Ferdinand Tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary. Pinatay siya at kanyang asawa ng isang Serbian na si Gavrilo Princip, labing-siyam (19) na taong gulang na miyembro ng isang Serbian terrorist group na tinatawag na Black Hand. Naglalayon na tapusin ang pamamahala ng Austria-Hungary sa Bosnia at Herzegovina
  • Schlieffen Plan
    Nakasaad dito na ang pagdedeklara ng digmaan sa isang bansa ay nangangahulugan ding pagdedeklara ng digmaan sa mga bansang kaalyado nito
  • Magsasagawa ng malawakang pag-ikot sa hilaga ng Germany at sasakupin ang Belgium at pagkatapos masakop ang Belgium ay palilibutan ang hukbo ng France. Nagdeklara ang Germany ng digmaan sa France noong August 4, 1914
  • Trench Warfare
    Tumutukoy sa pakikipaglaban na kung saan naghuhukay ng malalim at komplikadong hukay
  • Baltic Sea

    hanggang Black Sea
  • SOUTHERN FRONT
    Nasa pagitan ng Italy at Austria Hungary
  • Schlieffen Plan
    1. Magsasagawa ng malawakang pag-ikot sa hilaga ng Germany at sasakupin ang Belgium at pagkatapos masakop ang Belgium ay palilibutan ang hukbo ng France
    2. Nagdeklara ang Germany ng digmaan sa France noong August 4, 1914
  • Trench Warfare
    Tumutukoy sa pakikipaglaban na kung saan naghuhukay ng malalim at komplikadong hukay bilang proteksiyon sa mga pagsabog
  • War of Attrition
    Kinalimutan na ng bawat heneral ang pagsakop sa mga mahahalagang lokasyon at tinutukan na lamang ang pagpatay at pag-ubos ng mga sundalo
  • Lumaganap maging sa Asia-Pacific ang digmaan at sa pagkakataong ito ay tuluyang nang naging pandaigdigang digmaan ang tunggalian sa pagitan ng Allied Powers at Central Powers
  • Pansamantalang isinantabi ng mga Hindu at Muslim ang hindi nila pagkakasundo at nagkaisa na magpadala ng mga sundalo na sasabak sa labanan sa ilalim ng pamamahala ng mga Ingles
  • Bansang kabilang sa Allied Powers na sumalakay sa kolonya ng Germany sa Africa at Asya
  • Kapalit ng pagsuporta ng China ang pangakong ibabalik sa kanila ang sphere of influence ng Germany
  • Sinuportahan ng China ang Triple Entente (Allied Powers) laban sa Germany
  • Sa pamamagitan ng Iran, sinimulang lusubin at atakihin ng Russia at Great Britain ang Imperyong Ottoman na siyang nagpahina dito
  • Umanib sa alyansang Triple Alliance (Central Powers) Germany, Austria, Bulgaria at Turkey
  • Balfour Declaration

    Liham na ipinalabas ng Great Britain na nagpapahayag na ang Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang kanilang maging tahanan o homeland
  • Treaty of Versailles
    Kasunduang nilagdaan upang opisyal na magwakas ang unang digmaang pandaigdig
  • Mga Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Asya
    • Pagbagsak ng Imperyong Ottoman at pagkakatatag ng Republika ng Turkey
    • Napaigting ang diwang nasyonalismo ng mga bansang Asyano (Korea, China, at India)
  • Naganap ang deklarasyon ng self-determination sa Paris Peace Conference
  • Nagkaroon ng pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at ng paglutas sa suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga mamamayan
  • Kilusang Marso 1 ng Korea (March First Movement)

    Kilusang nasyonalista ng mga Koreano upang makalaya sa pamamahala ng Japan
  • Kilusang Mayo 4 ng China (May Fourth Movement)
    Kilusang China na pinasimulan ng mga estudyante sa Tiananmen bunsod ng Twenty-one Demands ng Japan
  • Non-Violence Movement ng India
    Kilusang isinagawa at pinangunahan ni Mohandas Gandhi upang makamit ang kalayaan mula sa Ingles. Isinagawa sa pamamagitan ng pag-aayuno, mapayapang demonstrasyon, at pagboykot
  • Napunta sa Japan ang kontrol sa Shandong, China
  • League of Nations
    Samahang nabuo noong 1920 na naglalayong pag-usapan ang iba't ibang isyung internasyunal at itaguyod ang pandaigdigang kapayapaan