AP

Subdecks (1)

Cards (35)

  • Neo
    Bago
  • Dekolonisasyon

    • Proseso ng paglaya ng mga bansa sa pag-alis ng mga mananakop na dayuhan
  • Dekolonisasyon
    • Matinding pagkasira ng mga bansa sa Europe dahil sa pandaigdigang digmaan
    • Masidhing kilusang nasyonalista sa maraming dako ng Asya
  • Cold War
    Walang tuwirang digmaan. Ang tunggalian ng US at USSR ay nasa anyong ideolohikal, politikal, at pang-diplomatikong pamamaraan. Ang Asya ang naging entablado ng hidwaan ng Cold War.
  • Kolonyalismo
    Pananakop, pagkontrol, impluwensiya
  • Neokolonyalismo
    Pampolitikal na kontrol ng mayamang bansa sa mas mahirap na bansa na dapat na independyente at malaya sa pamamahala sa sarili
  • Neo
    Bago
  • Mga anyo ng neokolonyalismo
    • Politikal
    • Ekonomikal
    • Kultural
  • Politikal
    • Patuloy ang pakikialam sa mga panloob na usapin, pakikialam sa mga sigalot at digmaang sibil, at pagsuporta sa mga rehimeng umaayon sa patakaran ng mga dayuhan
  • Nahati ang Silangang Asya sa tunggaliang ideolohikal ng US at USSR. Noong 1945-1949, bumuhos ang tulong pinansiyal at armas ng US kay Chiang Kai-shek at sa Guomindang habang nakikipaglaban ito sa Chinese Communist Party, na suportado naman ng USSR.
  • Ekonomikal
    • Ang mga hindi direktang paraan ng pagkontrol sa takbo ng ekonomiya ang lalong nagpahirap sa mga bansang Asyano. Kasama na rito ang patuloy na pagkakabaon sa utang at pagiging palaasa sa mga tulong pang-ekonomiya na galing sa mga institusyong internasyonal
  • Nanghimasok ang US at USSR sa Kanlurang Asya dahil mayaman ang rehiyon sa langis at geopolitikal na kahalagahan ng Suez Canal at Persian Gulf sa access sa mga pinagkukunan ng langis.
  • Kultural
    • Pagsugpo sa ilang tradisyunal na kultura; pagpasok ng iba't-ibang produkto, musika, pelikula, kasuotan, at iba pang libangan
  • Soft power
    Alternatibong paraan ng pakikipag-ugnayan sa ibang bansa ay ang paggamit ng hindi marahas na hakbang upang maisulong ang isang interes
  • Proxy War
    mga digmaan o sigalot na naganap sa pamamagitan ng tulong pinansiyal o mga armas mula sa dalawang nagtutunggaling superpower, ang US at USSR
  • Truman Doctrine
    pahayag ng panghihimasok at pagbibigay ng tulong militar at pang- ekonomiya ng US sa anomang bansa upang pigilan ang pagkalat at paglaganap ng komunismo.
  • Containment Policy
    estratehiya na pigilan ang pagtatatag ng mga pamahalaang nasa ilalim ng mga partido komunista at paglaganap ng impluwensiya ng USSR
  • Ang pagkakahati ng Korea sa dalawang pamahalaan ay bunsod ng hindi pagkakasundo ng US at USSR sa isyu ng trusteeship. Sinuportahan ng US ang pagbubuo ng pamahalaan sa South Korea habang ang USSR ang namahala naman sa North Korea.
  • RUSSIFICATION
    patakaran na isulong ang wika at kulturang Ruso sa populasyon ng Hilagang Asya na karamihan ay Muslim ngunit binubuo ng ibat’-ibang grupong etnolingguwistiko