URI NG LIHAM

Cards (26)

  • LIHAM pasulat na paraan ng pagpapahayag mo sa ibang tao o tanggapan tungkol sa iyong saloobin, kahilingan, at iba pang layunin
  • MGA URI NG LIHAM PANGALAKAL • Liham Pagbati • Liham Paanyaya • Liham Tagubilin • Liham Pasasalamat
  • LiHam PAGBATI Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang nagkamit ng tagumpay, karangalan, o bagay na kasiya-siya. Ganito ring uri ng liham ang ipinadadala sa isang nakagawa ng anumang kapuri-puri o kahanga-hangang bagay sa tanggapan
  • LiHam PAANYAYA Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging tagapanayam, o gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular na okasyon
  • LiHam TAGUBILIN Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung may gawaing nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito
  • LiHam PASASALAMAT Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong, kasiya-siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapakipakinabang na impormasyon, ideya at opinyon, at tinanggap na mga bagay
  • MALINAW Planuhin ang mga nais sabihin upang matiyak na may iisang direksyon. Hatihatiin ang mga ideya at huwag pagsamasamahin sa isang mahabang pangungusap. Gawin lamang simple upang madaling maunawaan
  • WASTO Magsaliksik muna ng mga datos na kaugnay sa isusulat na liham. Halimbawa nito ay katungkulan ng sinusulatan, wastong tanggapan na padadalhan, at iba pa. Kailangan mo ring maging tapat sa mga impormasyon na ibibigay mo lalo na kung ito ay liham aplikasyon upang ikaw ay pagkatawilaan. Makailang ulit ding basahin ang nagawang liham at tingnan kung wasto ang pagbabaybay, balarila, at mga bantas. Tandaan na ang iyong liham ay repleksyon ng iyong personalidad
  • BUO Tiyakin na walang kulang sa mga impormasyon o mensahe na iyong ipinahayag. Tulad sa pagluluto, nagiging napakasarap kapag kumpleto sa mga sangkap, gayun din sa liham kaya maeengganyo ang sinulatan na sagutin kaagad ang liham mo
  • MAGALANG Dahil hindi nakikita ang reaksyon ng sumulat, kailangang ang himig ng pagpapahayag ay hindi nagmamataas, hindi nagagalit, o hindi namimilit. Dapat na madama ng magbabasa nito na ang hatid ng sulat ay kapayapaan, pagkakasundo, o kaya ay pagbibigay ng pagasa.
  • MAIKLI Mahalaga ang oras ng mga sinusulatan kaya gawing maikli lamang. Iwasan ang paglalagay ng mga halimbawa o detalye na magpapaligoy-ligoy sa mensahe
  • KUMBERSASYONAL Gawing tila kausap ka lamang ng magbabasa. Ipahayag sa natural na paraan na nananatili pa ring pormal ang wika
  • MAPAGSAALANG-ALANG Bigyan ng sapat na panahon ang sinusulatan kung may hinihiling na aksyon o kaya’y magbigay ng mga mungkahi sa magalang na paraan. Buksan din ang sarili sa kung ano ang mungkahi o payo ng sinusulatan
  • Pamuhatan- Dito makikita ang pangalan ng pinanggalingang tanggapan, adres, telepono, at numero ng fax. Isinasama rin dito ang logo ng tanggapan, kung mayroon.
  • Petsa- mahalagang bahagi ng pamuhatan na nagpapakita kung kalian isinulat ang liham
  • Patunguhan- binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong padadalhan ng liham. Kung kilala ang sinusulatan, sinusulat ang pangalan ng taong sinusulatan, ang kaniyang katungkulan (kung mayroon), tanggapang pinaglilingkuran at direksiyon. Iwasan ang pagdaglat sa pagsulat ng adres o direksiyon, hal. ave., st
  • Bb. (Binibini o Miss) • ginagamit sa isang babaeng walang asawa. • babaeng maaaring may titulo ngunit hindi alam ng sumusulat o kaya ay sa isang babaeng hindi tiyak ng nagpapadala ng liham kung may-asawa o dalaga.
  • Gng. (Ginang o Mrs.) • ginagamit sa isang babaeng may asawa. • ginagamit sa isang babaeng may asawa.
  • G. (Ginoo o Mr.) • ginagamit sa mga lalaki at sa mga may titulo ngunit hindi tiyak ng nagpapadala ng liham
  • Bating Pambungad- Ito ay pagbati sa sinusulatan
  • Katawan ng Liham- Ito ang pinakamahalagang bahagi dahil laman nito ang pinakamensahe ng sumulat sa sinulatan
  • Panimula – Naglalaman ito ng maikling pahayag sa layon o pakay ng liha
  • Katawan – Naglalaman ito ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa pakay ng liham.
  • Huling talata – Nagsasaad ito kung ano ang inaasahang aksiyon sa ipinadalang liham
  • Pamitagang Pangwakas Ito ang pamamaalam sa sinusulatan
  • Lagda- Binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng lumiham. Ito ay nagpapakilala ng kapangyarihan at pananagutan sa nilalaman ng liham