RESULTA - Ito ang bahaging naglalabas ng mga datos na nakalap sa pananaliksik. Dito iniisa-isa ang mga impormasyong naging bunga ng eksperimentasyon. Ito ang bahaging kakikitaan ng mga grap, talahanayan, at iba pang grapikong representasyon ng mahahalagang tuklas sa pagaaral. Sa madaling sabi, sa seksiyong ito nakikita ang aktuwal na ambag ng saliksik.