Maikling kwento - ito'y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sakakintalan
Nobela - Isang mahabang salaysaying nahahati, sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
Sanaysay – isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kurong may-akda.
Pabula – Ang pabula ay isang uring kathang- isip na panitikan kung saan mga hayop o kayamga bagay na walang- buhay ang gumaganap na mga tauhan.
Parabula - isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
Talambuhay – isang anyong panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang taohango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
Alamat - ito ay mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karadiwang paksa nito.
Balita - ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay- alam sa mga mamamayan.
Dula - Itinatanghol sa ibabaw ng establado tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto, na ang bawat yugto ay maraming tagpo.
Talumpati – isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado.
Anekdota - Mga likhang - isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay aral sa mga mambabasa. Maari isang kwento ng mga hayop o bata.
Epiko – tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao labansa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Awit at Korido – isang uring tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito aymay sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.