Pagbasa

Subdecks (1)

Cards (81)

  • Ang pagsulat ay isang paraan upang makapgahayag ang sinuman ng kanyang mga nasasaisip at mga saloobin
  • Mahalaga ang pagsulat sa bawat indibidwal maraming bagay ang nais nating tukasin at isa ang pagsulat sa paraan upang mailathala an gating mga natuklasan na makatutulong sa pag-unnlad, isa rin ito sa mahalagang sangkap ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan
  • Pagpapahayag na pasulat
    • Pagbabahagi ng mga saloobin, o mga pananaw maari itong isagawa nang pasalita o pasulat
    • Pagpapalitan ng ng makahulugang kuro-kuro kaugnay sa isang paksa
    • Hangarin nito ang mag-ulat ng mga pangyayari, may tatlong mahahalagang sangkap ang pinakabatayang proseso, ang manunulat, ang teksto at ang mambabasa
  • Paksa
    Ideya o kaisipan tinatalakay
  • Anyo
    Mga alintuntunin o patakaran sa pagsulat na nagsisilbing gabay ng sinumang manunulat
  • Manunulat
    Nagpapadala ng mensahe na encoder
  • Teksto
    Nakasatitik na mensahe na pinuprodyus ng manunulat
  • Mambabasa
    Nagbibigay interpretasyon at ang umuunawa sa teksto tinatawag itong decoder
  • Pokus
    Pinakasentro ng atensyon sa pagsulat ng manunulat, nahahati ito tatlong kategorya, pokus sa paksa, pokus sa manunulat at pokus sa mambabasa
  • Edukado
    Uri ng pasulat sa kategoryanng ito, sulating pang-akademya. Sa pagsulat, pinakapipili ang paksa, sinisinop nang buong husay ang pananaliksik at malinaw na ipinakikilala ang nilalaman ayon sa maingat na pagbabalangkas. Ang pangunahing layunin sa pagsulat nito ay para maging kapani-paniwala sa mga mambabasa
  • Paglalarawan
    • Isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao, sa hayop, sa isang bagay, isang pangyayari ng pamamagitan ng makukulay at maanyong pagpapahayag
    • Nagpapatalas ng isipan ng mga mambabasa sa pagbuo ng larawang diwang nais ihatid ng manunulat
    • Nagagawang nitong maipakita sa mambabasa ang mundo sa pamamagitan ng paningin at pandama, nagagawang itong ipinta sa isipan ng mambabasa at gawing konkreto sa kanilang balintataw ang mga imahe at pangyayaring ipinahihiwatig ng manunulat
  • Karaniwang paglalarawan
    • Nagbibigay lamang ng tiyak na impormasyon o kabatiran tungkol sa isang bagay ayon sa pisikal na katangian nito
    • Gumagamit ito ng mga tiyak na salitang panlarawan
    • Nagbibigay ng kaalaman ayon lamang sa nakita o nasaksihan
  • Masining na paglalarawan
    • Nakikita, naririnig, naamoy, nahihipo, ang mga pananalitang ginagamit dito, mahalagang kasangkapan ang panlarawan gaya nng patambis at tayutay
    • Ang mga detalyeng inihahayag dito ay mga katotohanandin, kaya lamang ay kinukulayan ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay
  • Hakbang tungo sa mabisang paglalarawan
    1. Pagpili ng Paksa
    2. Pagbuo ng Pangunahing Larawan
    3. Pagpili ng Sariling Pananaw
    4. Pagkakaroon ng Kaisahan
    5. Pagpili ng mga Sangkap
    6. Pagpili ng Angkop na Pananalita
  • Pagsasalaysay
    • Magagaling sa ganitong anyo ng pagsulat ang mga kuwentista, ang mga dyornalista, at mga mananaliksik o resertser
    • Pag-uulat ang pangunahing layunin nang ganitong anyo ng pagpapahayag na pasulat
    • Hinahango ang mga datos batay sa mga nakalap na impormasyon
    • Isang pahayag kung: tumpak, tiyak at tuna yang pangyayaring naganap, nakita, napanood na sinuportahan ng ptunay
  • Nauuri ang pagsasalaysay ayon sa
    • Awtobiograpi o talambuhay
    • Taalarawan
    • Ala-ala
    • Kasaysayan
    • Pampahayagang ulat o balita
  • Sangkap at katangian ng Mabuting Pagsasalaysay
    • Nakagaganyak na pamagat
    • Mahalagang paksa
    • Kawili-wiling simula
    • Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
    • Kapana-panabik na wakas
  • Anyo ng Pagsulat pokus sa Manunulat
    • Nakasentro ang atensyon ng pagsulat sa pokus na ito sa manunulat
    • Personal ang anyo ng pagsulat
    • Damdamin at kaisipang pansarili ang pinahahalagahan ditto kaya wala nang pananaliksik pang dapat isagawa
    • Hindi kailangan magdokumentasyon,hindi rin kailangang maglohika sa istruktura, mga karaniwang opinion lamang itong nagmumula sa mga pang-araw-araw na karanasan sa buhay ng manunulat kaya naman madali itong gawin, natural ang pagpapahayag
  • Anyong ekspresyon
    • Nagpapahayag ang tao para mailabas ang mga nasasaloob na konsepto at emosyon sa layuning mapagaan ang loob sakaling pinag-uunmapawan ng saya, o kaya'y nilulukuban ng lungkot, o tinutupok ng poot , atbp
    • Nabibigyan nito ng pagkakataon ang manunulat na mapaunlad ang sariling katauhan at lubos na mapalalim ang karakter
  • Anyong repleksyon
    • Pagsusulat ito sa paraang nakatuon ang tingin sa isang salamin at ditp pinagmamasdang mabuti upang hindi naduduble ang larawan
    • Hindi tulad ng ekspresyon, obhektibo ang pananaw rito
  • Anyo ng Pagsulat pokus sa Mambabasa

    • Isinasaalang-alang dito ang mambabasa sa pagsulat
    • Kilalanin at sanayin silang magbigay ng sariling interpretasyon at reaksyon sa teksto
  • Wala nang pananaliksik pang dapat isagawa. Hindi kailangan magdokumentasyon, hindi rin kailangang maglohika sa istruktura, mga karaniwang opinion lamang itong nagmumula sa mga pang-araw-araw na karanasan sa buhay ng manunulat kaya naman madali itong gawin, natural ang pagpapahayag.
  • Anyong ekspresyon
    Nagpapahayag ang tao para mailabas ang mga nasasaloob na konsepto at emosyon sa layuning mapagaan ang loob sakaling pinag-uunmapawan ng saya, o kaya'y nilulukuban ng lungkot, o tinutupok ng poot , atbp. Nabibigyan nito ng pagkakataon ang manunulat na mapaunlad ang sariling katauhan at lubos na mapalalim ang karakter.
  • Anyong repleksyon
    Pagsusulat ito sa paraang nakatuon ang tingin sa isang salamin at ditp pinagmamasdang mabuti upang hindi naduduble ang larawan. Hindi tulad ng ekspresyon, obhektibo ang pananaw rito.
  • Anyo ng Pagsulat pokus sa Mambabasa
    • Pagpapanuto o direksyon
    • Panghihikayat
  • Anyong Direksyon
    Lahat ng gawain ay may proseso. Ano ano ang kailangang materyal? Paano uumpisan, itutuloy at tatapusin? Mga instruksyong panggabay sa paggawa.
  • Anyong Direksyon
    • Pagbibigay-impormasyon
    • Pagsasaayos ng mga impormasyon
  • Anyong Panghihikayat
    Binibigyan diin sa panghihikayat na maganyak ang mambabasang gawin ang isang bagay. Malimit gawin ito ng mga pulitiko sa panahon ng kanilang pangangampanya. Layunin ito na kunin ang pansin at kalooban at papaniwalain sa kanilang panig ang mga mambabasa.
  • Paglalahad
    Tungkulin nito na humanap ng kalinawan at humawi sa ulap ng pag-aalinlangan. Anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay linaw sa isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng mambabasa. Ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang bagay at ng pagsasakatuparan ng isang layuni o simulain. Pagbibigay ng direksiyon at pagpapaliwanag ng mga hakbang.
  • Bahagi ng paglalahad
    • Simula
    • Katawan
    • Wakas
  • Simula ng paglalahad
    Kailangan may pang-akit, ito ang nagpapasya kung itutuloy ng mambabasa ang pagbsa sa teksto.
  • Mga elemento ng simula ng paglalahad
    • Katanungan
    • Pangungusap na makatawag pansin
    • Pambungad na pasalaysay
    • Isang salitain
    • Isang sipi
    • Tahasan o tuwirang simula
  • Katawan ng paglalahad - dito mababasa ang nilalaman ng pahayag
  • Mga elemento ng wakas ng paglalahad
    • Patanong
    • Pabuod
    • Paglalahad ng isang hula
    • Pagbabaliktanaw sa suliranin binanggit sa simula
    • Paggamit ng isang kaibihan o siniping linya sa isang akada na angkop sa paksa
  • Kaanyuan ng Paglalahad
    • Paglalahad sa Anyong Panuto
    • Paglalahad sa Anyong Pagbibigay-katuturan
    • Paglalahad sa Anyong Interpretsyon
    • Paglalahad sa Anyong Pagkilala
    • Paglalahad sa Anyong Editoryal
  • Pagsasalaysay
    Pag-uulat ito ng mga pangayyari sa paraang matapat at makatotohanan, hinanahgo ang mga datos sa matamang obserbasyon at masikhay na pananaliksik. Ipinapakita ito sa iba't ibang punto de vista o pananaw ayon sa nais ibahagi ng manunulat na epektibo sa damdamin ng mambabasa. Mataas, maayos at malinaw ang pagpapahayag ng mga datos para epektibong maisiwalat at maipakita ang mahahalagang insidente sa kaayusang organisado at napapanahon. Nagpapahayag ng mga magkakakaugnay na pangyayaring may tiyak na pinagmula tungo sa isanng tiyak at makabuluhang wakas.
  • Kasangkapan ng Pagsasalaysay
    • Tema
    • Tauhan
    • Aksyon o Pangyayari
    • Tagpuan
    • Himig
  • Pangangatwiran
    Isang anyo ng pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katangap-tanggap o kapani-paniwala. Layunin nitong bigyang-paliwanag ang paksa,at maipakilalang mabuti ang paartikular na bagay na tinatalakay sa pamamagitan ng mga pruweba at patunay. Sa pangangatwiran, ang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason.
  • Prinsipyo ng pangangatwiran
    • Isang pahayag na mapagtatalunan
    • Katibayang pansuporta sa binigyang-linaw na prosisyon sa pamamagitan ng pagrarason base sa mga patunay sa lohikang sanhi at bunga
  • Kapag tayo ay nasaktan, mabigat ang kapalit nito