Dumaan sa mahigpit, masusi, at maingat na pagsusuri
- ang kahigpitan ng prosesong pinagdadaanan ng isang papel-pananaliksik ay isang salik na nakapagtataas sa kalidad nito. Sapagkat, ang paghanap ng katotohanan ang pangunahing layunin ng pananaliksik, ang masusi at mapanuring pag-iimbestiga ay mahalaga upang makatiyak na ang kongklusyong nakarating ay wasto o tumpak.