Ayon kina Constantino at Zafra, ang mga panuntunan sapananaliksik ay ang sumusunod:
Kilalanin ang ginamit na mga ideya.
Huwag kumuha ng datos kung hindi pinayagan owalang permiso.
Iwasang gumawa ng mga personal naobserbasyon.
Huwag mag-short-cut.
Huwag mandaya.
Hangarin ng etika sa pananaliksik ang matiyak na walang nasaktan mula sa isinagawang pananaliksik(Cooper at Schindler, 2014)
Etika ang nagsisilbing prinsipyong gumagabay sa mananaliksik upang mapanatiling tama ang prosesong pinagdadaanan ng mga impormasyon tungo sa paghahanap ng katotohanan.
Etikangpananaliksik ang nagpapanatili sa integridad ng pananaliksik at ng mananaliksik.
Ayon kay LEAVY(2017), ang salitang ethics ay mula sa ethos, salitang Griyego na nangangahulugang karakter.
Ayon kay LEAVY (2017), bahagi ng etika ang moralidad o ang pagtukoy sa tama at mali, integridad o ang pagkilos nang naaayon sa kaalaman kung ano ang tama, pagiging patas, at pagiging makatotohanan.
Intellectual Property of Rights - batas para sa lahat ng mananaliksik at makaiwas sa anumang kasong sibil at kriminal na maaring kahantungan ng isang mananaliksik.