ARALING PANLIPUNAN

Subdecks (1)

Cards (56)

  • Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na mayroong layuning pag-aralan ang kilos at pagsisikap ng mga tao sa paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay
  • Ekonomiks
    Nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na hango sa dalawang salita oikos na ang ibig sabihin ay bahay at nomos naman ay pamamahala
  • Pangunahing aspetong tinutugunan ng Ekonomiks
    • Kakapusan sa pinagkukunang-yaman o scarcity
    • Kakulangan o shortage
    • Walang hanggang pangangailangan at kagustuhan
  • Kakapusan (scarcity)

    Pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang yaman na ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyong hindi sapat upang tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
  • Kakulangan (shortage)
    Panandalian lamang, dulot ng bagyo, peste, El Nino, pandemiya at iba pang kalamidad o maaaring namang gawa o likha ng tao na tinatawag na artipisyal na kakulangan
  • Ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay hindi sapat upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao
  • Makroekonomiks
    • Tumutukoy sa kabuang dimension ng ekonomiya nakasentro sa komposisiyon at nakatuon sa pag-aral sa buong ekonomiya ng isang bansa
  • Maykroekonomiks
    • Sumusuri o tumatalakay sa maliit na yunit ng bansa, mga kayarian ng maliliit na negosyo at mga pangyayari at pasya sa mga sambahayan at bahay kalakal
  • Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga konsepto sa Ekonomiks, natututonan ng mga tao ang paggawa ng mga paraan at paggamit ng teknolohiya upang magkaroon ng tamang paggamit at alokasyon ng mga limitadong pinagkukunang-yaman
  • Dahil sa limitado lamang ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao, kinakailangan ng lipunan na gumawa ng isang matalinong pagpapasya upang malutas ang mga suliranin sa kakapusan at kakulangan
  • Ang nararanasan mo kasama ang iyong pamilya ngayon ay walang pinipiling edad o estado sa buhay, bata o matanda, mayaman man o mahirap, lahat ay lumalaban upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan sa harap ng suliraning ito
  • Sa ekonomiks, mas mapapalalim mo pa ang iyong kaalaman sa kung paano mo pangasiwaan ang inyong badget at pinagkukunang yaman kasama ang iyong pamilya
  • Mga sangay ng ekonomiks
    • Makroekonomiks
    • Maykroekonomiks
  • Makroekonomiks
    Isang sangay ng ekonomiks na sumusuri o tumatalakay sa kabuuang dimension ng ekonomiya nakasentro sa komposisiyon at nakatuon sa pag-aral sa buong ekonomiya ng isang bansa
  • Maykroekonomiks

    Isang sangay ng ekonomiks na sumusuri o tumatalakay sa maliit na yunit ng bansa, mga kayarian ng maliliit na negosyo at mga pangyayari at pasya sa mga sambahayan at bahay kalakal
  • Mga dapat isaalang-alang sa wastong pagdedesisyon
    • Trade off
    • Incentives
    • Marginal Thinking
    • Opportunity Cost
  • Trade off
    Ang pagpapaliban ng pagbili o pagpili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay
  • Opportunity cost
    Ang halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon
  • Incentives
    Mga pakinabang na makukuha o mga karagdagang halaga na maiisip mong makapagpapataas ng halaga ng isang desisyon
  • Marginal thinking
    Ang proseso ng pag-aanalisa sa kung paanong ang isang desisyon ay mas makakapagbigay ng pinakamalaking potensyal na balik kaysa sa gastos
  • Ang kaalaman sa mga konsepto ng opportunity cost, trade-off, marginal thinking, at incentives ay makatutulong sa isang tao na maging matalino sa pagbuo ng desisyon
  • Ang mga konseptong ito ay makakatulong sa iyo sa paggawa ng tama o wastong desisyon
  • Dalawang mahalagang sangay ng ekonomiks
    • Makroekonomiks
    • Maykroekonomiks
  • Makroekonomiks
    Tumutukoy sa kabuang dimension ng ekonomiya nakasentro sa komposisiyon at nakatuon sa pag-aral sa buong ekonomiya ng isang bansa
  • Mahalagang konseptong dapat isaalang-alang sa matalino at wastong pagdedesisyon
    • Trade off
    • Incentives
    • Marginal Thinking
    • Opportunity Cost
  • Trade-off
    Ang pagpili/pagsasakripisyo ng isang bagay, kapalit ng ibang bagay
  • Incentives
    Mga pakinabang na makukuha o mga karagdagang halaga na maiisip mong makapagpapataas ng halaga ng isang desisyon, nakakapagpabago sa isang desisyon
  • Opportunity cost
    Tumutukoy sa halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon, isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang daan ang higit na mas makabuluhang paggagamitan nito
  • Ekonomiks ay isang agham ng pagpili (science of choice), dito malalaman kung paano ginagamit ng tao ang limitadong pinagkukunang-yaman para makaprodyus ng mga produkto at serbisyo at kung paano ito ipinamahagi
  • Ang kaalaman sa ekonomiks ay nagagamit upang maunawaan ang mga konsepto at suliranin ng kakapusan at paparaming pangangailangan at hilig-pantao, alokasyon, alternatibong desisyon, at pamamahala ng mga gawaing pamproduksyon at pangkalahatang kaunlaran
  • Ang mga konseptong trade off, opportunity cost, marginal thinking, at incentives ay makakatulong sa paggawa ng tama o wastong desisyon
  • Ang layunin ng Ekonomiks na matutunan ng bawat indibidwal ang matalinong pagpapasya
  • Matalinong pagpapasya
    Ang paraan mo mailalapat ang konseptong ito
  • Mga halimbawa ng matalinong pagpapasya

    • Magtatrabaho nang mabuti upang kumita ng malaki at hindi na aasa ng tulong mula sa iba
    • Pagbubutihin ang pag-aaral upang mapasaya ang mga magulang
    • Maging mapanuri at matalino sa lahat ng gagawing desisyon
  • Kakapusan sa pinagkukunang-yaman
    Nagkaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman at dahil na rin sa walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
  • Bilang isang mag-aaral, minsan nakararanas ng kakulangan at kakapusan sa pera upang matugunan ang pangangailangan sa paaralan
  • Mga nararapat gawin sa kakulangan at kakapusan sa pera
    • Maging masinop, matiyaga at responsable sa mga gagawing desisyon
    • Manalangin at maghintay na may maawa at tutulong na mga kaibigan
  • Trade Off
    Ang konseptong kumakatawan sa paglalaro sa halip na mag-aral
  • May nagaganap na trade off at opportunity cost sa bawat pagpapasya
  • Rasyonal na tao
    Ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng desisyon ay ang opportunity cost