ESP

Cards (72)

  • Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasiyam na Baitang
  • Alternative Delivery Mode
  • Unang Markahan - Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
  • Unang Edisyon, 2020
  • Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
  • Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
  • Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
  • Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
  • Kalihim: Leonor Magtolis Briones
  • Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
  • Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
  • Department of Education - Region XI Davao City Division
  • DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave., Davao City, Davao del Sur, Philippines
  • (082) 224 0100
  • Manunulat: Framyr B. Sayomac, Bartolome P. Ostia
  • Tagasuri: Jeannie Pearl Y. Niñonuevo
  • Tagaguhit: Efren S. Hoya, Lovely delos Santos
  • Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena, CESO V
  • Alma C. Cifra, EdD
  • Aris B. Juanillo, PhD
  • Lydia V. Ampo
  • Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
  • Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
  • Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
  • Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
  • Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
  • Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
  • Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
  • Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
  • Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
  • Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
  • Basahin mong mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
  • Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
  • Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
  • Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
  • Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
  • Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
  • Mga elemento ng kabutihang panlahat na hindi kabilang

    • Kapayapaan
    • Katiwasayan
    • Paggalang sa indibidwal na tao
    • Tawag ng katarungan at kapakanang panlipunan ng lahat
  • Mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat

    • Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
    • Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan
    • Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
    • Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para pagkamit nito
  • Kapayapaan
    Pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay