PANANALIKSIK (4TH QUARTER)

Cards (30)

  • Pananaliksik
    Sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin
  • Mananaliksik
    Taong gumagawa ng isang pananaliksik
  • Layunin ng Pananaliksik
    • Makadiskubre ng bagong kaalaman
  • Tungkulin ng Mananaliksik
    • Pumili ng napapanahong paksa
    • Pumili ng mahahalagang datos/ impormasyon
    • Kumilala ng mga palagay o hinuhang nagpapalinaw sa suliranin ng pananaliksik
  • Pananaliksik
    Sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin
  • Mananaliksik
    Taong gumagawa ng isang pananaliksik
  • Layunin ng Pananaliksik
    • Makadiskubre ng bagong kaalaman
  • Tungkulin ng Mananaliksik
    • Pumili ng napapanahong paksa
    • Pumili ng mahahalagang datos/ impormasyon
    • Kumilala ng mga palagay o hinuhang nagpapalinaw sa suliranin ng pananaliksik
  • Kahalagahan ng Pananaliksik sa mga Mag-aaral
    • Nakatutulong ito para makapasa sa asignatura
    • Nakatutulong ito upang makapagtapos sa pag-aaral
    • Nakatutulong ito upang mapalawak ang kaalaman
  • Atienza
    Matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan
  • Manuel at Mendel
    Isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan
  • Paglilimita ng Paksa: Karanasan sa Online Distance Learning ng mga mag-aaral ng Sumulong College of Arts and Sciences taong panuruan 2023-2024
  • Saklaw ng Kasarian at Lugar: Antas ng Kabatiran tungkol sa Anti-Violence Against Women ng mga Kalalakihan ng Mambugan National High School
  • Saklaw ng Propesyon/Pangkat na Kinabibilangan at Lugar: Epekto ng Artificial Intelligence Application sa mga mag-aaral ng Humanities and Social Sciences, Baitang 12 ng San Isidro National High School
  • Saklaw ng Propesyon/Pangkat na Kinabibilangan at Kasarian: Antas ng Pagtanggap at Balidasyon ng mga Mag-aaral ng G12 HUMSS-1A sa Nadedebelop na Module sa Filipino 11 ng mga Kalalakihan
  • Pamagat ng Pananaliksik
    Malinaw, gumagamit ng payak na salita, tuwiran at tiyak
  • Kabanata 1
    • Panimula
    • Kahalagahan ng Pag-aaral
    • Balangkas Konseptwal
    • Saklaw at Limitasyon
    • Suliranin
    • Instrumentong Ginamit
    • Disenyo ng Pananaliksik
    • Deskriptibo na Pamamaraan
    • Historikal na Pamamaraan
    • Lokal ng Pag-aaral
    • Estilong APA
  • Random Sampling
    Uri ng random Fishbol Teknik
  • Convenience Sampling
    Nakabatay sa pabor na katayuan o kalagayan ng mananaliksik
  • Sarbey
    Isang instrument
  • Panimula
    Isang maikling talata na tumatalakay sa batayang kaalaman na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik.
  • Kahalagahan ng Pag-aaral
    Tumatalakay kung sino ang makikinabang sa magiging resulta ng pag-aaral at kung paano makikinabang.
  • Balangkas Konseptwal
    Dayagram na nagpapaliwanag sa magiging takbo ng gagawing pananaliksik.
  • Saklaw at Limitasyon
    Ang itinakdang parameter ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga mahahalagang variables na may kinalaman sa pag-aaral.
  • Suliranin
    Paglalahad ng pangkalahatang layunin ng pananaliksik na nasa anyong pasalaysay at ang mga tiyak na suliranin na karaniwang nasa anyong patanong at siyang nagsisilbing tuon ng pananaliksik at gagawing pagtalakay.
  • Instrumentong Ginamit
    Pagpapaliwanag kung ano-ano ang ginamit na instrumento upang masukat ang mga baryabol na ginamit sang-ayon sa layunin, target na awdyens, relayability at baliditi, pagsasaayos at pag-iiskor sa mga talatanungan.
  • Disenyo ng Pananaliksik
    Paglalahad ng uri ng pananaliksik na gagamitin. Ito ay magagamit sa pagtugon sa mga inilatag na mga suliranin sa pag-aaral.
  • Deskriptibo na Pamamaraan
    Isang pamamaraan upang mailarawan ng sistematiko ang katayuan o salik ng interes nang tumpak at makatotohanan.
  • Historikal na Pamamaraan
    Ang layon ng pamamaraan na ito na muling dalumatin o balikan ang mga naganap o nangyari na at ang kaugnayan nito sa mga kasalukuyang panahon.
  • Lokal ng Pag-aaral
    Inilalahad ang lokasyon na paggaganapan ng pag aaral.