junjun

    Cards (53)

    • Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin na naglalayong mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa politikal na pakikilahok
    • Ang mga gawain sa modyul na ito ay inaasahang makakatulong sa iyo upang mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksang aaralin
    • Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency para sa Baitang 10 na: Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan
    • Pagkatapos mong napag-aralan ang mga aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: natatalakay ang iba't ibang paraan ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawain at usaping pampulitika, kabuhayan at lipunan; naipaliliwanag ang epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawain at usaping pampulitika, kabuhayan at lipunan
    • Ang paksa 1 ay tungkol sa Politikal na Pakikilahok
    • Ang usay ng mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan
    • Mga posibleng aksyon ng mamamayan
      • Hindi na siya iboboto sa susunod na halalan
      • Irereklamo sa kinauukulan ang nasabing kandidato
      • Ipagsawalang bahala lang ang kaniyang track record
      • Hindi susuportahan sa kanyang mga programang gagawin sa lipunan
    • Pagkatapos mong sagutin ang mga katanungan sa itaas, ipagpatuloy mo ang iyong pagbabasa ng aralin sa susunod na pahina at alaming mabuti ang mga isinasaad dito. Ipagpatuloy mo na mag-aaral.
    • Sa bahaging ito, matutunan mo ang panibagong isyu na may kaugnayan sa politikal na pakikilahok at paano ito nakayutulong hindi lamang ating buhay maging sa ating bansa.
    • Ayon sa Artikulo II, Seksyon 1 ng ating Saligang Batas, "Ang Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan."
    • Ang mamamayan ay dapat aktibong nakikilahok sa diskurso sa pamamahala upang bigyang-katugunan ang mga hamong panlipunan. Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at ng mamamayan ang solusyon sa mga suliraning kinakaharap sa lipunan.
    • Mga paraan ng pakikilahok
      • Pakikilahok sa Eleksiyon
      • Pagsali at Pagsuporta sa mga Organisadong Pampolitika
      • Paglahok sa Civil Society
    • Pakikilahok sa Eleksiyon
      Ang pagboto ay isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mga karaniwang mamamayan ang makilahok sa paghalal ng mga pinuno ng pamahalaan
    • Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang- batas.
    • Mga diskwalipikadong bumoto
      • Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon
      • Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa siguridad ng bansa
      • Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw
    • Partido Politikal
      Organisadong grupo ng mga tao na nagkakaisa ng ideolohiya, pampolitikang ideya, o plataporma ng pamahalaan
    • Upang makakuha ng juridical na pagkilala, maging karapat-dapat sa accreditation, at mabigyan ng mga karapatan at prebilihiyo, ang isang partido politikal ay nararapat na nakarehistro sa Commission on Elections.
    • Naitala sa House of Representatives na may dalawang daan at siyamnapu (290) ang bilang ng mga partido politikal sa ating bansa noong taong 2013.
    • Pansektor na mga kinatawan o Party List
      Iba't ibang sektor sa ating lipunan ay binibigyan ng pagkakataong magkaroon ng representasyon sa Kongreso upang ang kanilang mga tinig ay marinig
    • May dalawang daan at limampung (250) kinatawan dapat sa Kongreso kaya't limampu (50) ang inihalal mula sa party list. May 300 na bilang ang mga rehistradong party list sa ating bansa.
    • Hindi natatapos sa paglahok sa eleksiyon ang politikal na pakikilahok ng mga mamamayan. Sa halip, unang hakbang lamang ito para sa malayang lipunan. Ang esensiya ng demokrasya ay ang magkaroon ng mamamayang nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa pagboto.
    • Civil Society
      Sektor ng lipunan na hiwalay sa estado. Mga pinagsama-samang non-government organizations at institusyon na nagpapahayag ng mga interes ng mga mamamayan
    • Kilos Protesta o lipunang pagkilos ang tawag sa mga ginagawa ng mga taong hindi sumasang-ayon sa isang bagay o pangyayari. Maglulunsad sila ng isang event at magtitipon-tipon ang mga tao upang ipaglaban ang gusto nila at mga bagay na hindi nila sinasang-ayunan.
    • Binibigyan ng civil society ang mga mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pag-enganyo sa mga mamamayan sa mga gawain ng civil society, masisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin.
    • Ayon sa ating Saligang Batas 1987, Artikulo III, Katipunan ng mga karapatan: Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong bayan na mapayagang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.
    • Ayon sa United Nations Development Program (UNDP), mahalaga rin ang kalayaan ng media sa pampublikong pamamahala. Ito ay sa pagkakaroon ng tatlong tungkulin: Civic forum, Mobilizing agent, at Watchdog.
    • Pinasisigla ng ating pamahalaan ang mga samahang di-pampamahalaan (non-government) sector o salig-pamayanan (community based) .Ito ay dahil sa malaki ang kanilang naitutulong para sa kagalingan ng ating bansa.
    • Isyu ng pampublikong kahalagahan
      Mga isyu na mahalaga sa publiko
    • Watchdog
      Pagbabantay sa mga gawain ng pang-aabuso at pagpapahusay ng pananagutan at transparency sa mga pampublikong pamamahala
    • Ang malayang pamamahayag ay limitado
    • Dapat pawang katotohanan lamang ang ipahayag at walang halong paninira
    • Non-government Organization (NGO)

      Anumang non-profit na grupong mga lokal na boluntaryong mamamayan, pambansa, o pandaigdig
    • Community Based Organization
      Uri ng mga organisasyong kabilang sa civil society ngunit kinabibilangan ng mga mamamayang direktang naapektuhan ng mga problema o krisis at may partikular na layunin at pinaglalaban
    • Ang ating pamahalaan ay pinasisigla ang mga samahang di-pampamahalaan (non-government) sector o salig-pamayanan (community based)
    • Ang mga NGO at PO ay nagbibigay ng iba't ibang libreng serbisyo at tulong sa mga tao upang maiparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing
    • Ang mga NGO at PO ay nagtataguyod ng mga programa para sa pangangalaga ng mga karapatang pantao, kapaligiran, o kalusugan
    • Ang mga NGO at PO ay samahang pumapagitan sa mga tao at ng estado
    • Ang mga NGO at PO ay nagsasalita o kumikilos para sa mahihirap at nangangailangan
    • Operation Smile Foundation
      • To mobilize a world of generous hearts to heal children's smile and transform lives; and to provide free constructive surgery to indigent Filipino children afflicted with cleft palate, and other facila deformities
    • Haribon Foundation for the Concervation of Natural Resources

      • To contribute to national development through pure and fundamentals and/or applied research and/or creative work in environmental protection, natural resources conservation, wildlife management, and tribal culture