Teorya - ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga bagay-bagay.
Tore ng Babel - Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao.
Bow-wow - Ayon sa teoryang ito, maari raw na ang wika ng tao ay nagmula sa panggagaya ng mga tunog ng kalikasan.
Ding-dong - Ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao
Lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa.
Simbolismo ng Tunog - Max Muller
Pooh-pooh - Ayon sa teoryang ito, nang hindi sinadya ay napabulas sila bunga ng masidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, at iba pa.
Yo-he-ho - Ayon sa linggwistang si A.S. Diamond (2003), ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
Ta-ta - Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa ay ginagaya ng dila.
Tinatawag itong Ta-ta sa wikang Pranses dahil ito ay nangangahulugang paalam o goodbye
Ta-ra-ra-boom-de-ay - Ang wika raw ng tao ay galing sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na kalauna'y nagpapabagu-bago at nilapatan ng bagong kahulugan.