MODULE 8-9

Cards (41)

  • Pananaliksik
    Sistematiko, kontrolado, empirical at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal
  • Uri ng pananaliksik
    • Makaagham o Siyentipiko
    • Pampanitikan
  • Makaagham o Siyentipiko
    • Ang pananaliksik na ito ay kontrolado at ang bawat mga hakbang ng pagsisiyasat ay nakaplano
    • Ito ay mahalaga upang makalap ang mga katunayan at eksaktong pang-eksperimento ng mga bagay-bagay na makatulong sa pagtuklas sa ibig patunayan. Ang mga hinuha ay kailanganin ng mananaliksik upang mapatunayan o mapabulaanan ang kanyang pag-aaral
  • Pampanitikan
    • Mas payak at karaniwang ginagamit sa kolehiyo
    • Handa na ang mga kakailangin, kokolektahin na lamang ang mga ito, masusing pag-aaralan at kritikal na susuriin
    • Layunin ng papel pananaliksik na matamo ang mataas na perspektibong pananaw ng mga mag-aaral tungo sa pag-aaral ng isang bagay
  • Tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik

    • Makasulat ng isang makabuluhan at ganap na pag-aaral sa suliraning bibigyan ng kalutasan
    • Mangalap ng mga mapagkukunan ng impormasyon sa kanyang pag-aaral
    • Maging matapat at makatotohanan sa mga datos na ilalahad sa pananaliksik
    • Makagawa ng orihinal at hindi sagarang kinopya lamang sa ibang pag-aaral
    • Maging legal o moral na balakid sa maraming tagapagsuri
  • Dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang pamagat-pampananaliksik
    • Kasapatan ng datos
    • Limitasyon ng panahon
    • Kakayahang pinansyal
    • Kabuluhan ng paksa
    • Interes ng mananaliksik
  • Kasapatan ng datos
    Kailangang may sapat nang literatura hinggil sa paksang pipiliin
  • Limitasyon ng panahon
    • Ang kursong ito ay para sa isang semestre lamang
    • Huwag pumili ng paksa na mangangailangan ng isang taon
    • Isipin kung gaano kaiksi ang panahon na nakalaan
  • Kakayahang pinansyal
    • Kailangang pumili ng paksang naaayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik
    • Huwag pipipili ng paksa na kakailanganin ng malaking pondo upang maisagwa lang ito ng matagumpay
  • Kabuluhan ng paksa
    • Kailangang pumili ng paksang hindi lang napapanahon, kundi maaari ring pakinabangan ng mga mananaliksik at ng iba pang tao
    • Huwag pumili ng paksa na madalas ng isinasagawa sa mga pag-aaral
    • Kailangan ay may sarili kang layunin sa pagbuo ng isang paksa
  • Interes ng mananaliksik
    Magiging madali sa isang mananaliksik ang pangangangalap ng mga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes
  • Ang pagpili ng paksang pampananaliksik ay kinakailangang pag-isipan ng mabuti at hindi mabilisang pinagdedesisyonan
  • Virgilio Almario: 'May tindi at sigasig ang paghahanap dahil kailangang gawin ito sa lahat ng sulok'
  • Binigyan-kahulugan ni Kerlinger (1973) ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado, empirical at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal.
  • Katangian ng mabisang pananaliksik
    • may kredibilidad
    • sistematiko
    • impirital
    • dokumentado
    • kritikal
  • impirikal
    • ang resulta ng isang pananaliksik ay nakabatay sa isang karanasan, obserabasyon at tiyak na datos
  • sistematiko
    • sumusunod sa isang tiyak na proseo at pamantayan
  • may kredibilidad
    • ang isang mabisang pananaliksik ay may resultang nakapanghihikayat mambabasa na sa mga
    pagkatiwalaa ang datos nito
  • dokumentado• ang bawat hakbang, resulta o anumang kaganapan na pagdadaanan ng isang pananaliksik ay kailangang ginagawan ing dokumentasyon
  • kritikal ang mga nakalap na datos ay dumaan sa isang masusing ebalwasyon
  • Uri ng Pananaliksik
    • basic research
    • applied research
    • action reseach
  • basic reserach pananaliksik na nagbibigay ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral sa kasalukuyan. Pangunahing layunin nito ang mangalap ng datos
  • Tatlong Bahagi ng Pananaliksik
    1. panimulang bahagi ng pananaliksik
    2. pangunahing bahagi ng pananaliksik
    3. panghuling bahagi ng pananaliksik
  • panimulang bahagi ng pananaliksik
    • Dahon ng Pamagat
    • Dahon ng Pagpapatibay
    • Abstrak ng Pag-aaral
    • Talaan ng Nilalaman
    • Talaan ng mga Talahanayan at Figura
    Pasasalamat
  • dahon ng pamagat
    • ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon.
  • pasasalamat
    • Ito ay matatagpuan sa ikalawang pahina, naglalaman ito ng mga taong nais pasalamatan ng mananaliksik upang ang pag-aaral sa napiling paksa ay maisakatuparan
  • dahon ng pagpapatibay
    ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel
  • abstrak ng pagaaral
    • Ito ay tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos nang pag-aaral. It ay kabuuang nilalaman ng papel, nandirito ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanata sa pananaliksik
  • talaan ng nilalaman
    • ito ang nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa
  • talaan ng Talaharayan at Figura
    • nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
  • pangunahing bahagi ng pananaliksik
    Kabanata 1: Panimula
    Kabanata II: Revyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
    Kabanata III: Metodolohiya
    Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyong ng Datos
    Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
  • Kabanata I: Panimula
    Ang bahaging naglalaman ng pahapyaw na kasaysayan, mga layunin, kahalagahan ng pag- aaral, saklaw at limitasyon, at depinisyon ng termino.
  • Kabanata II Revyu ng Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
    ang bahaging tumitingin sa mga akda o artikulong una nang naisulat tungkol sa paksa
  • Kabanata III: Metodolohiya
    Ito ang ang bahaging tumatalakay sa prosesong sinusunod upang maisakatuparan ang pag- aaral
  • Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasy'n ng Datos
    Ito ang pinakamahalagang baging pananaliksik dahil dito inilalahad ang mga resultang natuklasan sa pag-aaral.
  • Kabanata V: Lagom, Kongkluson at Rekomendasyon
    • Huling kabanata ng pamanahong papel.Nilalagom nito ang mga nakalap na datos at impormasyon.
  • Panghuling Bahagi ng Pananaliksik
    Bibliorapiya
    Apendiks
    -Liham Pahintulot
    -Talatanungan
    -Pinasagutang Porma
    -Itinalang Panayam
    -Mga Larawan
    -Kurikulum Bita
  • Bibliograpiya
    Naglalaman ang bahaging ito ng kompletong listahan ng mga materyal na ginamit sa pagsulat ng pananaliksik na nagdedetalye sa pangalan ng may-akda, pamagat ng materyal, taon ng pagkakalimbag at iba pa
  • Apendiks
    ito ay isang bahanai ng pananaliksik kung saan nakapaloob ang mga liham, pormularyo ng ebalwasyon, talatanungan (survey questionnaire), bio-data ng mananaliksik, larawan at iba pa.
  • Batayan sa paglimita ng paksang pamagat-pampananaliksik
    • panahon
    • edad
    • kasarian
    • perspektib
    • lugar
    • propesyon o grupong kinabibilangan
    • anyo o uri
    • partikular na halimbawa o kaso
    • kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan